An Special day with my Mare-tes

19 55
Avatar for MommySwag
2 years ago

February 19, 2022

Blog#05

Alam niyo ba ang salitang marites? Hindi marites na name ng tao ha! Dito sa Pilipinas yan ngayon ang trending na tawag sa mga magkukumare na laging alam ang latest update ng buhay ng iba or even ng mga buhay ng kumare nila. Kaya ang Marites is short for Kumare or Mare, at yunh tes is for Latest o bagong balita. Kaya naging Mare- tes! Na ang ibig sabihin ay Mare ano ang latest!

Kahapon, February 18 2022, ay nag-celebrate ng kaarawan ang isa sa mga kumare ko. Nung una ayaw niyang maghanda, dahil nga sa matrabaho ang paghahanda. Nandiyan yung magluluto pa siya ng mga ihahanda niya at ang mga hugasin na magagamit. Pero she change her mind so she invited us after i post our old photo's together with a greetings to her. Sa dami ng nagcomments na mga kumare namin at ibang tao eh! Ayun napilitan maghanda ang kumare ko. Kumare ko siya sa bunso kung anak na lalaki, sa totoo lang sa nursery ko lang sila nakilalang lahat at dahil naging click ang mga bonding namin noong nasa day care ang aming mga anak, ayun kinuha ko silang ninang ng bunso ko. Buntis kasi ako nung naging ka-eskwela ng anak kong babae na panganay ang mga anak nila. Kaya hindi na ko nagdalawang isip na kunin sila na grandparents ng bunso ko,dahil i know na kapag nawala ako sa mundo may mga tao akong mapagkakatiwalaan. At sila yun,ang aking mga mababait at seksing kumare.

Sabi niya sa reply was daw siyang datung,pero natuloy parin kami kahapon.

Yan ang picture namin kahapon together with our kids. Kaya ang saya din ng mga bagets namin dahil nagkita- kita ulit sila sa wakas. While kami naman ng mga kumare ko is kanya kanyang kwento. Especially about sa module ng mga anak namin, hiwa-hiwalay kasi kami ng section at teacher. Pero dalawa sa mga kumare ko is magkasama parin at magka-eskwela ang kanilang mga anak.

Ang dami nilang kwento tungkol sa teacher nila, napakasipag kasi ng teacher nila mag-update at sila rin ang may pinaka- maraming pinapagawa. Yung teacher kasi nila is updated lagi, samantalang mga teacher namin is late na kong mag-update. Mas nauuna pa teacher nila magsabi ng mga mangyayari o gahanapin sa school,pati pagsusuli ng module at pagbabalik alam na agad ng guro nila. While ang among teacher is kung hindi on the day nagsasabi eh ilang araw bago kami magpasa. Kaya kapag may mga itatanong kami sa kanila kami nagtatanong kasi updated lagi guro nila at sa sobrang sipag nito ang daming pinapagawa sa kanila. Pero okay lang kasi yung teacher nila ay may panlubag loob, kumbaga may mga reward sila at certificate na natatanggap while kami o section naman is nganga.! Sarap sana kung may mga ganun din ang aming guro,kasi mas maeenganyo ang bata magsumikap pa sa pagaaral at syempre maging magulang. Kaya yung mga ka co- nanay ko sa section namin parang walang effort kasi maging guro namin walang effort sa paggawa man lang ng certificate of award.

Sa tingin niyo ba,kung gagawa din ang aming guro ng ganun is magiging on time na kaya ang mga magulang na magsauli ng module? Kung oo! Hiling ko na sana ay mag provide ang aming guro ng certificate of award oara ganahan ang mga bata at maging ang mga magulang.

Kung ano- ano ang aming napag-usapan, may mga tungkol sa patay, sa mangyayaring face to face at sa pagtaba namin. Opo! Pati ang aming mga size at weight ay napaguusapan namin,kaya may plan kami mag-jogging if okay na ang lahat. Kaya sana ay matupad na ang plano namin na yun, kasi masarap may kasama sa pagjojoging. At sabi ko nga sa kanila yun ang among magiging #FriendshipGoal#FitnessGoal. Marahil ay kung kami ay sama-sama mas magiging masidhi ang aming hangarin na pumayat.

Kayo anong kwentong Marites niyo? Kami ng mga kumare ko at hindi ng back stab o hindi kami katulad ng ibang marites na ang topic ay buhay ng iba. Kami may maituturing na marites,subalit ang aming kwento o latest chika is about lamang sa mga pangyayaring nagaganap samin at sa aming mga anak o mahal sa buhay. Ngunit kung matuturing na chicmis ang pag-usapan ang aming mgs guro eh! Napag-uusapan lang naman kaya iba yun,hindi naman siguro masama na maihambing ang guro namin sa guro nila. Ganun pa man ang aming guro,masasabi ko na mabait at pasensyosa naman siya. Paano ko nasabi? Kasi katulad ng sinabi ko sa article ko na Its not my ordinary day may mga magulang na hindi on time magsuli at kumuha ng module. Pero hindi ko sila masisisi dahil lahat naman ng tao ay may sari-sariling problema na kinakaharap.

Magandang gabi sa lahat!

Hanggang dito nalang muna ang aking blog, hanggang sa muli. Btw nais ko pasalamatan ang @TheRandomRewarder sa pag- noticed sa aking article. Kahit na tagalog ang aking ginawa ay naappreciate at binigyan niya ng halaga, Maraming Salamat!

Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

Salamat din sa mga tao na tumutulong sakiin at naniniwala parin sakin despite sa aking sinusulat dito. May umaalis pero naniniwala ako na balang araw ay makikita kong muli na maraming tao ang nais sumuporta sakin kahit na tagalog ang aking mga gawang article. Maraming Salamat! Kindly visit their work and you will love it and you will probably support them here.


Closing thought;

Ang makasama ang mga kaibigan ay walang kasing- saya. Magkakaiba man kayo ng pananaw at madalang magkita ang kaibigan o kumare ay mananatiling iisa lalo na kung sa kapakanan ng mga anak.


Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.πŸ˜‰

10
$ 1.54
$ 1.41 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @King_Gozie
$ 0.03 from @Jeansapphire39
+ 3
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago

Comments

Kami Marites talaga Kasi kapag nagkitankita chikaness to the max hahaha. Pero parang update lang Naman like UI alam mo ba si ano ganito , hahaha

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Haha πŸ˜‚ oo sis ganyan talaga kapag mga magkukumare dapat alam mo ang latest chika. Kahit sino pa yan masasama sa yopic niyo yan.😁

$ 0.00
2 years ago

yung kwentong marites ko ay yung sa pinsan ng mama ko kasi kami lang ang binabantayan nila dito kung ano ang binibili namin parang big deal sa kanila kasi nga si papa lang ang may work eh si mama wala. but anyways ang ganda ng pagkamarites ninyo kasi hindi ibang buhay ang pinag-uusapan ninyo. good morning ate

$ 0.01
2 years ago

Hindi kami ganun bebe girl kasi ayaw dinnnamin gawin samin yun.πŸ˜… kung magkwentuhan kami is mga latest update lang sa school at sa life namin.😁

$ 0.00
2 years ago

Nkakatuwa tlga ang tawag na mare-tes hahaha. Module is life talaga kayo no di pa ksi ako mkarelate nyan ksi highskol na c eldest ko at baby pa din c kulot.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis module is life kami ng mgs kumare ko, hindi talaga nawawala angnusapin ng module.πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Ang saya saya nyo lagi at usaping module pa hahaha. Nsa bahay lng ako sis at mnsan na lng kmi mgkita kita ng mga friendship ko dito.

$ 0.00
2 years ago

Kami kasi sis dito sang lugar lang kaya kung maisip pumunta sa ganito,go na. Yun lang pinakabonding namin.

$ 0.00
2 years ago

Wala akong kwentong Marites sis kasi wala akong kumare. Nasa loob lang ako palagi ng bahay, hahaha...Oi congrats sis, nanoticed ka ni green baby. Continue lang sa pagsusulat

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sisπŸ˜…πŸ€­ nagulat nga ako sis nung open ko ng morning kahapon kaso nga lang nung aggawa ako ng article hidni ko nagawa kasi may kaagawa na ko sa cp. Hays kakulit na bata hilig mag cp.

Pero may mga ninang ang mga bagets mo sis?

$ 0.00
2 years ago

Hahaha sino kaagaw mo sis si bunso o yung panganay?

May ninang at ninong sis pero mga kamag anak ko lang. Yung iba antie ko at yung iba naman mga uncle ko, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ahh kala ko sis walang ganun sa inyo.😁😁

Yung bunso sis, kanina nga hindi na naman ako makakapagsulat buti nalang nagpaubaya yung partner ko st pinshiram yung bunso ko.😁😁

$ 0.00
2 years ago

Wala akong mga Kumare sis kasi nung day care anak ko husband lage ang nagbabantay siya yung kasama sa mga ka marites doon hihi.

$ 0.01
2 years ago

Ay oo may mag tatay nga din akming kabonding nung day care ang aming mga bagets. Ehhe nasa abroad din aksi mga asawa nunh mga tatay na nakasama namin, ang saya din. Sila ang mga nangaasar samin ng mga kumare ko. πŸ˜…πŸ˜…

Okay lang yan sis,once na nakaipon kana pwedeng pwede mo ng puntahan o kaya naman ay makabonding ang mga friennd mo dito satin.πŸ˜‰

$ 0.00
2 years ago

Nung ng kinder na anak ko 3 months din akong pabalik balik sa eskwelahan pero ayaw nilang makipag bonding sa akin sis hihi year 2018 yun yung nagbakasyon ako , kaya ayun nandun lang ako sa Gilid nag seselpon.

$ 0.00
2 years ago

Ngayon ko lang nalaman acronym pala yung Marites πŸ˜‚ haha Mare at Latest hahaha

$ 0.01
2 years ago

Oo sis, haha kasi ang iba kala kapag tinawag na marites eh masama na agad. Pero hindi naman lahat kung baga si marites ay laging updtaed dahil siya yung kumare mo na alam anv latest news or chicka.πŸ˜…πŸ˜… yung maresol ang kakaiba. Kasi yun naman yung kumare mo na mahilig manulsol.πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

You are very lucky to have your kumare's. Ang wish ay sana pang habang buhay na ang inyong pagkakaibigan at maging matatag ito.

$ 0.01
2 years ago

Wish ko din yan sis😁😁 pero hindi na siguro kami magbabago. Kasi we have a group in messenger at kahit madalanv kami magusap o magkita sa chat kami nagpapakiramdaman.πŸ˜…πŸ˜πŸ˜

$ 0.00
2 years ago