Kaya pala naglaga ng isang itlog si bunso kasi balak niyang magpabili sa akin ng lugaw. Nang lumabas ako para bumili ng lugaw dala ko ang aking selpon at kinunan ko ng litrato ang kalsada para ishare po sa inyo na wala gaanong dumadaan na sasakyan sa mga oras na iyon. Ang kalsada na ito ay sobrang busy noon marami ng nadisgrasya sa pagtawid dito dahil sa biglang pagovertake ng motor.
@Nengste in September 2021
Nasa mode si granny Nengste magluto spicy chicken adobo, gusto niyo rin bang ulamin ang maanghang na adobo? Kami ng aking mga anak po ay mahilig sa maanghang na pagkain wag naman sobrang anghang😀Luto na po ito pero papatuyuin pa po ito mamaya para maging fried adobo bago kami maglunch ni bunso.
Lumabas si bunso sa kanyang lungga para maglunch, sabi ko sa kanya na hindi ko pa na fried ang adobo kaya bumalik muna siya sa kanyang trabaho at sinalang ko ulet sa apoy ang kawaling may laman na adobo, pinatuyo ko ito at dinagdagan ng konting mantika para maprito. Pinagbilin niya na sa place of work na lang daw siya kakain kaya sa isang bowl ko na nilagay ang kanyang pagkain.
Napakaalinsangan po dito sa amin ngayon, pinapawisan ako kahit bagong ligo. Meryenda muna tayo ka-ingay mainit na gatas at biscuit na may sesame seeds. Masarap sana ang malamig na inumin cola at juices sa mainit na panahon pero hindi po namin ito karaniwang nakasanayan pag may okasyon lang kami umiinum nito 1sang boteng malaki sapat na sa amin.
Nasira ngayong araw ang dating electric kettle na ginagamit sa pagpapakulo ng pampaligong tubig. Pinag-iisipan ko kanina kung itong bago ang gagamitin namin sa pagpapakulo ng tubig para sa kape, gatas o kahit anung mainit na inumin, kaya sinubukan kong magpakulo ng tubig gamit itong bagong electric kettle, pagkakulo naamoy ko na amoy plastic dahil diyan buo na desisyon ko na gagamitin na lang ito sa pagpapakulo ng pampaligong tubig.
Si bunso nalulungkot dahil ang gusto niyang bisita sa kanyang kaarawan ay may sakit, inuubo pa rin ang kanyang pamangkin, sila lang mag-ina sana ang magiging bisita ni bunso sa kaarawan niya sa biyernes kasi ang pamilya ng aking panganay hindi umaattend sa okasyong birthday dahil sa kanilang Religion at saka sa ibang baranggay at malayo sila sa amin. Sabi ng aking pangalawang anak kahit na magaling na ang kanyang anak ayaw niya pa rin pumunta dito sa amin at baka mahawaan pa…
Hindi pa po ako inaantok, bumangon ako at nagtimpla ng gatas baka sakaling antukin..nga pala pwede po magtransfer o send ng fund from gcash to coins.ph * open your gcash app * click bank transfer or send *choose coins.ph * fill up the require info coins.ph account number( phone number), account name ( full name) , amount to send *submitt
Narinig ko si Zorro 🐕kaninang madaling araw na paiyak iyak hindi ko ito pinansin, nakatulugan ko na lang. Sa aking paggising hindi ko na nakita si Zorro bumangon na ako para pumuntang CR, binuksan ko muna ang pintuan sa kusina pagkabukas nakita ko Zorro lumabas ng silid at nag-aantay na umalis ako sa tapat ng pinto bago siya dadaan palabas.
May natirang 2 hiwang breast part na adobo hinimay ko ito at pinirito para gawing fried adobo flakes sakto may natira pang konting kanin kagabi, isinangag ko ito at inihain para almusalin ni bunso bago pumasok sa kanyang work from home.
May sinadya akong pinuntahan na tindahan para bumili ng manggang hinog ngunit wala silang tinda, dahil andun na ako sa labas naisip kong maghanap sa ibang tindahan at wala talagang nagtitinda umuwi akong bahay na pinagpapawisan dahil ako ay gumala ng tanghaling tapat, kasalukuyang nakatapat po ako ng efan habang sinusulat ko po ito.
Wala po akong nakitang ripe mango at ayaw ko naman pumuntang town's market para lang bumili ng manggang hinog, sinabi ko kay bunso na huwag na kaming gumawa ng Mango Graham at ito ay hindi pumayag kaya sinabi ko na lang na fruit cocktail na lang ilagay instead of ripe mango kaya namili na ako ng mga ingredients, pinachill ko muna ang 2 all purpose cream, gagawin ko po ito mamayang gabi. Ito ang aming panghimagas bukas sa pagcelebrate ng aking pagluwal sa kanya omorder daw…
Nagawa ko na po ang fruit cocktail graham float, mango graham sana ang balak gawin kaso walang ripe mango. Ang tip sa paggawa ng cream kung paano ito magdouble in size ay natutunan ko po kay noisemate’s @wella46. Ingredients: 2 packs of chilled all-purpose cream 1 can condensed milk 2 packs of graham crackers 1can of medium sized fruit cocktail
Ang likot ngayon ng crypto market ang mga altcoins ay gumagalaw galaw pataas, sana tuloy lang pag-akyat posibling hihirit dahil maglalast quarter na ang taong 2021. Umaambon dito ngayon kaya lumamig ang klima ngayong gabi.
Ka-ingay papaalam na po ako sa inyo, bukas kita kits ulet tayo dito kay noise. Naunahan na ni Zorro 🐕matulog ang kanyang amo. Good night!
Lazy getting up, feeling comfortable noising while in bed. Hello noisemates, it's friday! September 3 the day when my youngest daughter was born, she' s now 25 years old living with me, thankful for we been together since she was born. We gonna having a special meals to share later😊 special because we just having these food only occasionally. Have a blessed Friday to all!
Ito po ang simple pinag-saluhan naming mag-ina ngayong tanghali-an sa pagcelebrate ng ika 25 na taong pagsasama namin ni bunso simulang iniluwal ko po siya sa mundong ito. Itong spicy sweet mixed seafoods at samyeopsal ay inorder ni bunso ang tangi kong niluto ay ang pag prito ng beef bulgogi at paggawa ng dessert kaya lang pagkatapos naming tatlong kumain, ang dami kong inurungan😅ayos lang kay granny basta nagkasama kami sa araw na ito.
Napakaalinsangan na hapon, kaliligo ko lang pinagpapawisan na naman, hindi nakatulog at ang ingay magkwentuhan ng magkapatid.Meryenda tayo Ka-ingay cake +tubig
Kaaalis lang ng aking pangalawang anak at apo hinatid namin ni bunso sila sa labas at tinulungang maghanap ng tricycle na masakyan pauwi. Pagbalik sa bahay nagwalis at nagligpit muna ako at tinanong si bunso kung kakain pa siyang kanin sa hapunan para makapagsaing muna bago mahiga at baka makatulugan ko pag inuna kong mahiga😀kakain daw siya ng konti kaya pinakita ko kung kasya na ang natirang kanin kaninang tanghali-an, kasya na daw. Naumay po ako sa dessert at cake may…
Ang hapunan namin ni bunso ay ang natirang seafoods kaninang tanghali-an, ramen na niluto ni bunso at ensaladang Letsugas, hindi na po ako nagsaing pinagkasya na namin ni bunso ang tirang kanin. Puro maanghang ang inulam namin. Kumain na rin po kayo Ka-ingay
May naririnig akong pagpatak ng ulan, patak lang po hindi pagbuhos. Kunsabagay mainam ang patak lang malayong magkaroon ng pagbaha. Last post ko na po ito ngayong gabi dahil inaantok na si granny, kayo po baka inaantok na rin kayo, tara na matulog na tayo. Good night for now and see you all again tomorrow.
Malamig ang simoy ng hangin sa umagang ito, umagang puno ng pag-asang magiging maayos din ang mga bagay bagay, huhupa din ang unos sa ating buhay sa mga nakakaranas nito ngayon kapit lang, ang buhay ay parang gulong minsan ay nasa ibabaw at minsan ay nasa ibaba parang crypto minsan berde ang merkado minsan pula😄 ngayon ang saya saya dahil nasa 35K na si bch. Magandang umaga!
Pagkatapos gawin ang mga gawain ngayon umaga naligo na agad ako pakiramdam ko ang bigat ng aking katawan, pagkatapos ligo nilagyan ko ng laman ang aking tiyan sa pagkain ng natirang cake kahapon at nag gatas at saka nag take ng gamot na biogesic.
Ang ulam ko ngayong tanghali-an ay sinampalukang manok na nabili sa lutong tindahan ni Ka Elvie nang iinitin ko na it, nakita kong ang konti ng nilagay na gulay sa servings kaya nang nakasalang na sa apoy para initin dinagdagan ko ito ng gulay na kangkong. Kain na tayo Ka-ingay
Sobrang inantok ako kanina na hindi ko namamalayan nabibitawan ko na pala ang hawak na selpon na kahit sobrang maalinsangan ang klima nakatulog po ako at kagigising lang ngayon. Meryenda na, anu kaya ang makain🤔meryenda na tayo Ka-ingay!
