Title: "Apartment" (True Story) Part 1

1998 ng lumipat kami ng bahay sa ParaƱaque. Medyo may kalumaan na yung apartment based sa mga pader nito pero maayos at maganda pa naman. Ganito yung itsura ng apartment may gate na bakal, garahe tapos main door. Mula sa main door tanaw mo na agad yung hagdan papuntang itaas which is mga kwarto. Tapos sala, sa right side naman ng sala yung daan papuntang dining area, kusina, washing area at banyo. Tapos 2 kwartong sa itaas na magkatapat. 1 week bago kami lumipat, binisita muna namin yung bahay para makita ang kabuuhan. Pag pasok pa lang ng main door iba na ang aking pakiramdam sa bahay. Parang may something sa bahay na yun. Medyo creepy siya na dahilan para mag tayuan ako ng balahibo. Nasa sala kami ng bigla kaming nagulat may nalalag kasi na krus mula sa itaas ng hagdan. Malakas eto at parang sadyang ibinato na kung sino man. Side siguro yun na hindi kami welcome sa bahay. So after 1 week lumipat na nga kami sa apartment na yun. Madalas kami lang ni lola ang naiiwan sa bahay. Madalas kaming makarinig ng mga yabag ng paa at tunog ng hinihilang kadena mula sa kwarto sa taas kahit wala namang tao. Minsang maaga akong nagising. Dumeretcho ako sa garahe para magwalis. Medyo madilim dilim pa nun. Habang abala ako sa pagwawalis at nakayuko. May biglang may humila ng walis ko. Muntik pa nga akong matumba sa lakas ng pag hila. Dahil medyo nainis ako nun, nagsalita ako "anu ba naman ginagamit ko pa" sabay lingon. Halos magtayuan ang balahibo ko sa takot. Lumingon ako sa paligid pero wala namang tao. Napatakbo ako sa loob ng bahay sa sobrang takot deretcho ako sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Nagkasakit ako nun. Pabalik balik ang lagnat ko. Nagpapahinga ako sa kwarto ng tawagin ako ni mama. Nagalit pa nga si lola kay mama. Alam na nga daw na may sakit uutusan pa. Umakyat si mama sa kwarto. Sabi niya habang naghuhugas siya ng plato may dumaan daw sa likod niya. Nilingon niya pa nga dahil ang akala niya ay ako.(Itutuloy)

1
$
User's avatar
@Ms.Jean07 posted 3 years ago

Comments