"gOOdbye ALAK na please".

16 52
Avatar for Miyuki1991
3 years ago

Parang AWA mo na, SANA HULI na ito.

Bakit ba may mga ganitong tao? Parang uhaw na uhaw kung hindi makainum? Galit at wala sa mood, basi sa observation ko sa asawa ko. Hindi pa pwedi sa aming bahay nalang mag-inum? Iyong tamang-tama na sa katawan at pwedi kana matulog kung iyon lang naman ang kailangan ng katawan at utak niya hindi sana iyong para takaw na takaw sa alak.

Way back last year, graduation ng isa sa barkada niya ng Senior High School. (bata sa kanya ang barkada niya dahil kasama nya rin ito sa DRAG RACING TEAM). Meron pa akong work sa panahon na iyon, nagtext siya sa akin na meron daw maliit na inuman malapit lang din sa bahay namin. I sad yes, hindi ko naman siya pinagbabawalan but I told him na alam mo ang limitasyon mo. In the afternoon, nagpasundo ako sa kanya from work. At ng makarating na siya sa akin, sinabihan ko agad na siya na uuwi naba siya diretso dahil lasing na siya. Pero habang nakabyahi pauwi he kept pleasing me na payagan ko siya bumalik. Dahil nga ayaw ko din ng gulo, I said yes ulit at bumalik siya agad.

After two hours, hinatid siya ng isa sa kasama niya sa inuman. Sabi sa akin na lasing na lasing na daw nahulog na nga daw sa inu.upoan niya. Pina.upo sa upuan sa bahay mahuhulog na siya, sabi ko pwedi pakihiga nalang sa higaan? Pinagtulungan ng dalawa niyang kaibigan mabuhat lang papasok sa kwarto. Kinabahan na ako sa mukha ng asawa ko, ramdam na ramdam ko na na hindi natural na lasing ito. Iiwan na sana siya sa mga kaibigan niya na naghatid sa kanya pero sabi niya na huwag pasamahan muna siya.

Dahil kakaiba na talaga ang nararamdaman ko, habang naghihilot ang mga kaibigan niya. Nagtatanong ako kung may HIGHBLOOD ba siya, sa paulit ulit ko na tanong na sa kanya bigla niya sinabi na "Meh ge.HIGHBLOOD ko meh" agad ako napatakbo sa bahay ng INLAWS ko at naghingi ng gamot para sa HIGHBLOOD. Ilang oras din namin siya pinagtutulungan na hilutin, nilagyan ng yelo ang sa may liig, ulo, at sa dibdib para sa first aide para iwas blood clot daw pero ang paa niya ibabad sa sa lukewarm water pero ayaw niya magpa-upo kaya maiinit na tubig nalang na nilagay sa glass bottle at binalot lang sa tela.

Ito ang nahingi ko na gamit sa Inlaws ko, dalaw ito ang isa nagamit ko din (please read until last)☺️.

Halos dalawang Oras namin siya tinulungan to revive kung ano ang nararamdaman niya daming naghilot sa kanya. At isa sa kaibigan niya dumating sabi niya, gatas daw ng Ina ang ipanghilamos sa kanya. Mabuti nalang may isang kaibigan na agad tumakbo at naghingi ng gatas sa isa kamag-anak din ng asawa ko at hinilamls ito sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto agad naman siyang nakatulog.

Para akong mabunutan ng tinik noong nakatulog siya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Iiyak ba ako, magpapanic, or magwawala. Nanginginig ako at kinabahan dahil nakita ko ang itsura ng asawa ko na iba na talaga, tumulo luha niya ng hindi niya alam. Pinagsabihan ko siya kinabukasan, dahil wala na daw siya maalala pagkatapos na hinatid siya dito sa bahay.

