"Sobrang bagaaalll!!" Nakakapikon na din minsan yung bagal ng internet connection dito sa Pilipinas e. Yung tipong kelangan mo makipagsabayan sa iba para kumita ka ng malaki, yung makikipag agawan ka.. Kasi kung hindi wala kang kikitain. Pero dahil sa baaaaagaaaaal ng internet, wala.. Mapipikon ka nalang talaga. Yung susuko ka nalang dahil sa inis. Bakit nga ba bumabagal internet natin? Iba iba ang dahilan. Minsan dahil sa may problema ang modem o router, signal ng Wi-fi, at marami pang iba. So pano to masosolusyonan? Susuko nalang ba tayo, at maghahighblood highbloodan lagi? May solusyon naman ee.. Try nyo to kung effective sainyo.
1. Kung router ang gamit nyo, try nyo ireset ito. Pag nirereset kasi ang router pwedeng mag update ito. Pano nga ba ang pagreset? Just simply unplug it o bunutin nyo ang saksak sa power source, para fully shut down sya. Tapos wag nyo muna ibabalik agad.. (excited ka?!) Maghintay ka muna ng ilang minuto para mamatay lahat (pati yang pag ibig mo na di naman nya tinatanggap 😂✌️) Pagkatapos nyan.. Edi ibalik mo na para makainternet ka na ulit.
2. Tingnan mo kung gaano karaming device ang nakaconnect sa router mo.. Bawal ang kabit bes! Kung marunong ka mangkick ng mga yan.. Gawin mo agad haha. Lalo kung ikaw naman nagbabayad ng internet nyo. Pag marami na kasi nakaconnect, syempre mahihirapan din si bandwidth o internet nyo sa pagprocess.. Kaya mag ingay ka na magdisconnect SILANG LAAAHAAAT. Kung di sila magdisconnect, edi ikick mo 😂. Ganun lang yun.. Harsh pero effective yan haha.
3. Try nyo magclear ng cache nyo. Pag nagbabrowse ka kasi sa internet napupunta sa cache yung mga website content para mas mabilis magreload ang mga sites. So kapag punong puno na yan.. Babagal ang performance ng cellphone mo. Kaya delete delete din minsan. Di mo naman kelangan inistore mo pa. Tingan mo tuloy, di ka naman pinapahalagan (saklap 🤦♀️)
Yan lang muna tayo mga karead.cash. Maximum of three lang ako lagi e haha. Magresearch nalang kayo kung di ito ang solusyon na kelangan nyo. Ako kasi ganito ang ginagawa ko. Salamat sa pagbabasa. Sana makatulong to kahit papano. Enjoy sa mabilis na internet nyo! 😊👍
hello hehe suggest ko lang po mag palit na kayo ng internet hehe mag converge na kayo, mabilis po siya talaga hehe. kesa masayang bayad niyo dyan sa mabagal na internet niyo ang dami pang problema hehe