Nagmahalan pero hindi nagkatuluyan! ๐
LESSONS LEARNED FROM THE MOVIE "BETWEEN MAYBES".
Not everyone is meant to stay in your life.
Merong mga tao na dumarating sa buhay natin na magpapasaya, magpapakilig at magmamahal sa atin pero hindi lahat ay makakasama natin hanggang dulo. Masakit pero yan ang totoo.
Merong rason kung bakit dumating sila sa buhay natin, maaaring para turuan tayo ng leksyon o baka para ihanda tayo sa taong nakalaan para sa atin. Ang importante ay sa bawat relasyon, sa bawat sakit at sa bawat tao na dumaan ay meron tayong natututunan. Tinadhana lang kayo para magkatagpo pero hindi nakatadhana para magkatuluyan.
Ang tunay na nagmamahal, nagpapaubaya.
Mahirap bumitaw sa isang pagibig lalo na kung mahal mo pa siya pero mas mahirap lumaban kung ikaw na lang ang naka kapit sa inyong relasyon. Sabi nila, pag mahal mo ipaglaban mo. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pag ibig na ikaw na lang ang ang may gusto? Sa pag ibig at relasyon hindi pwedeng sarili mo lang ang iniisip mo, dapat iniisip mo din kung ano ang gusto ng taong mahal mo at kung saan siya mas magiging masaya kahit hindi ka na parte ng bagong mundo at kasiyahan na gusto niya. Ang pagpapaubaya, ay tanda ng pagmamahal.
Letting GO is letting the person you love GROW!
Set your priorities.
Sa dami ng gusto nating gawin, madalas hindi na natin alam kung ano ang uunahin at kung ano ang pipiliin.
Mahal ako o yung mahal ko?
Gusto nila o yung gusto ko?
Pag ibig o pangarap?
Sa buhay hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, hindi lahat pwede mo pagsabayin. Kailangan mo mamili, kung ano ang mas matimbang, kung ano ang mas importante at kung ano ang mas magpapasaya sayo.
FILM REVIEW
Ganda ng pelikula, natural, walang halong echos, walang aksaya at walang patapon na eksena.
Hindi ko alam bakit pero nakakakilig si Julia at Gerald sa pelikula. Ramdam mo yung spark, ramdam mo na merong โtotooโ sa bawat eksena.
The story was well narrated, madaling makasabay ang viewers, understandable at hindi yung tipong magiisip ka pa ng sobra.
Sa ending ng story ako umiyak, hindi typical pero mas totoo yung storya.
The film did not focus on the tourist spots, hindi yung tipong mas marami ang location shots kaysa eksena. They used the spots to make the story realistic at mas tagos sa puso.
Overall rating 8/10
Thank You for Reading!
Lead Image was taken from Me
-===-
Ang sakit lang no? na pakawalan yung taong mahal na mahal mo. Yung kahit ikaw yung magdusa basta ba sasaya siya.