Malayo man

0 15
Avatar for Mimosa08
2 years ago

Bakit ba pag ikaw ay nakakasama

Mundo koy bigla na lang sumasaya

Sa araw-araw ay hinahanap ka

Sa aking mga mata'y nais kang makita

Sa mundong ito na aking ginagalawan

Hindi ko alam kung may papupuntahan

Aking puso'y waring kinikiliti

Tuwing nakikita matatamis mong mga ngiti

Ang buong pagkatao'y nagagalak

Sa tuwing naririnig ko ang iyong mga halaklak

Bakit ba pag nagmahal na

Ang mundo mo dati'y tahimik lang

Biglang nag-iba, nagulantang

Gulantang na kaysarap damhin

Pagkagulantang na nais mong panatalihin

Hindi ko man mahulaan

Kung ano ang ating magiging kahihinatnan

Subalit iyong pakatatandaan

Malaking bahagi ng puso koy sayo nakalaan

Malayo man tayo ngayon sa isa't-isa

Pero huwag kag mag-alala

Balang araw ay magkakalapit din

At sa araw-araw ikaw ay yayakapin

Kung pakiramdam moy ika'y nakakalimutan

Marami lang talaga akong ginagawa

Huwag kang mag-alala hindi ako manganagaliwa

Mahirap man itong napasukan

Huwag mag-alala hindi kita susukuan

1
$ 0.00
Sponsors of Mimosa08
empty
empty
empty

Comments