Yesterday, pagkatapos ng delivery niya pag-uwi niya sa bahay hindi ko alam meron pala siyang plano na mag-inum. Ang paalam niya sa akin Pocket Size daw na Tanduay, pero noong sinundo na niya ang kainuman niya asawa din ng pinsan ko ang dala nila ay Long Neck na Tanduay. At agad ko naman siya sinaway sabi mo maliit lang bakit ganyan kalaki.? Ang sabi nila hindi daw nila uubusin kung hindi na kaya.

Natapos na ako magluto for dinner, sinabihan ko sila na kumain na. Hindi kumain ang kasama niya sa inuman hindi din siya kumain. Masayang silang nag-uusap, halos dalawang oras nilang ininum iyon.

Past 8pm, tumayo siya sa kinauupuan niya para umihi. Pagbalik niya sa pag-upo bigla niya sabi, wait sa HUBOG NAKU, tuyok na gyod akoa panana.aw (sandali lang lasing na ako, umiikot na ang paningin ko). Nakita ko siya na pawis na pawis, tanong ko siya kung nagka Highblood naman ba siya sabi niya wala daw nahihilo lamg daw siya. Binigyan ko ng unan, dahil gusto niya daw humiga.

Hinihilot namin siya kasama ng kainuman niya dahil pawis na pawis na siya, nilagyan ko agad yelo ang batok niya pinainum ng gamot na subra noong una kasi dalawa ang bigay nila. Dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko talaga, pumunta ako sa bahay ng pinsan niya para maghanap pa ng katulong. Kaya agad naman tumawag ng tulong ang asawa ng pinsan niya may nagdala din ng manghihilot para sa "KABUHI" kasi daw hindi nga kumain tapos uminum ng alak.

Sumuka siya, at ang gamot na pina.inum ko ay naisuka niya.

Sponsors of Miyuki1991
empty
empty
empty
Ito ang pina.inum ulit after niya sumuka.

https://depositphotos.com/430778324/stock-photo-manila-nov-clonidine-hydrochloride-catapres.html

Sa pagkakataon na ito, mas takot na ako kaysa sa dati kasi kakagaling lang niya sa lagnat noong isang araw palang siya nakaligo. Tapos hindi pa siya tapos sa medication niya sa ubo at sipon nakipag.inuman na. Habang tinutulungan namin siya maiyak ako sa sabi niya na hindi daw siya makahinga dahil nga may sipon siya.

Sinabihan ko ulit siya punta tayo sa hospital bahala na covid ang maging sakit mo dahil may sipon ka at nahihirapan ka huminga. Ayaw na naman niya. Hanggang sa nakatulog siya ng ilang saglit. Maiiyak ako tumingin sa hinga niya kasi habol na habol. Akala ko kasi kung ano na or talagang covid nga kinabahan ako ng subra. Ilang minuto na pagtulov sumuka siya ulit, madami na siyang naisuka. Pagkatapos niyang sumuka at pinahiga ko ulit sabi niya sa akin "Okay na ako Meh" nakahinga na ako ng maluwang. Nagsiuwian na ang tumulong sa amin pero nagpasama ako sa pinsan niya para incase may katulong ako.

Hanggang hating gabi ako nagmonitor sa kanya, tinitingnan ang hininga niya. Labas pasok ako sa kwarto kasi nasa labas lang siya nakatulog hindi na namin siya pinalakad papunta sa kwarto. At pagdating ng 4am ng madaling araw nagising na siya at uminum ng malamig na tubig at natulog na katabi namin.

Mamaya paggising nito pagsasabihan ko talaga ito. Sana naman iyon na ang huli niya kasi hindi siya nagtanda sa una ehh. Ang kinabahala ko kasi, paano kung ikamatay na niya at hindi na kaya sa first aide ang lahat? Ang hirap hirap pa naman sa Hospital ngayon, kapag mag symptoms na kaunti sa covid iyon na agad. Kahit may ibang sakit na silang nararamdaman. Pero kagabi okay talaga na ihatid namin siya sa hospital, aayaw talaga siya kasi kaya daw niya. Pero nag-alala talaga ako sa tuwing makikita siya nahihirapan huminga, may sipon din kasi siya. But thanks to Almighty God he is finally fine. Sana naman malaking leksyon na ito sa kanya at hindi na siya uulit, kung iinum man siya hanggang tikim lang hindi na talaga iyong lasing na lasing siya.