NapaWow po ako sa natanggap kong notification from coins.ph 36K na si bitcoin cash, sana tuluyan na itong kanyang pagtaas. Ito ang nahanap kong meryenda sa tindahan gusto rin kasi ito ni bunso. Meryenda muna kaming dalawa, bago ko problemahin ang ulam panghapunan😃
Dahil ako lang ang maghahapunan nagsangag at nagluto ako ng isang pirasong longganisa saka nagpisa ng 2 kamatis at nilagyan ng konting patis para sawsawan. Ang kinain naman ni bunso ay brownies at nagtimpla ng gatas. Habang kumakain kami, nagtanong kung anu ang bibilhin niyang ulam bukas sabi ko bahala ka kung anong gusto niyong ulamin, aalis daw siya bukas dahil nakasahod na siya at sabi pa niya binayaran na daw niya agad ang aming Internet provider. Tingnan natin bukas…
Palagay ko marami ang magpupuyat ngayon dahil pwedeng magpatanghali ng gising bukas dahil walang pasok kasi ito ay araw ng Linggo. Ako kailangan ko ng matulog,kahit na nakatulog po ako ng mahabang oras kaninang hapon, ramdam kong inaantok na naman po ako ngayon. Ka-ingay mauuma na akong matulog sa inyong mga gising pa hanggang ngayon. Good night!
Kagigising ko lang mga ka-ingay, masarap pa rin ang tulog kahit na napakaalinsangan buong gabi. Araw ng Linggo, ang araw ng pag muni-muni, pamamahinga at pagsama-sama ng buong pamilya. Masayang pagtitipon sa inyong tahanan Ka-ingay!
Dahil natanggap na po ni bunso ang kanyang unang sahod, bumili siya ng aming mauulam ngayong araw at mga sari-saring mangangata😀Ang napusu-an niyang dish para lutuin ko ay linagang baka🐄 ang gusto niya sanang bilhin ay buto-buto ngunit naubos na daw kaya laman na lang ang nabili. Kayo po Ka-ingay anong part ng baka ang gusto niyong gawing linaga?
Meryenda/almusal muna si granny habang pinapakulu-an para lumambot ang special dish namin ngayon 😀special kasi madalang lang po ako makapagluto nito at saka libre ni bunso ang sarap kaya kumain lalo na’t libre, medyo matatagalan lumambot pero ayos lang madalang naman akong gumamit ng LPG
Sobrang init po dito sa amin tirik po talaga ang araw walang sign na uulan. Tiyak na nakatanghali-an na kayo, kanina pa po ito naluto pero ngayon pa lamang kami kakain ni bunso lalo pa sanang sasarap ang kain kung umulan man lang😅Tara po kain tayo tig isang serve kami ni bunso wala ng hihirit pa.
Late meryenda po tayo, ito pa rin ang brownies kahapon na hindi naubos ni bunso, ako na ang uubos nito para hindi masayang. Brownies +swiss miss choco= meryenda Lunes na naman bukas, sa mga pumapasok para maghanapbuhay parang hindi sapat ang inyong pahinga ngunit kailangang pumasok para sa economiya. Sa panahon ngayon pasalamat na tayo na meron pa tayong hanapbuhay dahil yung iba ay nawalan dulot ng pandemya.
Pinakita ko kay bunso ang tirang kanin at sinabi kong hindi na ako magsasaing kasya na sa atin ito at ang sabi "magsaing ka ma" saka sabay binuksan ang kalderong may laman na ulam kaninang tanghali-an, talagang nasabik siya sa nilagang baka.
Ang gulo ng dalawa naming alagang aso narinig ko na parang may hinahabol silang dalawa sa bakuran yun pala ay may nakapasok na manok, bumangon ako at tiningnan, nakita ko na may manok na nakasisik sa sulok dahil ito ay natatakot kina Grey at Zorro kaya dinakip at pinakawalan ko ito sa labas at pinapasok ko na ang dalawang 🐕 saka isinara na ang pintu-an. Inaantok na naman ako, Good night ulet sa inyong lahat.
Magandang umaga, araw ng Lunes maaga na naman gumising ang nanay para magluluto ng umagahan ng kanyang asawa o anak dahil muli na naman silang papasok ng trabaho at maiiwan ang nanay sa bahay na maraming nakatambak na trabaho, ngunit ang nanay ay masigla niya pa rin ginagawa ang mga ito kahit na minsan ay napapagod na, may iniindang sakit dahil ito sa pagmamahal sa kanyang pamilya. Kaya Saludo ako sa mga Inang ganito👏 👏👏 ako ay babangon na rin dahil labada day ko ngayon😄
Kahit sobrang nakakastressed dahil kabilaan ang ingay ng yero at pagpukpok pag tunog ng makinang gamit nila dagdagan pa ng pagtatahol nina Grey at Zorro, nanatili pa ring kalmado ganun talaga pag may construction kabilaan malapit sa aming tahanan, hindi naman po kami nakatira sa isang village o subdivision. Pag ganito ang status sasabihin agad ni bunso “ lumipat na tayo mama sa subdivision” sagot ko naman sige pag-iponan niyo😅
Habang inaantay pagbreak time ni bunso for lunch meryenda muna tayo ka-ingay. Nastressed din si bunso sa kabilaang ingay ng construction dahil nakaka istorbo ito sa kanyang work from home. Tiis tiis muna kami mga ilang araw matatapos din ito😀
Sobrang init pa rin dito sa amin. Inabisohan ako ng aking pangalawang anak na baka iquarantine sila kasi lumabas daw sa xray ng kanyang biyanan na may lamat kabilaang lungs at baka daw ipaswab test. Noon una nagkasakit silang lahat pero gumaling na sila pati apo ko, itong biyanan niyang lalaki ay sobrang nahirapan sa pag-ubo kinakapos ng paghinga kaya inoxygen sa bahay lang nila tapos pina X-ray at yun nga po ang result, pero ayos na daw kalagayan ng biyanan niya madalang na…
May itatanong lang po ako😊alam niyo po ba ang tawag dito? Meron ba kayong alam kung anung luto ang masarap gawin dito? Pasensiya na kayo kasi hindi pa ako nakapagluto nito,binigay po ito ng isang kakilala hindi ko naman naitanong kung paano lutuin ito😀
Update Bitcoin cash nasa 39K na po, hold or sell? Source: coins.ph
Nakabili akong lutong ulam isang serving na linagang baka ito lang kasi ang ulam nilang tinda na may sabaw, pagdating ko ng bahay nakita ko na napakakonti pala nang ininit ko dinagdagan ko ng tubig tapos nagbukas ako ng isang pack na spicy beef noodles, sabi ni bunso dagdagan ko pa daw ng noodles ang dinagdag ko ay ang bon bon noodles ito daw ang tawag sa noodles na tinanong ko kanina sabi ni @SeannBlake. Heto na po inihain ko na at kakain na kami ni bunso, tara po kain tayo.
Paano mga Ka-ingay maaga akong matutulog hindi ako nakaidlip man lang kanina sa sobrang init, hindi din ako nakapaglaba kanina dahil ang sakit ng aking kanang tuhod, Arthritis yata ito. Pinahiran ko na ng katinko baka sakaling mawala😀Good night na po sa inyo
Kagigising ko lang at agad na sumilip dito sa noise at kay coins.ph nasa 39K pa rin value ni bitcoin cash. Nabasa ko sa ilang post dito na may darating na bagyo daw at ramdam na ngayon sa Bicol, sa taga Bicol mag-ingat at paghandaan niyo na po ang parating na bagyo. Sige iwan ko na po kayo at ako ay maglalaba na.
Break time po muna ako sa paglalaba para mag-almusal habang inaantay ang paghinto ng ikot ng washing machine. Bumili ng makakain si bunso at nag-ayang kumain kasi sabi ko sa kanya kanina na parang may sinat ako kaya siguro lumabas at bumili ng lugaw at gamot.
Tinanggal ko muna sa sampayan ang mga sampay at isinilong bago mahiga at baka makatulogan ko, parang nagbabadyang uulan ngayong hapon. Buti nawala ang sinat ko nang ininuman ko ng gamot parang may slight infection yata ako kasi medyo masakit ang aking balakang pahinga muna kami ni bunso sa pagkain ng noodles.
Matagal ko ng balak magpakulay ng buhok kay bunso ngunit at dahil na din sa sobrang init ng klima ng panahon nitong nagdaang araw hanggang ngayon kaya pinagpaliban ko muna. Ka-ingay nagmeryenda na ba kayo? Ang aking meryenda ay biscuits at maraming tubig.
Hapunan na po! Kumain na kami ni bunso, ang aming hapunan ay saging na saba, naglaga ako para sa akin at piniritong saging at fried toasted meatloaf naman ang kay bunso. Kumain na rin ba kayo ng inyong hapunan? Ang hindi pa kumain na po kayo. Hindi po umulan ngayong araw sa aming lugar as usual napakainit pa rin.
Na set up ko na ang smartbch network sa metamask at naka add token na rin like EBEN and $CATS yan pa lang na add token ko ang naka question mark sa isip ko kung paano o saan makabili nitong 2 token. Try ko na lng kayang sumali sa pa airdrop sa twitter para magkaroon nito😀
Kaya pala napasarap ang aking tulog dahil malamig ang panahon, kagigising ko lang at ngayon ko lang nalaman na umuulan pala buti mahina lang at hindi mahangin. Ngayon ko lang din natanggal sa pagkacharge ang selpon na iniwan kong nakacharge kagabi. Sa Lugar na sinalasa ni Bagyong Jolina maging alerto at doble ingat kayo diyan. Maulang araw na Miyerkules sa atin lahat🌧☔️
Kape muna si granny Nengste para magbigay init sa kalamnan at ang lamig ngayon dala ng may baguio sa ibang Region ng bansang Pilipinas kaya ibayong pag-iingat po sa kasalukuyang lugar na nakakaranas ngayon ng malakas na ulan at hangin. Dito sa Luzon(Bulacan) may pag-ulan din mahina pa sa ngayon ang buti po at walang kasamang hangin.
