Pagkasira ng Pamilya: Sino nga ba ang may kasalan💔
Sino nga ba ang tunay na biktima?
As we can notice in our society now a days, a lot of couple already parted their ways, their marriage became broken.
For this, let me share it to you too🙂
Sa bawat nasisirang pamilya,sa bawat nagloloko na padre de pamilya o ilaw ng tahanan sino nga ba ang tunay na biktima?
Ang babae/lalaki na natukso lang at hindi alam na may pamilya na ang karelasyon?
Ang ama/ina na hindi napigilan na matukso at biniktima ng kaaway?
O ang mga anak na nawalan ng ina/ama na huhubog sa kanila sanang kinabukasan?
Kabi kabila ang palabas sa t.v tungkol sa mga kabitan tila baga naging normal na ang ganitong klase ng sistema,sa TULFO nga ito ang madalas na sumbong ng bawat dumudulog sa kanila.
Ngunit sa parteng may naglolokong magulang ang tunay na biktima dito ay ang mga anak na walang kamuwang muwang.
Na dahil sa pansariling kasiyahan ng kanyang mga magulang ay kinabukasan nya ang ninanakaw.
Nakakalungkot na sarili nya pang magulang ang dudurog sa kanyang puso at higit ng kanyang pagkatao..
Karamihan sa mga lumaki sa broken family o yung mga magulang na nagkanya kanya ng pamilya at iniwan nalang ang anak sa kamag anak o sa lolo/lola ay hindi lamang nawalan ng magulang kundi nawalan narin ng karapatan,karapatan na mahalin,karapatan na abutin ang kanilang mga pangarap..
Karamihan sa mga nasa gantong sitwasyon ay nauuwi sa pag aasawa ng maaga ng bata,paghahanapbuhay ng maaga ng bata para sa kanyang sarili,pagiging magulang mismo sa kanyang mga nakababatang kapatid at ang masaklap pa ay nabibiktima pa sila ng pang aabuso dahil walang magulang na nakasubaybay sa kanila.
Mayroon rin namang mga kabataan na kahit broken family ay lumaki ng maayos at naging matagumpay sana nga lahat ay ganito,pero sa realidad mas marami ang hindi.
Bilang magulang ano ba ang iisipin natin ang maging masaya ka para sa sarili mong kapakanan o ang maging maayos ang iyong mga anak.
Merong mga mag asawa na hindi na nakapag hintay na magbago ang kabiyak kaya mas pinipili nalang humiwalay,at sa ganitong sitwasyon ay hindi ko kayo masisisi kung napagod,naubos at nadurog na kayo.
Pero sana sa pakikipaghiwalay nyo sa inyong mga asawa ay wag nyo ihiwalay ang pagiging magulang nyo sa inyong mga anak.
Dahil hindi nila ginustong mabuhay para lamang maabuso at mapabayaan.
Wag nyong kalimutan na ang inyong anak ay isa sa pinakamagandang regalo ng Diyos sa inyo,kaya dapat lamang na maprotektahan maalagaan at makaramdam ng pagmamahal mula sa inyong mag asawa.
Hindi dahil natapos na ang inyong pagsasama bilang mag asawa ay matatapos narin ang pagiging magulang nyo sa inyong anak.
Biktima na sya ng broken family wag nyong hayaan maging biktima pa sya sa ibang paraan.
(c) A Godly Relationship
Kaya pag isipan mabuti kung handa na ba tayo pumasok sa buhay may asawa,kailangan hindi lng isip ang ihanda natin,pati puso rin