Beef Mami na walang preservatives: Ito ang aking niluto para sa hapunan namin ni bunso ang mga sangkap nito ay.. Bawang Sibuyas Konting giniling na baka Patis Toyo Repolyo 2 dried noodles (lucky me) Pamintang durog Paano Lutuin? Ibabad ang 2 dried noodles sa mainit na tubig ng ilang minuto hanggang lumambot, ialis sa tubig at saka itabi. Sa malalim na pan, lagyan ng konting mantika at gisahin ang bawang, sibuyas saka ilagay ang giniling hanggang maluto,ilagay ang patis at toyo lagyan ng tubig pakulu-an ito ng 3 minuto, ilagay ang repolyo, pagmalapit ng maluto ang gulay, ilagay ang 2 dried noodles na itinabi at lagyan ng konting pamintang durog saka patayin ang apoy at ihain na sa mesa para pagsaluhan ng buong pamilya.
2 comments
Momshiiiie pahinging noodles na may gulay po
Aw winner yan mommy! Gagayahin ko yang recipe mo next time. :)