Nawalan po kaming connection sa internet kaninang bago mananghali-an hanggang ngayon, mobile data lang po ngayon gamit ko. Katamtaman lang po buhos ng ulan dito sa aming lugar nagbrownout kanina pero bumalik din kaagad ang power pero ang internet hindi na nakaconnect kaya naisipan na lang namin ni bunso na manood ng TV at last nabuksan din ang TV mahigit din isang taon na hindi na namin ito binubuksan dahil nakatutok ako sa mga earning online.Nakakalungkot ang mga balita…
Nagtampo ang aking anak sa aming ginagamit na Internet Provider kasi nawalan kami ng connection ng mahabang oras dahil diyan hindi po siya naka pag work from home kaya nagdecide na siya na mag change of internet provider na daw kami to 35 mbps unli fiber plan ayaw ko sanang pumayag kaso baka masisi ako pag ganito lagi si converge.
Maaliwalas na umaga sa ating lahat, lumayas na yata si bagyong Jolina kaya lumitaw na ngayong umaga si haring araw pero kamusta naman kaya si bagyong Kiko? Paggising ko nicheck ko kaagad ang modem ng converge, still wala pa rin connection. Ask ko lang po kung anong mainam gamitin na home prepaid wifi broadband?
Dahil hanggang ngayon wala pang connection sa converge buong baranggay pala namin ang nawalan ng connection kaya itong si bunso ay balik bata heto nanonood ng palabas na cartoons sa Television.
Si bunso was so lazy to do her responsible to bathe her two pet ipinasa sa akin ang kanyang obligasyon kaya pagkatapos ko mag-almusal pinaligu-an ko kaagad ang dalawang 🐕 na sina Grey at Zorro. Nagpadelivered si bunso ng Jollibee kagabi hapunan namin, itinabi ko ang cheese burger kaya ito ang aking almusal ngayon. Ang sarap kainin lalo treats ni bunso😋
Nakabili ako ng bangus malinis at nabiyak na tamang tama dahil gusto ni bunso mag-ulam ng bangus na may palaman na hiniwang kamatis,sibuyas,luya na may timplang toyo,calamansi at durog na paminta, niluluto na nakabalot sa dahon ng saging o foil, masarap sanang ihawin kaso maraming sampay na damit sa paligid kaya niluto ko sa kawaling may konting mantika at tinakpan parang combination ng lutong prito at ihaw at mahina lang ang apoy.
Nakatulog kanina si bunso sa kaiintay pagbalik ng wifi internet connection nang mga 11:30 ini on ko ang wifi sa setting ng selpon para macheck at doon ko nalaman na bumalik na ang connection agad kong ginising si bunso para kumain muna ng lunch bago siya mag work from home. Habang naglalunch kami kanina panay sabi ng "ang sarap" napangiti ako sa kanya kasi ganyan siya pag gusto niya at nasarapan sa kinakain niya😄 ang ulam niya ay ang niluto kong boneless bangus na may…
Kumain na kami ni bunso ang ulam namin ay same pa rin bangus na may palaman. Kinabahan ako kanina dahil may narinig akong parang may hindi magandang nangyayari sa aming kapitbahay pero bigla namang kumalma na hays. Kumain na rin po kayo.
Malamig ang klima ng panahon ngayong gabi kahit hindi umulan maghapon. Ang aga kong inantok ngayon kahit na nakatulog naman ako kanina. May dadating pa palang bagyo pinangalanang Kiko mas malakas daw ito kay Jolina kaya maging alerto at mag-ingat po tayo lalo na sa lugar na sentro ng kanyang dadaanan. Good night na po sa inyong lahat🙏
Ang hindi pa po bumabangon diyan kagaya ko😄 bangon na tayo. Si bunso naglilinis na ng kanyang kwarto at nagpapakulo na ng tubig at magkakape na siya. Ang sarap lang kasing magbabad sa kama habang nagnonoise.Magandang malamig na umaga sa inyong lahat.
Naikwento ko po na sa tuwing lalabas ako hindi ko maiwasang tumingala sa puno ng bayabas at heto po may napitas akong bunga, nakalabas dahil may pinakuhang bagay si bunso sa akin kasi naka duty na siya sa kanyang work from home. Ayaw po magupload ng photo ngayon sa akin.
Nagluluto ako ngayon ng karaniwang niluluto tuwing biyernes ito ay munggo ang paborito ng lahat lalo na si bunso. Marami po akong nabiling tokwa ang iba ay panahog sa munggo at ang iba naman ay inilaan ko para papakin habang nagluluto😀 Ang tokwa ay pwedeng gawing alternatibo sa karne o poultry meat dahil mayaman din ito sa protina. Gusto niyo rin bang magpapak nito?
Pagkatapos kumain naglakad lakad muna tapos inantok na, ang antukin ko yata nitong nakaraang araw. Asan na kaya si bagyong Kiko nananalasa na kaya hindi ko pa po kasi ramdam dito sa aking kinaroroonan. BRB pagbigyan ko muna itong aking mata.
Nahirapan akong mag set-up ng 2fa sa coinflex ang bilis magpalit ng verification code from google authy mahabang time na consumed ko dito kasi pinipilit ko pa rin kahit ang hina ng net😀Nakapagtry na akong magdeposit ng bch sa coinflex nang nagtransact ako ng withdraw papunta sa metamask need pala to activate the 2fa first kaya hindi ako nakapagtransact ng withdraw.
Yes nagawa ko ng magtransfer ng konting amount from coinflex to metamask smartbch network for checking if tama ang ginawa kong paraan palagay ko tama kasi successful naman po ang transaction. Next time try ko po naman ang pag buy ng smartbch tokens
Magandang maulan na umaga po! Mga Ka-ingay na gcash user nakakalog-in po ba kayo sa inyong gcash account? Kahapon ng umaga naopen ko pa at nakapagtransact, ngunit kagabi may new update ang gcash app kaya inupdate ko muna pagkatapos update naglog-in ako pero hindi maopen panay loading lang at saka may nabasa akong nakahighlight sa support page na ganito(photo) okay naman internet ko nakapag accessed naman ako ng ibang sites, ni report ko na rin ito kagabi sa gcash support may…
May nagcomment sa aking huling post at nag-advised na iopen ko daw ang gcash app using mobile data @Ezy10 at ganun nga po ginawa ko komonect po ako sa LTE ni bunso at sinubukan at ito nga po gumana may natanggap po agad akong otp. Anu kaya issue ng gcash sa converge IP? Thanks @Ezy10
Nakita ako ni bunso ng nagtangka akong magbukas ng biscuit at saka sinabihan akong bibili daw siyang lugaw para almusal namin kaya hindi ko na itinuloy ang pagbukas ng biscuit, tamang tama umuulan dito sa amin ngayon. Pagkatapos niyang maglinis ng kanyang silid lumabas at bumili na siya agad ng lugaw tokwa at baboy, kain tayo Ka-ingay.
Noong nakaraang taon sumali ako sa pool investment fund sa isang crypto, kahapon nakatanggap ako ng chat na nagsasabing lumago at tumubo na ang aking shares kaya pinaconvert ko na at pinasend via gcash kaya naitreat ko ngayon ang pamilya ng aking panganay na anak dahil mahilig ang aking dalawang apo sa chicken ito ang aking treats sa kanila food delivery via food panda.
Bumuhos na naman ang ulan na may kasamang pagkulog napakasarap matulog ngayon, nakakatamad kumilos pag ganito ang panahon parang gusto ko na lang mahiga lagi😄 Nang kumain kami ng tanghali-an ni bunso ang ulam namin ay scrambled egg with tomatoes at fried talbos ng Kamote ang lakas kasi ng ulan kaya hindi na nakabili ng lutong ulam.
Ang sarap na may nangangata habang may iniinum na kapeng mainit ngayong maulan na hapon.Kamusta ang panahon diyan sa inyo? dito po katamtamang ulan lang at walang kasamang hangin kaya masabi ko po na safe kami sa pagbaha. Sa nakakaranas ng bagsik ni bagyong Kiko manatili po kayo sa ligtas na lugar, be sure na mayroon kayong de latang pagkain,flashlight o kandila sakaling mawalan ng pawer ang kuryente.
Rice noodles ang rice noodles ay gawa sa rice flour at tubig minsan nilalagyan din ng corn starch o gawgaw. Meron akong isang klaseng rice noodles at ito ay aking niluto ngayon at sinahugan ng mga sangkap na ito. Button mushroom Tokwa Red pepper Cabbage Carrots Chicken cubes Soy sauce Onions Ito ang hapunan namin ni bunso. Tara ng kumain ng maaga nang makatulog din ng maaga.
Ako ay magpapaalam na sa inyo bukas ulet, sabi ko kanina na maaga akong matutulog ngayon dahil maaga kaming kumain ng hapunan hindi ko po nagawa dahil dumating ang aking anak kasama si apo. See all your new post again tomorrow. Good night🙏
Umagang kay Ganda, paggising ko ng umaga syempre hinawakan agad ang selpon, nabasa ang mensahe ng aking apong 10 years old at pinakita ang kanyang mga gawang drawing na amazed talaga ako sa mga batang marunong mag drawing dahil hindi talaga ako marunong nito ang galing nila. Ang lamig ng umaga kailangan kong maglaga muna ng luya para may mainum akong pampainit ng kalamnan, skip muna ako sa pag-inum ng kape.
Dahil umuulan ngayon at medyo mataas na ang tubig sa daan palabas papuntang tindahan nagdecide na si bunso na magshop online ng aming food for lunch gusto niya daw ng chowking kaya nag tried na mamili ng foods hahah hindi nakaorder at ang mahal daw ang sunod na nicheck ay ang mang inasal at okay sa kanya ang presyo kaya ni check out na niya at waiting na lang.
