Ano nga ba ang buhay?
Napakalawak ng kahulugan nito.
Bawat tao ay may kanya kanyang pananaw at pakahulugan sa salitang "Buhay".
Ang buhay ay magulo. Oo. Kasing gulo ng pagkakasulat ko dito.
Pero alam niyo kung ano ang nakakatawa?
Mas magulo,mas masaya.
"Life without thrill is boring ". Ito ang aking pinakamotto. Sa labing walong taon ng aking pamamalagi sa mundong ito, masasabi kong napakagulo talaga ng buhay. Masaya ka na sana tapos biglang dadating yung problema. Yung akala mo tapos na, may paparating pa pala. Maraming bagay na darating na di mo aasahang darating sa iyo.
Para kang nasa roller coaster. Paiikut ikutin ka. Mabahal hanggang sa pabilis ng pabilis at aabot sa puntong masusuka ka na. Pupunuin ka ng problema. Yung halos wala ka nang kakampi dito sa mundo. Pati sarili mo sinukuan ka na. Whoah. Nasan ang hustisya? Subalit na sa sayo pa rin ang nakasalalay ang kahahantungan mo. Na sa sayo ang desisyon kung susukuan mo ito o lalaban ka hanggang dulo.
Alam niyo kase, napakamapaglaro ng tadhana. Minsan panig sya sayo. Minsan naman lulunurin ka nito. Patatagpuin ka sa taong akala mo sya na yun pala di pa rin pala kayo itinadhana. O di ba ang daya?
Ang buhay ay isang laro sa pagitan mo at ng mundo. Isang laro na kung saan isusugal mo na lahat lahat. Isang laro na kung saan talagang talo ka sa umpisa pa lang. Pero di ibig sabihin na kung talo ka na sa simula eh talo ka na ng tuluyan. Na sa sayo pa ring mga kamay kung papaano mo lalaruin ang buhay. Na sa sayo ang desisyon kung magpapadala ka sa lungkot at galit at hahayaang kainin ka na ng tuluyan ng mga ilusyong ipinain sayo ng mundo. Ikaw ang pipili. Ikaw rin ang lalaro. Ang mapapayo ko lang, talo man sa simula subukan mo sa pangalawa, pangatlo, pang apat, subukan mo ng paulit ulit hanggang sa dumating yung puntong ang tadhana na mismo ang susuko sa laro ninyo. At makakasiguro ka na kapag nangyari ito, ikaw na ang panalo.