read.cash Log in
@Nengste more from that month

Kaaalis lang ng aking pangalawang anak at apo hinatid namin ni bunso sila sa labas at tinulungang maghanap ng tricycle na masakyan pauwi. Pagbalik sa bahay nagwalis at nagligpit muna ako at tinanong si bunso kung kakain pa siyang kanin sa hapunan para makapagsaing muna bago mahiga at baka makatulugan ko pag inuna kong mahiga😀kakain daw siya ng konti kaya pinakita ko kung kasya na ang natirang kanin kaninang tanghali-an, kasya na daw. Naumay po ako sa dessert at cake may natirang letsugas ginawa kong lettuce salad tinimplahan ng suka, iodized salt, ground black pepper at sugar habang kinakain ko ito tumikim si bunso at siya rin ang nakaubos, may konting lettuce pang natira gagawin kong ensalada ulit ito mamayang hapunan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.