Join 78,983 users and earn money for participation

Ikaw

4 18 boost
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
1 month ago
Topics: Love, Relationship

I-K-A-W

Apat na letra na dahilan ng lubos na kaligayahan ko. Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang nandiyan para pasayahin ako. Hindi ka kailanman nawala sa tabi ko kahit sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko. Ikaw ang liwanag na pinanghawakan ko.

I-K-A-W

Apat na letra na ang ibig sabihin ay lakas at kahinaan ko. Sa mga panahong pinanghihinaan ako ng loob, ikaw ang naging motibasyon ko. Ang boses mo ang naging gabay ko para makabalik sa landas patungo sa iyo.

I-K-A-W

Apat na letra na ang katumbas ay mundo ko. Sa mahigit labing-isang taon ng ating pagsasama, ikaw lang at wala nang iba pa ang nakita at makikita ng mga mata ko. Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba sapagkat ang tanging mahalaga sa atin ay ang pananaw natin sa isa't isa.

I-K-A-W

Apat na letra na naging dahilan ng paghinga ko. Ang pagmamahal mo ang nagsalba sa akin noon. Akala ko hindi na ako makababangon pang muli pero kahit kailan, kahit walang kasiguraduhan ay hindi mo binitiwan ang mga kamay ko. Bagkus lalo pang humigpit ang hawak mo kasabay ng mga pangakong hanggang ngayon ay tinutupad mo.

I-K-A-W

Apat na letra na pinakatama sa lahat ng desisyong nagawa ko. Ilang relasyon ang pinasok ko noon. Balde-baldeng luha ang iniyak ko. Ilang gabi din akong nagpuyat sa mga maling tao. Kaya noong dumating ka, kahit na may alinlangan man, sumugal pa rin ako sa iyo. Buti na lang tumaya ako noon dahil pinakamasaya na ako ngayon.

Batid kong hindi natin hawak ang hinaharap at ang mayroon lang tayo ay ang ngayon. Kaya maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag-unawa at walang sawang suporta mo sa akin. Ikaw ang mananatiling ngayon, at bukas ko. Maligayang Anibersayo, Asawa ko. Mahal kita @MrPepper

Pasok, Ogie Alcasid!

Now Playing, Kasama Kang Tumanda

Nga pala,

Isang pagbati ng pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin. Maraming salamat. Sumainyo nawa ang walang hanggang pagpapala, @ARTicLEE , @nheng1118 , @Pichi28 , @zolabundance2

Mas nakaka-nose bleed pala tong Tagalog😅 Hindi naman masyado malalim yung mga salita ko pero parang sumakit ulo ko hahaha


Sources:

Lead Image from Canva

Bawat letra at salita ay isinulat mula sa puso ng inyong may akda. Isang paraan ng pagbati para sa kanyang kabiyak sa buhay.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

3
$ 0.40
$ 0.40 from @Ruffa
Sponsors of MrsPepper27
Avatar for MrsPepper27
Written by   72
1 month ago
Topics: Love, Relationship
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

I'm sure na kinilig yung partner mo nito😅 galing mo, Mrs. Pepper! ❤️

$ 0.00
1 month ago

Happy anniversary po sa inyo . Kinikilig Ako sa article niyo napakasweet naman

$ 0.00
1 month ago

OMG, Happy Anniversary sa inyo 🤩😍 ang sweet naman, napabasa mo to sa kanya? Yiehhh.

$ 0.00
1 month ago

Oy! Ginulat mo ko sa regalo mo hahaha, hindi ko pa napapabasa sa kanya, naglalaro pa ng ML🙄 cute ng profile mo! Gusto ko casing key chain hahaha

$ 0.00
1 month ago