Si bunso nalulungkot dahil ang gusto niyang bisita sa kanyang kaarawan ay may sakit, inuubo pa rin ang kanyang pamangkin, sila lang mag-ina sana ang magiging bisita ni bunso sa kaarawan niya sa biyernes kasi ang pamilya ng aking panganay hindi umaattend sa okasyong birthday dahil sa kanilang Religion at saka sa ibang baranggay at malayo sila sa amin. Sabi ng aking pangalawang anak kahit na magaling na ang kanyang anak ayaw niya pa rin pumunta dito sa amin at baka mahawaan pa kami, isinaalang alang niya pa rin ang aming kalusugan, lalong nalungkot si bunso.
No comments yet