Mga halos isang oras din namin hinintay ang rider ng Mang Inasal nang kumakain na kami ni bunso halos maubos na niya ang sinaing na sana ay hanggang pang hapunan pa namin nasarapan sa timpla ng spicy chicken inasal ni Mang Inasal. Sabi ko sa kanya huwag lagi tayong ganito pag may pera ka imanage niyo ang iyong sahod dapat may savings ka at sumagot si bunso na eenjoy daw niya muna ang unang buwan niyang sahod. Ang tagal po mag-upload ng photo.
Hindi ako nakaidlip man lang dahil sa ingay ng videoke na nanggagaling sa isa kong kapitbahay, Linggo po kasi ngayon kaya nagkakasama at nagkasayahan na may pinagsasaluhang alak na may pulutan sana hindi sila magkapikonan pag nagkakwentuhan kung hindi ang kasiyahan nila ay matatapos na naman sa awayan at hiwalayan.
Nakapagmeryenda na ba kayo? Ako po ngayon pa lang dahil may pinagkaabalahan ako kanina. Ito po ang aking meryenda ensaymada +tubig ayaw ko munang magkape ngayong araw. Kasalukuyan pong huminto ang ulan kaya nakalabas at nakabili ng mameryenda. Ang isang apo ko nagdrawing din at pinakita sa akin kung maganda din daw gawa niya kasi nalaman niyan nagandahan ako sa ginawang drawing ng kanyang ate sabi ko sa kanya na "Ang ganda ang galing naman pero lalong gaganda ang drawing…
Sana magpakita na si haring araw bukas dahil Lunes na bukas, ito ay araw ng aking paglalaba. Maaga kaming kumain ni bunso may tirang Chicken inasal kaninang tanghali-an ininit ko po at iyon ang aming inulam. May nabasa akong post kanina, tinatanong niya po kung pwedeng iisang bitcoin cash wallet address ang gagamitin niya sa dalawa niyang noise account hindi po ako makarelate at makasagot dahil iisa lang at ito lamang ang aking noise account.
Ilang araw at magdamag ng nakapahinga sa pag-ikot ang gamit kong electric fan dahil malamig ang klima ng panahon. Kumusta maghapon natin Ka-ingay? Salamat at naging mabuti at mabait naman po sa akin ang dala ng araw ng Linggo. Signing off na po ako para matulog bukas ulet. Good night!
Ang aking pasasalamat sa Amang nasa langit na nabigyan ako ng pagkakataong na muling masilayan ang kanyang mga nilikha at nakakamanghang disenyo dito sa lupa. Bangon na tayo Ka-ingay, unang araw ng pasukan sa eskwelahan ng inyong mga chikiting ngayon nasabi kong inyong kasi wala na akong nag-aaral na anak at salamat kasi hindi ko naranasan itong bagong sistema ng pag-aaral/pagtuturo module class at online class mukhang mahirap yata ito sa nanay dagdag trabaho sa kanila, ang…
Si bunso nastressed na naman sa kabilaang ingay ng construction nakakasagabal kasi ang ingay sa kanyang work from home nakaassigned ang work niya kasi sa phone calls, gusto ko ng matapos agad itong ginagawang construction ng maging maayos at komportable na si bunso. Meryenda/almusal muna tayo Ka-ingay
Nakaluto na si granny Nengste, nagpabili ako sa aking pangalawang anak ng pinagtabasang baboy at heto po ginawa kong fried spicy adobo at ang requested ni bunso na tokwa at baboy. Gusto ko na sanang kumain kaso dumating na ang mga lineman para magkabit ng cable Internet na Globe unli fiber plan mas mabilis daw ito sa dati naming Internet Provider yan po ang sabi ni bunso.
Nang iniinstall kanina ang Globe Internet ikinulong muna namin sina Grey at Zorro 🐕sa silid tulugan ni bunso kaya kasakasama ni bunso ang dalawa habang nagwowork siya, ang bait ng dalawa 🐕 kasi hindi man lang sila nag-ingay kahit alam nilang may tao sa bahay. Mabilis nga po itong Globe home fiber 35 mbps
Late meryenda po tayo Ka-ingay, may ginawa po ako kaya nalibang hindi namalayan ang oras akala ko maaga pa, ngayon lang din nakaramdam ng gutom. Back na naman tayo sa panahong pawisan, na kahit kaliligo lang pinagpapawisan pa rin, lalo pang uminit dahil nagkape pa 😄
Maaga akong inantok, kaya ako ay mauna ng eexit sa inyo. Natawa ako kay bunso dahil takot at nandidiring damputin ang patay na dagang maliit dahil sa pagkaipit ng pagsara niya ng pintuan pilit na pinapadampot sa akin hindi ko nga siya pinansin kaya napilitang damputin ito ng plastic bag na takot at diring diri, natutuwa lang ako sa kanyang reaction😂 Good night na sa inyong lahat bukas ulet.
5:30 ng umaga akong nag-umpisang maglaba ngayon lang ako nayari pagpasok ko ng kusina naghanap agad ng makakain at ito ang aking nakita buti bumili ng makakain si bunso dahil gutomized na pagkatapos maglaba. Nagising ako ng maaga dahil sa aking napanaginipang napadpad o naligaw ako sa mundo na hindi ko alam basahin ang mga nakasulat at gusto kong bumalik sa aking pinanggalingan hindi ko matuntun ang daan, nagtanong ako sa mga tao ngunit hindi nila nauunawaan ang aking…
Nakahiga si granny Nengste ngayon dahil napagod pagkatapos maglaba tapos inantok na din dahil maagang nagising bago ako nahiga bumili muna akong lutong ulam ang nabili ko ay sinigang na baboy dadagdagan ko na lang ito ng gulay na okra pag iinitin mamaya bago kami kumain ni bunso, nakasalang na rin ng sinaing sa rice cooker.
Kagigising lang sa pagkaidlip, pagkabangon kaagad na ininit ang nabiling lutong sinigang at dinagdagan ito ng gulay na okra ito ang isa sa mga gustong kinakaing gulay ni bunso lalo na pag lutong pinirito at sinasawsaw sa toyo na may kalamansi at sili. May konting natira pang spicy fried adobo mula sa inulam namin kahapon, sabi ni bunso prito ko daw at kakainin niya😀kinuhanan ko muna ng litrato habang inaantay ko ang paglabas ni bunso sa kanyang lungga.
Sobrang init po ngayon, tinanggal ko na sa sampayan ang mga tuyong labada, mamaya ko na ito tutupiin pagnagtago na si haring araw nakakatamad kasing kumilos pag mainit ang panahon. May natira pang sinampay konting bilad pa para matuyo. Anu po meryenda natin diyan Ka-ingay ang sa akin ay biscuit +tubig = meryenda.
Ayos biglang umulan nabawasan ang init, ang saya ng mga halaman nadiligan ng tubig ulan, sana tumagal tagal pa ang pagbuhos kasi pag huminto kaagad ang pagbuhos lalong iinit dahil sa singaw mula sa lupa, ang tinatawag na alimuong na nakakakabag kaya pagnaamoy natin yun dapat uminom daw tayo ng tubig para hindi kabagin. Umuulan din ba sa inyo ngayon?
Hapunan: May konting kaning tira kaninang tanghali-an ginawa ko itong sinangag at may konting sinigang din na tira ininit ko ito at saka nagprito ng itlog ito ang kinain namin ni bunso ngayong gabi. Ang taba na naman ni bunso paano 3x a day na siya kumakain ng rice, nakalimutan na magdiet simulang nag work from home siya. Ka-ingay kumain na rin kayo.😊
Inaantok na po panay na ang aking paghikab kusang napipikit na ang aking dalawang mata. Ang masasabi ko sa inyo ay good night bukas ulet itong si zorro inaantok na rin yata o tulog na nakatapat pa sa efan😅
Ang bilis bilis talaga ang pag tik tak ng orasan, Miyerkules na ngayon. Nanaginip na naman ako pero hindi ito kasing linaw sa napanaginipan ko kahapon. Paano na tayo pag pinatupad na itong granular lockdown anu kaya ang magiging epekto nito? Nasa higaan pa po ako at nagmumunimuni, magandang umaga.
Dahil hindi makapagtransfer ng bitcoin cash (bch) from coins.ph to Coinflex, kaya ang ginawa ko ay pansamantalang pinalitan ko muna ang aking bitcoin cash payout wallet add dito kay noise ng aking bitcoin.com bch wallet address para makaipon ng fund to transfer to Coinflex soon then to metamask wallet para makapagshopping ng mga token under smartBch mainnet.
Bakit sa tuwing nananaginip ako, inaantok ako kinabukasan katulad kahapon at ngayon. Kaya nagkape po ako baka sakaling mawala ang aking pagka-antok. Ang biko na ito ay nabili sa naglalako ng kakanin kanina, isang sliced lang ang aking nabili ang bigat kasi nito sa tiyan at ayaw din ni bunso. Nakarxperienced din ba kayo na parang hindi smooth ang pagaccess sa site ni noise.cash
Luto na po ang ulam namin ni bunso, ginisang gulay na Pechay na maraming sahog na tokwa, inaantay ko na lang ang lunch break ni bunso sa kanyang work from home para sabay kaming maglunch. Kumain na po ang mga nakaluto na, ang sobrang init na naman, makaligo nga muna😀
Nag-umpisa na ang pagbuhos ng ulan dito sa amin ngayon, mainam siguradong makakaidlip ako ngayon. At last nakakain na rin kami ng tanghali-an ni bunso. Mga Ka-ingay kaninang umaga ko pa nareached ang minimum payout ngunit hindi pa natransfer sa payout address ko po, naexperienced niyo na rin po ba ito?
