Ang ating buhay

1 13
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Dumating ang sandali

Tao ay pantay-pantay

Walang mahirap, mayaman

Lahat ay magpapagal

Dating mayayabang

At maging mga pusakal

Aamong parang tupa

Matututong magpakatiwasay.

Sapagkat ang lahat

Mayroong hangganan

Tulad ng nobela

Nakatadhana ang katapusan

Dalawang bagay lamang

Ang kahihinatnan

Isang malungkot na wakas

O masayang pamamaalam.

Ang lumipas na sandali

Hindi na maibabalik

Kahit pa magsisi

Umiyak na parang paslit

Mga oras na nasayang

'Wag hanapan ng kapalit

Pagka't di nag-ingat

Sa tinahak na daang matinik.

Ngayon ay magsimula

Nakaraa'y 'wag lingunin

Tanging mga aral

Ang siyang pupulutin

Ang noon at ngayon

Iwasang pagkumparahin

Upang buhay ay umusad

Sa mabuting mithiin.

Sa kabila ng lahat

Tao ay mapalad

Mga suliranin

Kahit gaano pa kabigat

May DIYOS na mapagmahal

Gumagaan ang nasa balikat

Hindi nang-iiwan

Tayo ay pinalalakas

Mga pagkukulang

Siya'y handang magpatawad.

2
$ 0.00
Avatar for Nemi
Written by
3 years ago

Comments

hindi ntn hawak ang ating oras kaya kng hbng nandto p tayo s mundo,gawin ntn ang l;ahat..

ika nga nla..

you only live once.

$ 0.00
3 years ago