Nakasakay kana ba
sa biyaheng binabaybay
Ang kahabaan ng masalimoot
nating sistema't kasaysayan?
Biyaheng punong-puno ng lason
At ang lason ay dumadaloy sa dugo ng ating kababayan.
Nilalanghap ang hangin sa alapaap
Ng lipunang may epidemyang lumalaganap.
Ito ang byahe ni Juan,
sasakay kana ba?
Pumunta sa ruta na hindi kabisa,
Mabisa raw kasi ang mga
salitang "pwede na."
Kaya lang din namang gawin
pero bat puro "mamaya na?"
Pagkatapos isisisi sa iba,
Magbabaybay at magdurusa,
"Bahala na si Batman," yan ang sabi mo di ba?
Ito ang byahe ni Juan,
Sasakay ka ba?
Panatang makabayan,
iniibig ko ang ibang bansa
Ganyan mo sabihin ang mga kataga.
Labis na pinagmamalaki ang katagang, "Pinoy Ako!"
Kung nilalason mo lang din naman sa kilos at salita.
Habang naglalakbay
Sa sistemang sanay
Kapag may nagpapakamatay,
Sa wari'y agaw atensyon.
Mabuhay ito ang bansang hindi kilala
ang salitang depresyon.
Ito ang byahe ni Juan,
Sasakay ka pa ba?
(Ipagpapatuloy............
Reference: Literary, the Bicol Universitarian/vol. XLVI (2018)
ganda ng tula makatang makata tlaga good writter.