May nagkomento sa aking huling post at nag-advised na baguhin o increase ang setting sa aking minimum pay-out at ginawa ko po maya maya may natanggap akong notification from Bitcoin.com na may natanggap akong fund at ito ang sinasabing amount at agad kong tiningnan ang laman ng aking bitcoin.com wallet tama naman ang dumating na amount mula noise.cash wallet $2.5 + Medyo nalito ako sa notif, ngayon ko lang naisip na value pala ng payout iyon in bitcoin cash
Successful po ang una kong biniling Smartbch token ito ay $Kitten nakakalito na nakakakaba 😀ipon paunti unti para lang may hold kahit konti sapalaran ko ang part ng aking earning kay noise.cash baka sakaling lumago. Ito po guide how to set up smartBch network to your metamask wallet and etc. https://read.cash/@Pantera/smartbch-metamask-tutorial-connect-to-network-transfer-bch-add-tokens-and-trade-on-dexs-601f4b17
Riceless ang hapunan namin ni bunso, may dumaan na naglalako ng Penoy at Balut tinawag ni bunso at bumili saka sinabi sa akin na hindi na daw siya kakain ng kanin ito na lang ang kakainin niya kaya follow din ako na ito na din ang aking hapunan😀
Umagang kay ganda! Kahit ang aga kong nakatulog kagabi, tinanghali pa rin ako ng gising. Bago ko ito pinost nagbigay muna ako heart heart na may value to some post na tinatablan ng heart power ni granny Nengste. Flex ko lang itong isa kong stressed releiver si Grey.
Natapos din ako sa paggawa ng gawaing bahay time for me na to relax at umupo para kumain ng almusal/meryenda. Si bunso naghanap ng maaalmusal sa labas at ito ang kanyang nabili pandesal at beef mami ngayon ko lang kakainin ang aking part dahil tinapos ko muna ang mga gawain. Kain po tayo😊
Nakakain na rin kami, siyanga pala baka gusto niyong pag-aralan ang pag set up ng metamask wallet then sa Coinflex at pag trade sa dex ito po ang complete guide of tutorials. https://read.cash/@Pantera/smartbch-metamask-tutorial-connect-to-network-transfer-bch-add-tokens-and-trade-on-dexs-601f4b17
Ang sakit po sa ulo ng init ngayon, sinalat ko ang aking noo ang init tumapat muna ako sa electric fan para bumaba ang init ng temperature ng aking katawan bago maligo at saka uminom ng gamot para sa sakit ng ulo. Kasalukuyang inaantay ang pagtuyo ng buhok nang makagawang idlip ngayong hapon.
Salamat at umayos na ang aking pakiramdam hindi na sumasakit ang aking ulo pagkaraang uminum akong gamot. Nakakain na kami ni bunso ang ulam namin ni bunso ay hotdog at itlog, kumain na rin po kayo. Ingatan niyo rin po ang inyong kalusugan dahil ang hirap magkasakit sa panahon ngayon.
Ito po yata ang tinutukoy ni talking @noise.cash about sa launching ng wallet. After I imported the 12 seeds phrase of my bitcoin.com ewallet ganito na po ang nangyari loading lang po siya.
Kung ang ginagamit niyo pong bch wallet address sa iyong payout kay noise ay Coins.ph better na magchange na kayo to bitcoin.com kasi may issue na kay Coins.ph masyadong mahigpit na po tinatanong na kung kanino galing ang fund na pumasok. Sa Bitcoin.com to coins.ph wala pa naman akong naencounter na issue as of now nakapasok pa rin ang nitransfer kong bitcoin cash from bitcoin.com wallet to Coins.ph na walang kuskos balungos😊
Yung akala ko na walang issue ang pagoasok ng bitcoin cash from bitcoin.com to coins.ph ay nagkamali ako pagkagising ko ngayon inopen ko ang coins.ph at nicheck ang pending transaction na nareceived kahapon from bitcoin.com kung na added na sa aking bch fund ang bumungad ay ito, I tried to filled the form my identity from one of the crypto exchange na verified ako like binance then when submitted kaagad na pumasok na ang pending transaction. Palagay ko sa sunod nito ay…
Kung pupwede ko daw paligu-an ngayon ang dalawa niyang anak na lalake🐕🐕 dahil nakita niyang wala na akong ginagawa kaya pumayag naman ako, umang binuhat ni bunso si Grey at nilagyan ng tali sa leeg para hindi makawala pagpinapaligu-an, nang si Zorro na ang dadalhin sa paligu-an tinatawag ngayon ni bunso para lumapit sa kanya, walang lumapit hinanap ngayon ni bunso at nakita sa labas nakaupo sa upuan at nanginginig na😀nang bubuhatin na siya buti pumayag naman. Tapos na work…
Kaninang umaga bigla na lang nawalan kami ng connection sa Globe, ilang beses kong unplugged at plugged in ayaw talaga komonek, lumabas ako at tiningala ang linya ng cable wire at may nakapansin na kapitbahay sa akin at tinanong niya ako at sinabi ko na nawalan kami ng connection at sinabi niya na may nagkabit daw kanina sa may poste pagkasabi niya napaisip ako na baka nasagi ang aming linya kaya agad kong tinext ang tao na nag-installed sa amin noon ng internet buti naman…
How to import your wallet here in noise especially those who are using Bitcoin.com bch wallet address.. Step 1 open your bitcoin.com wallet Step 2 click setting on the showing on lower right side Step 3 click back-up and security Step 4 click manual back up Step 5 click bitcoin cash (bch) wallet Step 6 copy your 12 words recovery phrase in order. Write down and keep it on a safe place. After that go back to you noise.cash wallet and input your 12 words recovery phrase or…
Hapunan na po, ang aming ulam ni bunso ay ang karaniwang ulam na niluluto tuwing biyernes at ito ay munggo,chicharon at tuyo. Ulam niyo rin ba ngayong araw ay munggo? Naayos na rin ang aming connection sa Globe Internet buti matinong tao ang aking kausap at dinaanan talaga nila bago sila mag off from work.
It was midnight last night but drowsiness still didn't visit me, it was hard to sleep when I didn't feel drowsy. I didn’t even realize what time I fell asleep, I just woke up at 6:30 am. how was your sleep all night? I hope you went well and slept for a long time. Still grateful that I am still alive and kicking today🙏Good morning!
Dahil walang work ngayon si bunso lumakad kaming dalawa dahil titingin siya ng isang gamit para sa bahay sa kakaikot naming dalawa nagutom po kami kaya napagkasunduan naming sa Greenwich kumain, masaya si granny Nengste dahil treat ito ni bunso, hindi na po ako tinanong kung ano ang order ko dahil alam na niyang beef lasagna ang aking paboritong foods. Meryenda po tayo
Bago umuwi dumaan muna kami ni bunso sa isang supermarket para bumili ng mga kailangan sa bahay napakaconvenient mamili kasi wala gaanong maraming namimili at pilang mahaba sa pagbabayad kaya sandaling oras lang din ang naconsumed namin sa pamimili. Napagod ako sa paggagala ngayong araw na may suot na pananggalang sa mukha at ilong laban kay covid19😀
Kumain na ba ang lahat? Kumain na rin kami, may naipon na $6.90 sa aking bitcoin.com wallet mula sa noise.cash payout at kaagad ko itong dineposit sa coinflex account para ipasok sa aking metamask wallet para makabili ng smartBch token hinati ko ang amount para mskabili ng $ARG at $CATS at successful naman ang transaction pag balik ko po sa wallet nawawala ang $ARG yun pala hindi pa na ka Add token sa akin ang $ARG kaya kaagad kong hinanap at inalam sa google ang contract…
Sunday na po! Ang aga kong nagising dahil ginising na naman ako ng ingay sa paghikbi ni Zorro🐕 pinapabuksan na sa akin ang pintu-an ng kusina kaagad ko naman ginawa para makabalik ako sa pagtulog ulet pero hindi na nakabalik gising pa rin ang aking diwa kaya hinanap at hinawakan ko na ang selpon. Nasa 31K + pa rin si Bitcoin Cash mula kahapon hanggang ngayon. Magandang umaga sa lahat
Habang nagpriprito ng isdang galunggong sumilip muna dito saglit, almusal/meryenda po tayo mga Ka-ingay late na ang aking almusal at ngayon pa lang nakaramdam ng gutom. Habang nasa labas kanina si bunso at Zorro tinawag ako at may sinabi ang dinig ko po ay bagoong nang lumabas ako at may dalang mangkok para lalagyan ng bagoong natawa si bunso yun pala ay pinapatingnan sa akin ito pagong pala dinig ko ay bagoong😂inoobserbahan ko kung buhay pa parang patay na yata hindi…
Kasalukuyan umuulan dito sa aking kinaroroonan, anung masarap gawin pagkatapos kumain? Kakakain lang din namin ni bunso ang ulam ay piniritong galunggong. Gumawa ng fruit cocktail float kaninang umaga si bunso kaya may panghimagas kami ngayon. Kumain na po ang hindi pa nakapagtanghali-an.
Kagigising lang po sa pagkaidlip, malamig kasi ang klima ng panahon ngayong hapon. Tiyak na nakapag meryenda na kayo dahil 5 pm na pala. Ako po ay mag memeryenda pa lang bread pan at fresh milk. Tara po meryenda tayo😊ang sarap ng tulog ko ngunit naputol dahil naglalaro ang mag-amo nasagi ako sa kaharutan ng mga alaga naming 🐕🐕
My bitcoin. com wallet once again accumulated some bitcoin cash from noise.cash platform then I thought again to tranfer that amount on my coinflex account and I did, once received I immediately withdrew it and deposited on my smartBch metamask wallet and then bought some of EBEN.
