read.cash Log in
@MissPeppermint more from that month

Nagtalo pa kami niyan dahil sa cake. Hahaha! Eh ayaw niya kasi magastos na daw. Jusme! Ayaw talaga sana niya ng handaan but I insisted para naman maiba and at least may bagong memories sa birthday niya. Last year kasi, umuwi pa yung brother niya na may dalang cake and gift for him. Eh last October nadisgrasya yung brother niya. Hanggang ngayon nasasaktan pa din siya and naiiyak. Kaya kahit magtalo pa kami eh ipagpipilit ko pa din na magluto ng konting handa sa birthday niya. Kalderetang manok, bihon, lumpia tapos may nahuli kaming native na manok at nilagyan namin ng ubad ng saging at munggo. Yung ate ko nag donate naman ng seafoods. Ininvite namin ang family niya and mga friends namin. Ang laki ng smile niya dito sa picture na ‘to while we were singing the birthday song. Hahaha! Third birthday cake niya daw ito. Last year dalawa tapos this year sa akin na lang galing. Jusme! Kung alam niyo lang kung gaano ka hirap siya i-convince para magLuto for his birthday. Hahaha! Eh sabi ko once a year ka lang naman nag bi-birthday, deserve mo naman kasi buong taon ka din naman nagtatrabaho sa sagingan. Sugat-sugat na mga kamay at paa mo. Andami mo ng naitulong sa amin dito sa bahay. Part ka na naman ng family, so hayaan mo na lang kami na mabigyan ka ng konting handaan. So yun nga, masaya naman siya and I gave him a gift. Hahaha! Tabaco. Andami kong pagod sa pagluluto. It was indeed a happy birthday for my love.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.