My Ex and Why?

9 15
Avatar for My_Sunshine
1 year ago

Blog #3

Hello,hello there read.cash fam. I hope you're all fine.

Im about to out from my aunt grocery store, pero bigla nalang umulan kaya minabuti ko munang maghintay sandali hanggang sa tumigil ang ulan

Habang naghihintay ako na huminto ang ulan,bigla akong may naalala. Oo naalala ko siya,naalala ko yung taong minsan nang nagbigay ng saya sa akin,isang tao na minsan din akong nagawamg mahalin,pinaramdam nya sakin yung pagmamahal na akala ko hindi na mawawala,akala ko hindi na maglalaho,na akala ko totoo at inakala ko na siya na yung para sakin,pero mali ako, kasi bigla nalang syang nagbago, biglang nalang siyang nanlamig, at nawalan ng oras sakin.

Noong una hindi ko matanggap yung pagkawala niya, ni hindi nya man lang sinabi sakin ano ang tunay na dahilan,hanggang sa nalaman ko nalang sa isa kong kaibigan na may mahal na siyang iba. Sobra akong nasaktan nung malaman ko ang buong katotohanan kung bakit bigla nalang siyang nagbago. Inisip kung bakit, bakit napakasakit magbiro ng tadhana, Nasabi ko sa sarili ko,kung saan ako nagkulang o kung may nagawa ba akong mali, kaya nya nagawa sakin yun. Hindi naman ako yung ng girlfriend na laging pinagbabawalan yung boyfriend ko, hindi ako naghihigpit sa mga gusto nya,kasi may tiwala nga ako sa kanya,di ko lang talaga maisip kung bakit nagka ganon,bigla nalang akong naiwan sa ere mag isa. Halos gabi-gabi akong iiyak, minsan hindi ako makakain ng maayos,grabe yung naging epekto niya sakin.

Hanggang bigla akong natauhan sa mga advices sakin ng bestfriend ko, sinabi ko sa kanya lahat kasi siya nalang ang meron ako, wala akong pamilya na matatakbuhan at mapagsusumbungan, sa kanya ko lahat binuhos ang sama ng loob ko. Tama nga naman yung best friend ko, alam naman natin na pag nagmahal tayo kakambal nito ang sakit, that is why when we love someone, we're just giving that someone the ability to hurt us. And what hurt me the most is the time that he was aking for his freedom, kahit napaka sakit kailangan kong tanggapin,kailangan ko siyang pakawalan, hindi na ako nagdalawang isip, kasi alam kong hindi na siya masaya sakin, alam kong hanggang dun nalang ako, alam kong parehas lang kaming masasaktan pag pinagpilitan ko pa. To be honest mahirap para sakin mag move on, pero wala na akong magagawa, kasi kailangan. Kaya kahit mahirap kailangan ko siyang kalimutan.

Hindi ko na siya hahabulin, hanggang dito nalang ako,kasi alam ko naman na mapapagagod lang ako, tatanggapin ko nalang ang lahat, basta alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang,alam kong binigay ko lahat, balang araw matututunan ko rin na kalimutan siya,hindi man ngayon pero alam kong darating ang panahon na hanggang alaala nalang ang lahat. Sana lang masaya siya sa bago niya, sana din hindi niya saktan gaya ng ginawa nya sakin, at sana ingatan kung ano man ang meron sila ngayon. Naniniwala ako na darating din ang panahon na makikilala ko yung taong para sakin,pero ngayon ang mas mahalaga muna na mahalin ko ang sarili ko,at mag focus sa mga bagay na makpag papasaya sakin.

Hanggang dito nalang,pasensya na kayong lahat at naging emosyonal ako. Mahirap man pero kailangan kong gawin kung ano ang tama.

And regarding to Steve Maraboli - "Cry. Forgive. Move on. Let your tears water the seeds of your future happiness"

Thank you for your time, I also want to thank to all who leaves some comment in my articles and giving some upvote on it. Godbless you all. Keep safe guys.

Sponsors of My_Sunshine
empty
empty
empty

5
$ 0.11
$ 0.10 from @renren16
$ 0.01 from @Jay997
Avatar for My_Sunshine
1 year ago

Comments

God will surely give you the one for you po. Soon. Hintayin mo lang din talaga. He will surely did that.

$ 0.00
1 year ago

Thank you sis😊,yes i will..

$ 0.00
1 year ago

Makakakita ka din ng para sa iyo Yong dika iiwan at mamahalin ka ng buo

$ 0.00
1 year ago

Tama po kayo,, hintay hintay nalang,narealize ko din na dapat di muna madaliin,mahalaga is nag eenjoy ako ngayon.😊

$ 0.00
1 year ago

Opo, kusang dadating rin yan, waiting for my perfect moment, w/ gods will❤️🥰

$ 0.00
1 year ago

Tama ka diyan

$ 0.00
1 year ago

I felt you po,,naranasan ko rin yan sa first love ko🥺

$ 0.00
1 year ago

Sakit bie no? Pero need tayo mag move on, hihi

$ 0.00
1 year ago

Opo masakit tlga, yup tinaggap ko nalng yung fact,🥲

$ 0.00
1 year ago