Ang istoryang ito ay tungkol sa kinse anyos na batang babae na kung saan ay dumanas ng paghihirap at kadiliman sa kamay ng kanyang sariling ama.
Ako si Emily, noong bata pa lamang ako iniwan na kami ni inay, si itay ang siyang tumayong haligi at ilaw ng tahanan. Ginagawa niya ang lahat upang maibigay ang aking pangangailangan. Napakabuti ni itay at para sa akin siya si superman. Idol na idol ko nga si itay dahil sa kanyang determinasyon. Masayang masaya ako dahil hindi pinili ni itay na iwan ako noong iniwan kami ni inay, lumaban at patuloy kaming bumabangon sa hirap na pinag daanan namin.
Tuwing uuwi si itay galing trabaho ay masaya ko siyang sinasalubong dala ang paborito kong pagkain. Araw-araw ay ganoon ang pangyayari kung kaya't masaya ako kahit si itay nalang ang mayroon ako.
Ngunit unti-unting nagbabago si itay.
Habang nag dadalaga na ako naramdaman ko ang pag-iiba ng pakikitungo sa akin ni itay. Sa kabila ng pagiging mapagmahal at maalagang ama. Hindi ko inaasahan ang mga susunod na pangyayaring ito sapagkat mahal na mahal ako ni itay, ni hindi pumasok sa aking isipan na matutunghayan ko at mararanasan ang kalagim lagim na pangyayari sa sariling ama at isang bangungot na dadalhin ko habang buhay.
Parang naging ibang tao si itay, gabi-gabi nag iinom, pagkatapos nilang mag inom tatawagin niya ako upang alalayan siya papuntang higaan ngunit ang kanyang kamay ay nagiging malikot at nagpupubta sa maseselang parte ng aking katawan. Nagulat ako sa pangyayare, inisip ko na lamang na baka dahil lasing lang si itay kaya niya iyon nagawa at sa mga sumunod na linggo ay hindi naman na na ulit.
Hanggang sa tumungtong na ako na kinse, dito na naganap ang nakakapanindig balahibo. Habang na naliligo ako, hindi ko na inilalock ang pinto sapagkat si itay lang naman ang kasama ko at alam kong ligtas ako, ngunit biglang pumasok si itay at tinangka akong gahasain. Nakatakbo ako sa aking kwarto at nag kulong takot na takot ako, nangingig ang buong katawan, hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko alam saan ako mag sasabi. Sinubukan ko mag sabi sa mga tiyahin ko ngunit hindi nila ako pinaniwalaan nagsisinungaling daw ako. Matapos daw akong pakainin at pag aralin ito daw ang igaganti ko sa aking itay. Hindi sila makapaniwala, sapagkat hindi ganoon si itay. Maski man ako, hindi ko na kilala ang aking itay.
Umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto. Iyak ako ng iyak hanggang nakatulog ako. Hanggang sa maya maya ay nagising ako dahil may naramdaman akong gumagalaw sa maselang parte ng aking katawan. Hinihimas at pinaglalaruan. Nagulat ako, hindi ako makasigaw. Natatakot ako. Parang isang panaginip na pilit ko ginigising ang aking sarili na sana nga ay tama ako na isa lang itong panaginip. Ngunit hindi, kitang kita ko ang imahe ng aking ama at namumula ang kanyang mata sa pagkakataong iyon, napagtanto ko na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot, pinilit kong kumawala at sumisigaw ngunit malakas siya at tila'y bingi. Matapos ng gabing iyon, kinaumagahan ay walang sinabi si itay bago umalis.
Nanatili akong nasa kwarto, lumabas lamang ako nang wala na si itay. Nagbalak akong magsumbong sa mga pulis ngunit naisip kong si itay nalang ang mayroon ako, umiiyak ako sapagkat maaring mawala ang nag-iisang taong mahalaga sa akin. Kung kaya ay naisip kong hintayin si ama at maglakas ng loob para kausapin siya patungkol rito.
Pag sapit ng alas sais ng hapon, wala pa si itay, karaniwan niyang uwi.
Pag sapit ng alas siyete, dumating na si itay napatayo ako sa kinauupuan para salubungin siya sa pinto ngunit laking gulat ko nang pagbukas ng pinto ay sumisigaw siya at tinatawag ako, di ko siya malapitan, na estatwa ako, mas namumula ang kanyang mata, gusto kong sumigaw at tumakbo ngunit hindi ako makagalaw hanggang sa nakalipat sakin si itay at naulit ang isang bangungot na sobra kong kinatatakutan.
Kinabukasan, nag desisyon na akong magsabi sa mga pulis at nakiusap ako na huwag sasaktan si itay sapagkat siya na lamang ang mayroon ako. Nang araw rin na iyon, inabangan nila ang pag uwi ni itay sa aming bahay at hinuli ito upang dalhin sa rehabilitation center. Patuloy ang aking pag-iyak habang nakikita ko si itay na dinampot ng mga pulis habang siya'y nagwawala.
Ginawa ko iyon hindi lamang para sa aking sarili kung hindi upang matulungan ang aking itay. Masakit sa akin na ang aking mismong ama ang makakagawa sa akin ng ganoon na akala ko ay siya ang poprotekta.
Disclaimer: This is one of my friend's stories and asks me to publish.
Don't judge.
Bat parang nabasa ko na to dati, ni publish mo na to diga?