High salary, high respect?

4 20

Ganun ba talaga yun? Yung tipong wala kang trabaho, wala kang pera.. Hindi ka na karespe respeto. Di mo man aminin.. Ganyan tayo mag isip kung minsan. Dinadown natin ang isang tao kung walang trabaho, walang sweldo. Nakakalungkot lang isipin na ganyan na mga tao sa ngayon. Minsan nga may trabaho ka na, malaman lang ng iba na kakaunti sinasahod mo, parang di pa rin sila kontento para sayo. Pero ikaw naman na nagtatrabaho, sapat naman sayo yung kinikita mo. Kontento ka kung anong meron ka. Pero dahil sa mga sinasabi ng iba, naiimpluwensyahan nito ang utak mo. Gusto mo nang kumita ng higit kesa sa kelangan mo. Bat ba may mga ganung tao? Yung tipong mahilig makialam sa sitwasyon ng iba. Yung tipong di na nga nakakatulong, gusto pang ipamukha sayo na anliit liit mo. Ansarap sana sa feeling kung nagtutulungan lang diba? Yung pag alam na walang wala ka.. Bibigyan ka. Yung kapag nangangailangan ka, andiyan siya para tulungan ka. Hindi yung, kontento ka na.. Ipapamukha pa sayong kulang na kulang pa. Haaay mga tao. Kung ganyan ka, please magbago ka na hahaha. Kung ikaw naman yung nakakafeel na dinadown ka ng iba dahil sa kakarampot na sahod mo, wag mo silang intindihin. Inggit lang yan dahil nakokontento ka sa ganyang lifestyle mo. Let's be happy sa naaachieve ng iba. Di yung puro ka negatibo, di naman ikaw yung nagpapasweldo.

1
$ 0.00
Sponsors of Myt.24
empty
empty
empty

Comments

Yep. May mga tao talagang ganyan mas masakit pag relatives mo pa. Tsaka yung ibang tao kung sino pa mag gaganyan siya rin pala walang trabaho.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka. Kadalasan talaga relatives pa.🙄

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga. Ba't kaya ganun ang iba no? Anyway, pautang naman hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahah.. Mas mayaman ka pa nga sakin. Dami mo nang points, beke nemen 😂

$ 0.00
3 years ago

Well this world is money matter we know that. You those who have this money can be respected.

But of course to the people like us. We can only gain respect to the people same in statua like us.

$ 0.00
3 years ago

Yeah right. Kasi naiintindihan natin situation. Unlike other na ang alam lang makialam hahahah

$ 0.00
3 years ago