Maagang nag dinner si bunso ako po katatapos lang nag papak lang po akong pritong isda at nag fresh milk para kasing ang bigat ng aking tiyan. Malamig ang klima ngayon kaya hindi po umiikot ang efan nakakabawas kunsumo din sa kuryente. Nitong magkasunod na gabi laging hating gabi na po ako nakakatulog insomia strikes once in a while kaya nag gatas po ako. Balak ko kaninang bumili ng luya nakalimot na naman ako😄
Ay salamat bumalik na ang power ng kuryente, biglang nawalan kami kanila ng kuryente buti hindi nagtagal mga 30 minutes din bago nagka-ilaw ulet. Hindi pa rin ako inaantok, bibitawan ko na ang selpon baka sakaling antukin. Good night na sa inyong lahat na gising pa😊
Ang aga ko pong nakayaring maglaba dahil inagahan ko rin ng gising 😊Ang Lunes ay araw na nakakapagod kay granny Nengste, dahil pagod at gutom naghanap ng makain at ito ang aking almusal, Inilabas ko muna itong aking alagang indoors air purifying plants para masinagan ng araw, mamaya na ako magwawalis papahinga muna ako saglit.
Nagtaka ako kanina bakit nakaramdam ako ng sobrang pagod at hingal pagkatapos kong maglaba kanina hindi naman ganito ang pakiramdam ko noon sa tuwing pagkatapos ko maglaba naisip ko baka yung hindi ko pagkain kagabi ng kanin at saka hindi din kumain ng almusal bago maglaba. Yung naramdaman kong pagod kanina ay umabot sa pagkaidlip sa aking pamamahinga. Tanghali-an na pala wala pa akong naihandang ulam😊
Pagkabangon inisip ko agad ang mauulam namin ni bunso, may nakita akong 4 na pirasong fried galunggong natirang ulam pa ito kahapon, ginawa ko itong sarciadong isda, yung lutong may kamatis, sibuyas at binating itlog. Katatapos lang din namin kumain ni bunso, kumain na rin po kayo.
May natira pang kulang $1 na value of bitcoin cash sa aking metamask wallet at sinubukan kong icheck sa exchange at naghanap kung anung mabibili kong token sa halagang ito, sinubukan kong iswap sa Spice token at heto nga nakabili ng ilang pirasong token na Spice. Ang maiipon kong fund sa Bitcoin.com wallet na nanggaling kay noise.cash ngayong Linggo ay idadagdag ko sa bitcoin cash fund ng aking coins.ph wallet hindi na muna ako bibili ng token baka biglang mag to the moon si…
Beef Mami na walang preservatives: Ito ang aking niluto para sa hapunan namin ni bunso ang mga sangkap nito ay.. Bawang Sibuyas Konting giniling na baka Patis Toyo Repolyo 2 dried noodles (lucky me) Pamintang durog Paano Lutuin? Ibabad ang 2 dried noodles sa mainit na tubig ng ilang minuto hanggang lumambot, ialis sa tubig at saka itabi. Sa malalim na pan, lagyan ng konting mantika at gisahin ang bawang, sibuyas saka ilagay ang giniling hanggang maluto,ilagay ang patis at…
Wala na naman kaming connection sa Globe internet, nag loloose ang connection namin siguro hindi maayos ang pagkakabit ng kable, buti na lang may koneksiyon pa kami sa Converge. Madugo ngayon ang merkado ng crypto nag-iinvite po na magshopping tayo ng crypto😄 nasilip ko po si Bitcoin Cash kanina nasa 28K+ baka isurprise tayo nito bukas.
Umagang kay ganda ang aking bati sa inyo😄 ngayon lang po ako nasilip dito dahil maaga po akong naligaw sa palengke ng aming bayan, ang sadya ko lang po ay bumili ng lumpia wrapper, dahil andun na rin ako kaya nakabili ng ilang prutas, gulay at meat, pagdating ng bahay inayos ko muna ang aking pinamili at saka nagtimpla ng mainit na milky choco.
Nabusy po sa kusina, natimpla ko na po ang request ni bunso ang "Lumpiang Shanghai" ang ginamit ko pong meat ay ground round beef at hinalu-an ng giniling na hipon meat, ginayat na kinsay, sibuyas, konting bawang at panimplang toyo at pamintang durog. Maiwan ko na muna kayo at sisimulan ko na ang pagbabalot nito.
Nauna akong naglunch kay bunso. Siya ngayon pa lang naglunch break sa kanyang work, pinagprito ko siya ng lumpiang shanghai at hinainan sa mesa bago bumalik sa pamamahinga, nakakantok po ang panahon kusang napipikit ang aking mata at mukhang nababadyang uulan dahil medyo dumidilim ang kalangitan, brb gagawa muna ako ng tulog. Ciao!
Dahil nakapunta ng bayan kanina nang papalabas na ako ng wet market napadaan ako sa may fruit stand napaisip tuloy ako kung bibili naisip ko na itreat ko naman ang aking sarili ng pagkain nakakabuti sa kalusugan dahil may extra pa akong pera nakabili po ako kahit konti lang at ito ngayon ang aking meryenda.Meryenda na po tayo😊
Nagprito po ako ng ilang pirasong lumpia shanghai at nagprito ng beef bulgogi parang tapang beef po ang itsura pagkaluto, hindi rin namin ito naubos ni bunso itinabi niya ang natira isasama niya raw sa gagawin niyang kimchi fried rice para almusalin niya bukas. Kain na rin po kayo Ka-ingay.
Umagang kay Ganda at masayang umaga sa ating lahat Ka-ingay. Maagang bumangon para ipaghanda ng almusal si bunso kimchi fried rice at ininit ang natirang ulam kagabi. Nasilip ko po kagabi na nag 25K + ang ating paboritong crypto pero ng tinangnan ko ulet paggising ko ito ay nasa 27K+ na magalaw siya good sign na posibling aakyat pa ang value nito, yan ang prediction ni granny Nengste😄 think positive lang po tayo.
Abala si granny Nengste sa kusina, hinanda ko na ang kailangang sangkap sa lulutuing putahe (dish) ngayong lunch, tiyak na alam niyo na po ang aking lulutuin ito ay karaniwang sangkap sa pagluluto ng Tinolang manok, noong namalengke nakabili po ako ng isang taling malunggay kaya nagtinola ngayon.
Dahil nakapag-almusal si bunso ng fried rice kanina hindi pa siya nakaramdam ng gutom ngayong oras kaya nauna na akong kumain sa kanya sobrang sabik po ako na maulam ang aking lutong Tinola. Ang sabaw ng Tinolang manok ay karaniwang pinapahigop sa taong may sakit ito ang nakaugali-an ng ibang pinoy sa pag-aalaga ng maysakit.
Nang namahinga ako kanina pagkatapos kumain inantok po ako at nakatulog mga 1 oras din akong natulog, nakatulog ng mahabang oras kahit ang init ng panahon. Naobserved ko sa sarili ko na napakaantukin ko nitong nakaraang ilang araw. Musta po kayo nakapahinga din ba kayo ngayong hapon? Oras na pala ng meryenda, tara meryenda na tayo😊
Pagkabangon galing sa isang oras na pamamahinga, nagpakulo ng tubig pampaligo pagkaligo saka naghanap ng makakain ang sarap kumain Ka-ingay kapag presko ang pakiramdam. Ito ang aking meryenda ngayon peras or pears ang sarap dahil juicy at malamig.
We ate dinner early, still our dish was the leftover lunch dish Tinolang chicken and I fried some Lumpiang shanghai , I did not cook rice anymore, we shared the leftover rice too so as not to eat much food, preventing our waistline getting big😊 Have you had dinner yet?
New morning, new hope for all of us hoping to overcome the obstacles that prevent us from living happily without fear wherever we go, hopefully human pain and illness will disappear to reduce the grief in this world we live in, still greeting you all a blessed morning 🌞
Nakapagluto na po ako ng aming ulam para tanghali-an ni bunso at ito ay Chicken sotanghon nilagyan ko ng gulay na repolyo, iinitin na lang ito mamaya bago kami maglunch at saka magpriprito ng ilang pirasong lumpiang shanghai. Nag tried akong magverify ng aking account sa Binance, hindi naging successful dahil ayaw nilang tanggapin ang voters ID, sino po nakaexperienced same?
Niyaya kong kumain na ng lunch si bunso pero ang sabi niya ay marami pa siyang gagawin kaya mauuna na akong kumain sa kanya dahil ang ingay na ng mga alaga ko sa tiyan, ininit ko muna ang chicken sotanghon at nagprito ng lumpiang shanghai hindi po kasi ako nakapag-almusal, Tara kain po tayo.
Hindi ako natulog dahil inaantay ko po ang text ng techician ng globe dahil lagi kaming nakaexperienced ng loose internet connection sa kakaintay ko ito po ang text na natanggap ko akala ko ito na yun iba pala pero sinubukan ko po ngayon totoo siya sa mga globe subscriber subukan niyo po ito free 3gb din ito.
At last dumating din ang aking iniintay at naayos na din ang connection namin sa globe. Mainit na hapon po sa ating lahat, meryenda time na po nabusog na ang aking mata sa inyong pong meryenda post Ka-ingay, may natira pa ditong mansanas ito ang aking meryenda masarap dahil juicy at malamig.