Hanggan ngayon, kinakabahan pa rin ako sa nangyari, 2 hours lang din ang tulog ko kasi magigising ako sa kaba ko ehh. Ayaw ko na talaga maulit ito, Sana magtanda na siya.

7
$ 0.00
Sponsors of Miyuki1991
empty
empty
empty
Avatar for Miyuki1991
3 years ago

Comments

Wala talagang magandang epekto sa relasyon kapag may halong bisyo. Sarap sa feelings kapag both side nagkakaintindihan, hindi nag-aaway dahil sa bisyo.

$ 0.00
3 years ago

Relate here, atleast walang emotional abuse, sakin kasi verbal masyado kapag nalalasing, kung anu ano nasasabi kaya makakadepress. Praying mawala na sila ng gana sa alak

$ 0.00
3 years ago

Always remember po na health comes first, take care always. God bless✨

$ 0.00
3 years ago

Ang alak ay walang buti na idudulot sa kalusugan sisirain nito ang katawan pati na ang kaisipan ng isang tao. Puede ka ring ma stroke kung tataas ang blood pressure mo dahil sa sobrang inom ng alak, ang resulta nyan kung hindi ka mabalda na mamatay ang kalahati ng katawan o tuluyang mamatay dahil lang sa pag inom ng alak.

$ 0.00
3 years ago

Iyon nga angbkinabahala ko ehh, nagkasakit ako ngayon sa subrang nerbyos ko.

$ 0.00
3 years ago

Ingat ingat na lang po at lagi na lang paalahanan para huwag makalimot. God Bless ❤

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po, kasi kapag barkada na parang walang sakit ehh

$ 0.00
3 years ago

Sana tumigil na po sya sa pag-iinom lalo na at high blood din sya. Wala po talagang mabuting maibigay ang alak, marami na rin ang mga taong namatay dahil sa kakainom.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po ehh, wala din matapang na tao sa high blood kahit sino papatusin niya

$ 0.00
3 years ago

Tama, and high blood ang isa sa pinaka traydor na sakit, kahit kailan ito aatake kaya habang may buhay at alam na may high blood iwasan na lang talaga yung mga bagay at pagkain na pwedeng makapag pa high blood sa isang tao.

$ 0.00
3 years ago

Naku sana hndi na sya mag iinom,napakatraydor na sakit ang high blood,halos lahat ng side ng tatay ko jan namatay,kahit tatay ko, natulog lang un na lasing tapos hndi na nagising..kaya pag sabihan mo siya sis..lalo na ngaun mahirap magkasakit,puno ung hospital dahil sa pandemya.

$ 0.00
3 years ago

Totoo sis, iyan din ehh. Sarado ang hospital ngayon sa OPD kasi punoan na talaga hindi na tatanggap ng patient. Nakakainis ang tigas ng ulo nagkaphobia na ako sa ganito

$ 0.00
3 years ago

Sana po tigil na sya sa pagiinom masama yun... Yung jowa ko din kinaiinis ko di nagpaalam sakin umalis ng tulog na ako para makinom sa kapit bahay... Tho malapit lang pero nakakainis Yung di nagpapaalam... Tsaka kase ayoko minsan po kase kapag uminom sya Yung sagad talaga po... Mahirap sa panahon ngayon magpunta ng hospital kaya talagang dapat hinay lang

$ 0.00
3 years ago

Oo nga, puno lahat ng hospital kaya iyon din ang ayaw ko talaga iyong parang wala ng ibang araw para sa inum.. nakakainis talaga.

$ 0.00
3 years ago

Opo pwede naman uminom pero Yung kaya lang sana

$ 0.00
3 years ago

Oo nga nakakatakot kasi atakihin ehh nakaka phobia na

$ 0.00
3 years ago