Buti Nalang Isinuko Kita.

6 49
Avatar for MoonTrader
2 years ago
Topics: Love, God, Moral lessons

This one's for those who experienced losing their selves in the midst of loving a person. I hope you get to find your self... in Him... soon.❤

Maraming pamahiin ang mga Pilipino pero isa sa mga yun ang lubhang kinapitan ko.

Sabi nila pagnaliligaw ka na daw, baliktarin mo lang ang iyong damit para mahanap mo ang daan pabalik.

Naaalala ko kung paano mo sinabing nakakalunod ang aking mga mata na para sayo'y tila isang makislap na kalawakan - nauubusan ka ng hangin sa tuwi mong masisilayan pero handa kang pagmasdan ang bawat sulok, bawat hangganan.

...At naaalala ko din nung tinitigan mo ako at nagwikang hindi na ako yung taong una mong minahal, hindi ka na sigurado kung nais mo pang manatili sa kalawakang minsan mong hinangad sa aking mga mata, hindi mo na nakikita ang mundo mo na ako ang kasama.

Naaalala ko ang unang beses na napangiti kita sa aking mga tula, napatigil, napakilig sa aking mga salita na tila may mga paru parong pinalipad ko sa bawat letra at tugma. Ngunit ang bawat oras na kausap ka ay di matutumbasan ng mga oras na wala tayong sinasambit, sapat na ang mga hawak kamay at mga titig.

....At naaalala ko din ang unang sandaling ang mga salita ay nagsimulang maging sigawan, mga salitang puno ng galit at di pagkakaintindihan. Pero alam mo kung ano ang mas masakit? Ang mga sandaling ang matamis na katahimikan ay naging mga hikbi at pangagatal habang winiwika mong hindi na ako yung taong una mong minahal.

Kung naligaw ako, patawad. Gusto kong malaman mong ninais kong mahanap yung daan pabalik.

Sa bawat araw na dinadalaw ako ng pagtatanong kung san ako nagkamali, binabaliktad ko ang aking damit at nagbabakasakaling makita mo na akong muli.

Pero mahal hindi ako ang naligaw kundi ikaw. Naligaw ka ng pagnanais na makita lamang kung ano ang maganda sa akin at tumangging makitang hindi ako perpekto. Naligaw ka ng kagustuhang ikulong ako sa isang ekspektasyon imbis na hanapin ang isa't isa ng magkasama sa magulong mundo. Naligaw ka ng kawalan ng pagtanggap sa katotohanang ang pag ibig ay hindi puro saya, kundi isang pagpili sa pananatili at hindi sa makasariling paglaya.

Mahal aaminin ko, naligaw din ako. Pero hindi mula sayo ngunit mula sa aking sarili. Sa kagustuhan kong abutin ang iyong tuntunin, pati sarili ko nakalimutan kong mahalin.

Kaya naman ngayon naisip ko, hindi ko na babaliktarin ang aking damit, hindi ko na hahanapin ang daan pabalik. Dahil hindi naman totoo ang mga pamahiin, ang totoo ay ang mga panalangin.

Isinuko kita sa Kanya, at sa unang pagkakataon natutunan kong ikaw ang maling daan na paulit ulit kong binabalikan, kung san paulit ulit akong naliligaw. Sa wakas nakita kong hindi ako nagkulang o kaya'y nagbago, hindi lang talaga ako ang para sa'yo.

Buti na lang isinuko kita dahil sa wakas nakita ko na ang daan, hindi pabalik sa yo kundi pabalik sa Kanya.

Conclusion

One thing is for sure, if that person is leading you away from your relationship with God, naliligaw ka na. My prayer is that you finally stop walking in that same circle over and over and move on... at last.

-===-

3
$ 0.35
$ 0.29 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @tired_momma
$ 0.01 from @Fexonice1
Sponsors of MoonTrader
empty
empty
empty
Avatar for MoonTrader
2 years ago
Topics: Love, God, Moral lessons

Comments

Hi MT, maganda ang tula na nailathala mo dito. Sinasabi nya na willing to sacrifice ang taong gusto nya para sa Lord which I think is wonderful naman talaga. Kung di talaga will ng Lord ay di talaga mangyayari.

Nga pala nakita ko itong post na ito sa Facebook: https://www.facebook.com/2078451665762551/posts/2593817210892658/ by any chance ikaw din ba ang may-ari nung page or ikaw ang nagsubmit sa page?

$ 0.00
2 years ago

Bat ang sakit habang binabasa ko Mjay. Talagang hindi maganda yung ikaw lang lumalaban dapat kayong dalawa pero ang hirap pag ikaw lang mag isa.

$ 0.00
2 years ago

Huwag kumapit sa isang relationship na Kahit Alam mo sa Huli na wala ka nang madadatnan pa,yung ikaw nalang ang lumalaban para e save nyo ang isa't isa

$ 0.00
2 years ago

True ate huhuh

$ 0.00
2 years ago

Ahhh galing nmn prang spoken poetry sya. May pinaghuhugutan ba yarn mjay?

$ 0.00
2 years ago

Hahha secret ate kleah heheh.

$ 0.00
2 years ago