Dinner time na, umorder online si bunso ng kimchi at letsugas kaya nagprito akong konting marinated thin sliced na pork mag samgyeopsal style dinner si granny😊para hindi mapalakas sa pagkain ng kanin. Si bunso naman ay nagspicy ramen, ang laki ng impluwensa ng Korean foods sa aking mga anak lalo na Korean na palabas. Kumain na rin po kayo Kaingay
Nakatulog ulet ako sa pagkagising ko ng alas 3 am kanina dahil panay ang tahol ni Zorro at may inaamoy siya sa may pintuan kaya bumangon ako at binuksan ang ilaw sa labas at nakiramdam wala naman akong na sense na may taong nakapasok kaya bumalik ako sa pagtulog ngunit hindi kaagad ako inantok kaya sumilip ako kanina sa noise at pumuso saglit then nakaramdam na ako ulet ng pagkaantok, nakatulog at ngayon lang nagising. Magandang umaga sa inyong lahat😊
Nakatapos na sa gawain ng bahay si granny Nengste kaya heto nakaupo na po at mag-aalmusal. Hindi po ako magluluto ngayon bibili lang ng lutong munggo mamaya, munggo na rin ang ipapaulam ko sa dalawa naming alagang aso gustong gusto din nilang ulamin ang munggo simot lahat ang maihahain sa kanila.
Hot lunch time to all of us, also done eating lunch even sweating while eating. As I said before on my last post that stewed mung beans was our dish that I bought at the cooked dish store partnered with pork chicharon and fried dried fish. In the middle of our meal my youngest took an electric fan to point it at her because she could no longer tolerate the extreme heat, feeling like summertime. ☀️
Hindi na po ako makapagdeposit at trade sa Binance dahil hindi tinanggap ang voters ID na ginamit ko to verify, yan lang kasi ID ko. Sakaling dumating na rin ang PhilID try ko rin gamitin yun to verify pag natanggap ko na. Hanggang ngayon wala pa rin akong sked sa covid vaccination, papaflu vaccine na lang po muna ako.
Nakaligo na po pero pinagpapawisan pa rin nabawasan lang ang init ng katawan.Tiyak na nagluluto na ng hapunan ang iba nating Ka-ingay, ako po ay hindi ko pa alam kung ano ang lulutuin, ako kahit anu na lang diyan basta makakain si bunso ang hinihintay ko kung anu lulutuin ko sa kanya.
May konting kanin na natira kaninang tanghali-an hinati namin ni bunso at may natira pang konting munggo at nagprito ulet ng lumpiang shanghai, ito na ang huling pagprito ng shanghai dahil ubos na, habang kumakain kami kanina sabi ni bunso gawa daw ulet ako ng lumpiang shanghai heheh nagustuhan niya ang timpla pati son in law ko nagustuhan niya rin kasi binigyan ko rin sila ng shanghai nang naghatid siya dito sa amin kahapon ng panlaman sa pantry.
Bago ako matulog tiningnan ko muna ang value ni Bitcoin cash nasa 26k tapos bumaba konti at umabot pa ng 24K+ sayang nauna na akong nakabil ng nag 25K+ kanina. Ang likot ng galawan mukhang ang laki naging profit ng may malaking hold na bch at xrp. Sana bukas nasa 30K na. Good night!
Surely you have also noticed the speed of the rotation of time and day, when we had just felt that September had just begun then when we noticed that it will only be a few days left approaching the end of the month, the effect is also the acceleration of aging especially the children they grown up fast too. So let's make the most of the time while they are young because we can't turn back time. Thankful again today for giving me another chance to see and be with my family.…
Meryenda/almusal po tayo pag ganitong naka-upo at kumakain na ako ibig sabihin natapos ko na ang aking gawain sa umaga, ang focus ng aking isipan na ay wala na sa gawain. Tungkol naman sa mauulam mamayang tanghali-an, inilabas ko na ang natirang beef bulgogi para maiprito na lang mamaya. Palagay ko abala din ang mga ina ng ating tahanan ngayon sa paghahanda ng tanghali-an. Masayang pagluluto Ka-ingay😊
Our meeting lasted about an hour via google meet, after that I immediately fried the beef bulgogi and then I saw that the lettuce was about to wither, it was only right to cook the beef while the lettuce can still be utilized and eaten and not be wasted. These, what we have for lunch, come let's eat.
Andito ako ngayon sa bakuran, lumabas muna para magpahangin sa labas at para na din makapahinga ang electric fan sa pag-ikot kasi sobrang init sa loob ng bahay. Habang paroon at parito ang aking mga paa ang kaliwang kamay ko naman ay hawak ang isang balot na biscuit at ang kanang kamay naman ay abala sa pagsubo ng biscuit sa aking bibig. Maalinsangan hapon sa ating lahat.🌞
Nakakain na at nakapag-urong na din ng pinagkainan at pinaglutua-an, ang niluto ko ay garlic sweet and spicy shrimp mga walong pirasong hipon, balak ko sanang gawing sinigang na hipon kaso ayaw ni bunso nalalansahan daw siya. Pagkatapos mag-urong lumabas ulet ako para magpahangin at magpapababa ng kinain. Kumain na po ang hindi pa nakakain. Flex ko lang po itong apo ko siya ang tagadala ng aras sa kasal kanina ng kanyang ninong at ninang napagod yata dahil ganito ang…
🎶Morning has broken like the first morning🎶 Blackbird has spoken like the first bird Praise for the singing, praise for the morning🎶 Praise for them springing fresh from the world🎶 Ang sarap pakinggan ng kantang ito, sound trip si granny Nengste sa umagang kay ganda, kamusta po ang tulog niyo Ka-ingay? Napasarap tulog ko yata dahil ala sais ng umaga na ako nagising at ngayon ko lang din na off ang ilaw sa labas usually mga 3 am ko yun pinapatay. Magandang umaga po🙏
Hindi po ako makarelate sa trending movie series na squid game o kahit anung movie kasi iniwasan ko yan dahil pagnatutukan ko at andun na ang excitement baka hindi na ako makagawa ng aking mga gawain at saka pagpupuyatan ko pa ito kaya okay na sa akin si noise at iba pang earnings online😀tara po almusal/meryenda po tayo.
Pinaligu-an ko ngayon ang 2 naming alagang 🐕🐕 bago ko sila pinaligu-an inihanda ko muna ang aking lulutuin, iginisa ko na ito sa bawang,sibuyas at kamatis at nilagyan ng tubig at hinayaang kumulo hanggang lumambot ang karne ng baka, nilakasan ang apoy ng ilang minuto at saka hininaan. Habang pinapalambot saka ko naman inasikaso ang pagligo nina Grey at Zorro. Kasalukuyang nakaupo na si granny Nengste at nagpapahinga.
Gutom na ang aking mga kasama dito pagtinitingnan ko ang ang niluluto para icheck kung malambot na ang karne nakatunganga na ang aming dalawang aso kaya kinuha ko na sila ng sabaw para ulam nila. Anu oras kaya kami nito makakain ni bunso hindi pa kasi kumakalas ang buto sa karne🤔
At last lumambot na din ang karne at naihain na rin sa mesa para pagsaluhan namin ni bunso. Mahabang oras din ang itinagal sa pagpapalambot ang dami din nakunsumong LPG sabik kasi kami ni bunso sa karne ng baka na luto ko kasi pag lutong ulam na baka isang serving konti lang ang laman kaya ito ngayon napagbigyan ang aming pagkasabik, matagal na ako siguro nito makapagluto ulet. Late lunch na po ito, kain po tayo.
Nabasa ko lang po ito sa google news na ang android old version 2.3 ay mawalan ng access sa google maps,gmail at youtube. Basahin abg buong detalye dito... https://www.thesun.co.uk/tech/16231046/google-maps-gmail-youtube-blocked-phones-android/
Nawili ako sa paglalaro ng bagong installed na app, naglalaro para makaearn ng eagle token, nasa level 4 na po ako ang bagal kasi makakita ng aking mata ng 3 magka pareparehong design hahah. Mainit na hapon sa ating lahat.
Nalibang ako sa Eagle crush na laro nasa level 14 na po ako nakaipon kahit konting eagle token, na late po ang aming dinner ni bunso dahil sa kalalaro ko, nang sinabi ni bunso na "anu po ba mama hindi pa ba tayo kakain nakakatulog na ako" saka pa lamang ako tumayo at naghain para kumain. Ito po ang aking nilalaro may level reward na eagle token per level you passed.
Matutulog na rin po ako 12am na pala nalibang ako sa aking ginagawa at saka kanina ko pa inaantay ang pagbalik ng pawer sa aking pagpuso hanggang ngayon wala pa rin kaya kailangan ko na ring mag sign off bukas na ulet mga Ka-ingay
Gising na at naisip ko agad ang paglindol kagabi dahil gising pa po ako ng oras na iyon 1:12 am ramdam ko ang paggalaw ng aking hinihigaan buti sandali lang at mahina kesa sa mga naexperienced kong mga paglindol noon, naalala ko noon na habang nagpriprito ako ng donut biglang dinuduyan ang kawaling puno ng mantika sobrang takot ko nun. Hindi ko pa po ako nakabalita kung may nasalanta ba sa paglindol kagabi, sana wala🙏
It’s lunch time again, what we have for lunch? We have here halabos na hipon which I bought yesterday from the the passing vendor, I will just have to saute tomatoes with egg to paired with. My daughter told me awhile ago that we gonna eat our lunch at 12 noon, so bye for now I will be going to cook the sauted tomatoes with egg. Happy eating!
We have already eaten lunch and have also put away the plates of food we used, temporarily placed in the sink waiting for me to do the cleaning, I am presently taking a rest while standing by and composing a post of my activity and be posted. Those who did’nt eat yet better eat your lunch now😊Sharing our viand, the halabos na hipon and sauted tomatoes with egg.
Had just took a bath and sweating again, I'm here now outside the house ventilating with our two pet dogs. Another reason why I went outdoor was for the electric fan to rest for awhile from spinning throughout the day preventing it to overheat and broke. Here I am holding a hand fan to get some air.
