Sa bago kung trabaho may nakilala ako na isang babae, kasama ko din sa isang Opisina at mabilis din naman kami magkasundo.
Isang araw habang kumakain kami sa Opisina ng pananghalian nag-uusap kami tungkol sa nangyari sa buhay namin bilang isa ina. Sinabi ko naman ang mga pagsubok ko sa buhay na nangyari sa akin at agad ko naman nalagpasan.
Kahit tapos na kami kumain nag-uusap pa din kami hanggang sa umabot sa dalawang oras ang pag-uusap namin. Sabi niya na nabuntis daw siya at umuwi siya sa kanilang lugar una siya umuwi sa kaniyang mapapangasawa at nagka.anak na siya. Pagkatapos ng dalawang taon sumunod na sa kanya ang lalaki at ready na daw ang lahat para sa kanilang kasal tanging gown nalang sa kasal ang kulang at bigla daw umuwi ang lalaki at iyon pala may ibang team na pala na nilalaro kaya hindi daw natuloy ang kanilang kasal.
After so many years, may nakilala na naman daw siya na lalaki at kapitbahay lang din nila, at iyon din hindi nagkasundo kaya iyon nagkahiwalay din sila at meron din silang anak.
Sa pangatlo niya na naging kasama lumayas na daw siya sa kanilang bahay ng almost 5 years, nagka.anak din sila pero hindi siya sinamahan, nag rent sila ng anak niya at ang ng lalaki ang nagbayad sa gastos sa bahay at pagkain nila. Meron din daw time na tumatanggap siya ng labada kasama ang dalwang taon na anak niya kasi hindi sila binigyan ng allowance. May asawa din kasi ang lalaki kaya nagtatago sila at negosyante ito. Ang pinadala nga na apelido sa bata ay apelido ng lalaki. Hanggang dumatingbang time na umuwi siya sa kanila at natanggap naman ng pamilya niya ang nangyari.
Binibigyan din daw sila ng allowance, hanggang sa dumating ang time na pinatay ito habang nagdeliver sa kanyang negosyo. Nadala kasi siya sa matatamis na salita ng lalaki kaya napapayag siya. Ang duda daw niya ay baka nagkaroon iyon ng ka relasyon na masama ang ugali at pinapatay ito. Simula noon ilang buwan din siya na nakasalalay lang sa kanyang magulsng ang gastusin ng kaniyang mga anak. Ang magulang niya lang ang nagbibigay ng pagkain nila.
Isang araw, naka move on na siya sa nangyari at may nakilala siya na isang matanda at naging ka relasyon niya. Ito din ang tumulong sa kanya para makapasok sa trabaho.
Sabi ko naman sa kanya na bata pa siya, makakahanap pa dim siya ng matinong lalaki. Sabi naman niya na hindi daw niya alam at para din daw ayaw na niya. Baka ayaw na din nya masaktan ulit sa daming pinagdaanan niya. Makikita mo sa mukha niya na kahit siya nalang ang nagbubuhay sa tatlo niyang anak ay masayahim pa din siya. Nasasabi ko na ang lakas-lakas niya at nalagpasan niya ang lahat ng ito.
Masasabi talaga natin na ang mga tao ay iba-iba talaga ang pagsubok sa buhay. Hindi ko alam kung totoo ba na tayo ang makakapili sa daan papunta sa ating kapalaran or sadya lang itong lalapit sa iyo kailangan mo lang lagpasan ang lahat ng ito para ikaw maging malakas na Babae. Maaapektuhan din kasi ang mga emotion ng mga bata kung maging malungkutin ka din at hindi malakas sa lahat ng pagsubok.
Tumutulong din siya sa mga negosyo ng kanyang ina paminsan minsan at bibili din naman kamo na kasama niya sa trabaho para kaunti nalang ang ibibinta niya.
October 28, 2021
34th Article.
Inspired by her.
@Miyuki1991
matatag sya dahil nakaya niya lahat at saludo ako sa kanya sissy