PINOY HORROR STORY EPISODE 4

"HUKAY PART 1"

"Tatay ano pong ginagawa mo" ang sabi ng batang si Richard(6)

"Wala tayong pera anak sa pagburol sa Mama mo ang hirap ng buhay kaya dito ko muna siya ililibing kapag nakaraos tayo pangako papahukay ko ulit siya dito" ang sabi ng tatay nito.

Matapos ibaon ang mama ni richard sa likod bahay nila biglang dumating ang kumare nito na si Aling Lucing.

"Kumpare nandiyan ba si Mareng malou? Eh maniningil sana ako ng utang?"ang sabi nito.

"Si mama po? Inilibing po siya.." tinakpan ang bibig ni richard ng kanyang tatay.

"Ah utang ba kamo? Teka magkano ba may pera pako dito. Wala si malou eh tulog na ayaw ko istorbohin" ang sagot nito.

"300 pesos lang naman. Sige salamat" ang sabi ng babae at ito ay umalis na.

"Ikaw bata ka huwag kang magdaldal tungkol sa mama mo" ang sabi nito at tuluyan nang tinabunan ang bangkay ng nanay ng bata.


Ako nga pala si richard Tamar 23 years old mula sa mindanao sa south cotobato pero nakatira kami ngayon sa luzon sa General trias Cavite. Palagi ko napapaginipan ang Mama ko noong araw na siya ay inilibing ni tatay sa likod bahay namin sa mindanao. Halos tuwing kaarawan ko palagi ko tinatanong kay tatay kung babalikan paba namin si Mama para dito nalang ilipat ang kanyang labi sa general trias cemetery dahil kahit papapaano nakakuha ako ng trabaho dito sa luzon bilang Call center agent sa isang BPO company sa TAGUIG at medyo nakakaangat na kami sa buhay. Dahil matanda na ang tatay(67) ko palagi niyang sinasabi na huwag na kami babalik sa bahay na iyon dahil balak na niyang ibenta iyon ayaw niya na daw maalala ang dating buhay namin sa mindanao.

"Pero Tay paano naman po si Mama parang inabandunan naman natin siya kahit na wala na siya. Para po every november 1 may madalaw naman po tayo sa sementeryo." Ang sabi ko.

"Anak hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko? Walang uuwi sa cotobato!" Ang galit na sabi nito na para bang may lihim siyang tinatago sakin.

Hindi ko alam kung paano namatay si Mama pero ang naalala ko ng gabing iyon nakarinig ako ng pagaspas ng pakpak na parang may lumilipad sa bubong namin wala non si mama sa bahay ng gabing iyon lumabas ang tatay ko para tignan at nakarinig ako ng mga galabog at ingay na parang may nagtatalo sa likuran ng bahay namin. Kinabukasan pag-gising ko nakita ko si mama na nakabalot ng tela sa papag, labis ang iyak ko ng oras na iyon hindi ko alam ang nangyari saking mama at narinig ko si tatay na nagsisimula nang maghukay sa likuran namin. Hanggang ngayon naghahanap parin ako ng kasagutan sa pagkawala ni Mama.

Isang gabi sa south cotobato may dalawang mag kasintahan ang naghaharutan at sila ay pumunta sa isang lumang kubo.

"Joey sure kaba dito tayo? Parang ayoko nakakatakot." Ang sabi ng babae.

"Hindi yan. Alam mo naman sabik na sabik nako sayo halika ka nga dito" ang sabi ng lalaki at ito ay nakipaghalikan sa babae.

Niyaya ng lalaki na pumunta sa lumang kubo ang kanyang kasintahan at sila ay pumasok sa kubo at binuksan nila ang flashlight ng kanilang cellphone.

"Ang creepy naman dito. Ayun doon tayo sa may lamesa sa likuran mukang malinis don" ang sabi ng lalaki.

"Wait maghubad lang ako ng shorts! Wag mo tagalan ah baka hanapin tayo ni papa" ang sabi nito.

"Oo saglit lang ako" naghuhubad nadin ang lalaki.

Hindi alam ng babae na may hukay sa gilid ng lumang lamesa at sa hukay na iyon nakalibing ang nanay ni richard at medyo nakalabas na ang kalahati ng muka nito at inaagnas padin na nakakapagtaka sa tagal ng panahon.

Habang nakadapa ang babae sa lamesa at may ginagawa sila ng boyfriend niya medyo napansin niya ang hukay sa gilid dahil masyadong madilim hindi niya napansin ang bangkay ng isang babae. Patuloy padin sila ng kanyang boyfriend sa kanilang ginagawa at hindi alam ng babae na ngdudugo ang kanyang ilong at pumatak ito sa bibig ng bangkay. Patuloy ito sa pagpatak at ng makaraos sila nagulat ang babae nagdudugo na pala ang ilong niya.

"My god! Ang ilong ko joey!" Ang sabi nito.

"Im sorry! Wait ito may panyo ako" ang sabi ng lalaki at inaabot ito sa babae.

Pagkatapos nila magbihis lalabas na sana sila ng kubo na biglang may nailawan si joey na isang bagay, sa loob ng kubo at ito ay nakasilip sa kanila.

Nang gabing din iyon sa luzon kung saan kami nakatira ni tatay halos sabay kami nagising at sabay sabay nahulog ang litrato namin sa sahig at ang iba ay nabasag. Pumutok din ang ilaw sa kwarto namin at nagulat ako kay tatay na bigla itong nagbalot ng damit.

"Tatay anong ginagawa mo!? Saan ka pupunta!" Ang sabi ko.

"Wag kana magtanong buhay nanaman ulit siya!" Ang sambit nito.

"Buhay? Sino tatay! Di kita maintindihan!" Ang sabi ko dahil kita ko sa muka ni tatay na seryoso ito at ramdam ko ang pag-aalala niya.

"Uuwi ako ng cotobato!!!"

"Ano!??" Ang gulat na gulat na sabi ko.

To be continued

1
$
User's avatar
@Ms.Jean07 posted 3 years ago

Comments