Byahe

2 5

Nakasakay kana ba

sa biyaheng binabaybay

Ang kahabaan ng masalimoot

nating sistema't kasaysayan?

Biyaheng punong-puno ng lason

At ang lason ay dumadaloy sa dugo ng ating kababayan.

Nilalanghap ang hangin sa alapaap

Ng lipunang may epidemyang lumalaganap.

Ito ang byahe ni Juan,

sasakay kana ba?

Pumunta sa ruta na hindi kabisa,

Mabisa raw kasi ang mga

salitang "pwede na."

Kaya lang din namang gawin

pero bat puro "mamaya na?"

Pagkatapos isisisi sa iba,

Magbabaybay at magdurusa,

"Bahala na si Batman," yan ang sabi mo di ba?

Ito ang byahe ni Juan,

Sasakay ka ba?

Panatang makabayan,

iniibig ko ang ibang bansa

Ganyan mo sabihin ang mga kataga.

Labis na pinagmamalaki ang katagang, "Pinoy Ako!"

Kung nilalason mo lang din naman sa kilos at salita.

Habang naglalakbay

Sa sistemang sanay

Kapag may nagpapakamatay,

Sa wari'y agaw atensyon.

Mabuhay ito ang bansang hindi kilala

ang salitang depresyon.

Ito ang byahe ni Juan,

Sasakay ka pa ba?

(Ipagpapatuloy............

Reference: Literary, the Bicol Universitarian/vol. XLVI (2018)

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of MisterWrite
empty
empty
empty

Comments

ganda ng tula makatang makata tlaga good writter.

$ 0.00
4 years ago

Salamat Lods! 😇

$ 0.00
4 years ago

Hahaha nice tula. Aabangan ko ang kadugtong ng iyong tula kaibigan.

San ay iyong e bahagi sa comunidad na eto ang kabyak ng inyo tula. Sa uulitin or susunod na kayugto.

$ 0.00
4 years ago