May bisita kami ni bunso, ang bisita namin ay ang kanyang kapatid ang pangalawa ko pong anak na babae dito kumain ng hapunan buti may natira na pangsamgyeopsal ito ang inihain ko sa mesa para pagsaluhan nilang magkapatid ako ay naprito na lang ng itlog.
Nagising ako kaninang umaga sa nadamang init huminto pala ang pag-ikot ng electric fan dahil nagka power interruption alas 5 ng umaga paglipas ng 10 minutes kaagad namang bumalik ang pawer kaya bumangon na ako at naglaba agad nang nagsasampay na ng damit nakaramdam ako ng hilo at si bunso na lang ang nagtuloy sa pagsasampay ng damit at ako ay nagpahinga na at umabot pa na nagsuka pa po pala ako. Ngayon ko lang nahawakan ang selpon at bumuti buti na ang aking pakiramdam.…
Ngayong 1 PM ang Virtual Graduation Ceremonies ng mga graduates sa School ng aking bunso at kabilang si bunso, sabi niya kahapon maghanda daw akong makakain para habang nanonood daw kami ay may selebrasyon na nagaganap sa bahay kaya nag-isip ako ng maluluto na hindi gumastos ng malaking halaga. Gathered ko ang mga ingredient sa bahay, meron pang medium size na spaghetti sauce,hotdog, konting baka giniling, ground pepper, bawang/sibuyas, konting asukal at pasta ang binili ko…
Kanina pa ako pabalik balik checked ng Facebook page ng School ni bunso para mapanood ang live streaming ng kanilang graduation ceremony yun pala ay 2:30 pa start kung saan siya nabelong na College department hahah.. excited lang mama niya😅Sobrang init na namang hapon Ka-ingay
Meryenda na po! Heto kumakain na ng niluto ko kanina, nauna ng kumain si bunso ako kasi tinapos kong panoorin ang live streaming ng graduation ceremonies. Inaantay namin ang isa ko pang anak kaso hindi pumunta ngayon, mamaya pa raw pupunta pag nakatago na si Haring araw. Kain po tayo😊
Maaga kami ngayon kumain ng maagang makatulog in preparation for getting a Flu vaccine dose with bunso tomorrow. Flu vaccine na muna dahil wala pa rin kaming sked ni bunso sa covid vaccine. Pansamantalang may pangkontra o laban sa pagkakaroon ng Flu. Ang kalusugan ay ating kayamanan kaya pagka-ingatan. Kain na rin kayo Ka-ingay.
This is my last post for tonight because granny Nengste will be signing off at this very moment, see you again tomorrow, have a good night sleep everyone 🙏
Umagang kay ganda! Araw ng Miyerkules at ito ang nakaulat na value ng ating paboritong crypto pagsilip ko sa coins.ph nasa 24K+ ang baba ngayon,bumili na ang may pambili diyan heheh. Gagayak na si granny ng maalmusal bago lumakad papunta sa magtutusok sa amin ng Flu vaccine. Sana ang araw na ito ay maging kapakipakinabang sa lahat.
Pagkatapos namin mag-almusal ni bunso lumakad na kami papunta sa pagdaraosan ng pagpapainject ng fluvax mga 300 meters din ang nilakad namin ni bunso mula sa bahay, pagdating namin doon alas 9 pa daw ang dating ng magiinject kaya umuwi muna kami ni bunso. Kuha ito ng papunta kami bitbit ni bunso ang spaghetti na pasalubong niya sa kanyang kapatid.
Part 2 Fluvax: Hindi na kami pinapunta ng aking pangalawang anak sa mag-iinject ng fluvax sa amin ni bunso, dumating dito sa bahay ngayon ngayon lang ang aking anak dala ang 2 mallit na box na ito at inilagay niya ito sa freezer kaagad at sabay sabi na pupunta na lang dito daw sa bahay mamayang 6 pm ang mag-iinject isang public nurse na kakilala niya, nabili lang namin ito ng almost half price package deal.
Habang naglalakad kami ni bunso patungo sa aming pinuntahan kaninang umaga may nadaanan kaming tindahan na may tindang rambutan at nang pauwi na kami hindi ko natiis na hindi lumapit sa tindahan at heto po nakabili ako, ang sarap po kasi ang tamis at makatas lalo na pagmalamig nakakarefresh po. Tanghali-an na po pala, hindi pa po kami nananghali-an pero nakabili na ng lutong ulam sa tindahan, ang ulam namin ay sinampalukang manok. Kumain na po tayo, maghahain na rin ako.
What we have for lunch, it's sinampalukang manok bought from the cooked dish shop and fried squid balls because my youngest child really wanted to eat these for lunch, I told her that these squid balls were for her snack but not agreed with me, so granny followed her order, that was why there were squid balls on the table. Are you done eating your lunch too? If not you should eat now, just a reminder😊
Meryenda time na! Hindi po ako nakaidlip ngayong hapon dahil hindi poh ako dinalaw ng antok. Sobrang init pa rin ng hapon na ito, makabangon na rin para makapahinga ang electric fan at ng makapaghanap ng mameryenda.Napanood niyo po ba ang nangyari sa Cebu tungkol sa pamilyang nag outing sa isang falls sa Cebu napanood ko lang yung Video pero hindi ko alam ang buong detalye. https://youtu.be/5zqh5gCuDOo
Salamat at bumalik na rin ang power ng kuryente, 2 oras din mahigit ang aking pag-aantay. Wala akong malutong ulam ngayong hapunan kaya naghanap po ako ng tindang ihaw-ihaw sa labasan at may nakita naman ako. At ng bumalik ang pawer kaagad na naghain para kumain buti na lang 2 oras lang inabot ang pagkawala ang hirap pag buong gabi walang kuryente lalo ngayon maalinsangan ang klima ng panahon sobrang hirap matulog.
Maagang nagising dahil ginising na naman ako ng paghikbi ni Zorro, ang agang nangulet, pinapabangon ako para buksan ang pintu-an sa kusina dahil gusto na niyang lumabas, napapangiti ako sa tuwing aakma na akong bumangon ang saya saya ni Zorro, nakikita ko kung paano gumalaw ang kanyang buntot at katawan. Kamusta po kayo? Araw ng Huwebes na ngayon ang araw ng pagtatapos ng buwan ng September, bukas magsisimula na tayo sa pagbilang ng mga araw sa buwan nga Oktobre, ilang buwan…
Sabi ni Ka-ingay @linoasis ipasyal ko na daw si Zorro sa labas kaya heto kami ngayon ni Zorro 🐕 sa labas. Ilang attempt ang ginawa kong paglagay sa kanya ng leash kaso ayaw lumapit sa akin nang si bunso na ang maglalagay ng leash kay Zorro kaagad na lumapit at nagpalagay ng leash, see hindi panatag ang loob ni Zorro sa akin masyado at sobra ang tiwala niya sa kanyang original na amo.
Tanghalian: Nauna na po akong kumain kay bunso dahil hindi ako nakapag-almusal o meryenda kanina kaya nakaramdam ng gutom. Nagprito po akong tokwa at nagprito ng isang pirasong marinated chicken wings para aking ulamin at binili ko naman ng lutong ulam sa labas si bunso chicken afritada ang nabili ko sa kanya kasi gusto niya daw may sauce na ulam. Sinilip ko si Bitcoin cash sa Coins.ph pataas na ang graph nasa almost 26K na ang saya ng market ngayon kulay berde.
Nakaidlip po ngunit nagising ako dahil may tumatawag sa labas yun pala ay ang aming kapitbahay na may hawak na isang platong may laman na ganito, tinanong ko bakit may paganito po anung ganap? Birthday daw ng kanyang anak na lalake. Salamat sa aming kapitbahay may meryenda kami ngayon😊 Meryenda na po tayo heheh..
Ito ang kinagigiliwan kong laruin ang Eagle crush, talagang gigil po ako sa level na ito hindi po ako makaexit kagabi ko pa nilalaro ang level na ito hanggang ngayon, sabi ko sa aking sarili ayaw ko na suko na ako pero sa tuwing hawak ko naman po ang selpon ay hindi ko kayang hindi icheck ang game app nito nagbakasakaling makagawa kong makaexit heheh ang kulet ko na po halos inaabot na ako ng 12:00 am sa kalalaro nito. Parang gusto ko ng uninstall ang app kaya lang marami…
Ngayon lang natuloy ang pagturok sa amin ni bunso ng Flu vaccine, ito muna ang protection namin habang inaantay ang sked sa covid19 vaccine. Kakaiba ngayon magkaroon ng sakit kahit ordinaryong lagnat ngayon uubuhin ka kaagad direct baga ang direction ng virus. Ito ay pang prevent and protect para hindi gaanong lumala kung aatakihin man kami ng Flu virus, ang sakit sa bulsa magkasakit ngayon at wala kaming perang pang hospitalization.
Nakahiga na po ako nang naisip kong icheck ang pintu-an kung nasara ko nga ba😄 nakakalimot kasi ako kaya para sigurado nichecked ko po ulet. Mag alas 10 na pala Ka-ingay mauna na akong matulog sa inyo bukas ulet. Sana maayos ang ating pagtulog magdamag nang maayos din ang ating paggising bukas ng umaga. Good night na po sa inyo🙏
Goodbye September.. Hello October.. Panibagong buwan, panibagong pagsubok,panibagong pagkakataon,panibagong paglalakbay upang mahanap at mapabuti ang katayu-an ng ating buhay. Napasarap po yata ang aking tulog dahil pagbangon ko at pumunta ng CR nagtaka ako bakit bukas na ang pintu-an sa kusina, hindi ko yata namalayan na binuksan ni bunso ito palagay ko siya ang ginising ni Zorro 🐕.