Kinikilig

0 72
Avatar for Mjv2
Written by
3 years ago
Topics: Filipino, Story, Fiction, Love

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan sa lupa, at narito ako tumatakbo nang mabilis hangga't makakaya ko upang makarating agad sa bahay. Isang daang metro lamang ang layo mula sa aming bahay, ang pinapasukan kong eskwelahan kaya't nakasanayan ko nang maglakad kapag umuwi upang makatipid ng pera.

Sa kasamaang palad, hindi ko nadala ang aking payong. Nagtataka ako kung bakit nakalimutan kong dalhin ito ngayon, gayong sa katunayan ay ginawaran akong bilang boy scout of the year noon. Okay, dati na yan. Masyado lang yata akong nagpadala sa magandang weather kanina.

Tumingin ako sa aking relo na nasa kaliwa kong kamay at nakita kong Alas-5 pa lang ng hapon, ngunit ang langit ngayon ay talagang dumidilim na. Ilang hakbang pa bago ako makapasok sa aming compound nang biglang may narinig ako na isang tao na humihingi ng tulong.

Tumingin ako sa lugar at sinubukang alamin kung saan nanggagaling ang boses. Nang sa wakas napagtanto ko ito, agad akong pumunta sa lugar na iyon. Nakikita ko ang isang babae na na marahil ay kaedad ko lamang, at ngayon ay umaakyat sa isang puno habang sinusubukang makatakas mula sa isang aso. Tumakbo palayo ang aso nang matagumpay na makaakyat sa puno ang biktima nito.

Sa sandaling makita ko ang kanyang mukha ay tila lumakas ang pintig ng aking puso. Napatulala ako at tumigil sa pag-ikot ang mundo dahil sa sitwasyong iyon. Bumalik lang ako sa reyalidad nang tinawag ako ng dalaga.

"Hoy ikaw, Mr. Starstruck. Maaari mo ba akong tulungan?"

Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ako, Mr. Starstruck? Nakakatawa iyon.

"Ako ba ang tinutukoy mo, Miss Akyat-Puno?" Sabi ko habang pinipilit na pigilin ang tawa ko.

"Ano 'yong sinabi mo? Miss Akyat-Puno? That was so lame, yucks. Para malaman mo Ginoong Tulala, umakyat lang ako sa punong ito upang mailigtas ang aking sarili mula sa kagat ng aso kanina!" Anito habang sabay na pinaikot ang mga mata.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang reaksyon ng mukha niya. Ngayon ko lang napagtanto na tumigil na pala ang ulan.

"Why are you too defensive? Baka naman totoo?"

"Wow, conyo boy ka pala. Lakas taglish ha." Anito habang medyo tumatawa.

Sa kamalas-malasan niya, nasira ang sanga ng puno kung saan siya nakaupo. Buti na lang mabilis ang reflexes ko. Bago siya mahulog sa lupa, naabutan ko siya. Ngunit hindi ko inaasahan ang bigat niya. At sa gayon ay sabay kaming nahulog. Ipinikit niya ang kaniyang mata, ngunit hindi ko ipinikit ang akin. Tila bumagal ang oras at para bang ayaw ko na itong tumigil. Nang tumama na ang aking katawan sa lupa, ramdam ko ang matinding kirot sa aking likuran, ngunit nawala ito nang makita ko ang mukha niya na sadyang may kakaibang dulot na nakakapagpagaling agad ng anumang kirot sa katawan.

Halos halikan na namin ang labi ng isa't isa. Kunting-kunti na lang talaga. Ang aking mga mata ay nakatutok sa mga mata niya, ewan ko pero parang may nakita akong isang spark.

Naririnig ko kung gaano kalakas ang pintig ng aking puso. At alam kong nararamdaman niya rin ito. Nang marealize niya na nasa awkward kaming posisyon, tumayo agad siya.

Agad siyang lumayo palayo pagkatapos makatayo. Tumayo rin ako kaagad at sumigaw sakanya.

"Wala man lang thank you Miss Akyat-Puno?" Sabi ko.

"Che Ginoong Starstruck slash Tulala." Anito habang nakangiti.

Alam kong nakangiti siya dahil nadarama ko ito. Ang paraan ng pagtapon niya ng salitang iyon ay isang bagay na nakapagtataka. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag.

Sumigaw pa ako ulit. This time, sinabi ko na ang pangalan ko.

"I'm Xavier Cruz hindi Mr. Tulala. Remember that."

"Whatever!" Sabi niya.

Nang hindi ko na siya makita, nagsimula na akong maglakad palayo sa lugar na iyon. Uuwi ako na may isang matamis na ngiti sa aking mukha. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang pakiramdam na ito sa aking labing-anim na taong pamumuhay sa mundong ito.

Ito na ba ang bagay na tinawag nilang pag-ibig?

Ako'y kinikilig

'Pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig

At nadarama ang puso na pumipintig Natutuwa sa iyong tinig

O ito nga ba ang pag-ibig

Nang sa wakas ay nakarating na ako sa aming bahay, agad akong naligo. Pagkasuot ng damit ko, nag-ring ang aking phone.

Alexandria Medrano sent you a friend request.


To read the English version, read it here: First Love Remains Alive.

Thank you!

8
$ 0.00
Sponsors of Mjv2
empty
empty
empty
Avatar for Mjv2
Written by
3 years ago
Topics: Filipino, Story, Fiction, Love

Comments