Lumang bayan

1 60
Avatar for Mike305
4 years ago

Sa bagong henerasyon ng pantabangan sa nueva ecija,tila lumubog na ang kwentong bayan nasa ilalim ng malawak na katubingan umano may naka lubog ding lumang bayan?at nagpapasalin salin nito lang nakaraang linggo napatunayang totoo ng ang tubig bumaba at muling lumitaw ang dating nakatago ritong mga estruktura mula sa kanilang simbahan town marker bahagi ng entablado at isang lumang sementeryo.

Mula pantabangan lake kailangan sumakay ng bangka para marating ang lugar isa sa dating residente na sinasabi ng lumang bayan ang 80 anyos na si lolo felipe,34 anyos sya noon ng lisanin ng kanyang pamilya ang luma nilang bayan at ang alaala nito madalas nyang sariwain sa mga larawan.

Sa umangat na bahagi ng lumang bayan makikita ang krus ng kanilang dating simbahan ang st. Andrew parish na itinago noon pang 1825 isa sa dating sakristan sa simbahan na yun.Ngayoy 67 anyos na si mang theodolo lumaki na relihiyoso si mang theodolo ang kanyang ama sakristan mayor membro naman ng catholic womens noon ang kanyang ina tinuturing na pangalawang tahanan ang simbahan.

Dalawang kilometro mula sa simbahan ang kanilang kampo santo kung saan dati daw nakalibing ang kanyang kapatid,lolo at mga magulang.

Taong 1650 noong nadiskubre ng mga prayle ang bayan ng pantabangan na isa sa pinakamatandang bayan ng nueva ecija. Agrikultura ang ikinabubuhay noon hanggang ngayon pero bakit lumubog ang lumang bayan.

Ayon sa mga residente hindi ito kusang lumubog kundi sinadya,laman lang dati ng mga kwento may bayang naka lubog sa pantabangan hanggang nitong nakaraang linggo lang umangat ang bahagi ng lumang bayan.

Para sa kaalaman ng bagong henerasyon bakit lumubog ang bayan ng pantabangan? Dahil napapalibutan ng sierra madre at napapalibutan ng apat na malalaking ilog nakita ang potential noon ng bayan pantabangan para gawing pantabangan dam na magagamit oang erigasyon ng bukirin at para na gumawa ng kuryente.

Kaya noong dekada 1970 iniutos ng pamahalaan noon na palubugin ang bayan ng pantabangan.Ang relokasyon site na inilaan para sa 1600 na mga pamilyang lumikas ilang kilometro lang ang layo sa lumang bayan sa itaas ng bundok sa relocation site binigyan ang mga residente ng mga bagong bahay at kabuhayan para hindi tuluyang anurin ang kasaysayan ng kanilang lumang bayan.

Ang dating residente at konsihal na ngayon na si celestino na gumawa ng libro tungkol dito,para maisulat ang kanilang kassysayan.

Ayon sa National Irrigation administration sa kasaysayan ng pantabangan dam labinpitong beses ng nasaksihan ang pag angat ng lumang bayan mula ng itayo ito noong dekada 70s pero ang ganitong istruktura sa lumang bayan ngayon lang daw nakita,gayun paman ang pagbaba ng level sa dam hindi naman daw dapat ika bahala ngayon,samantala nito lang miyerkules ng umaga nagpamesa pa ang local na pamahalaan sa lumang bayan, para sa mga pantabangan.

Ang mayamang kasaysayan ng kanilang bayan kailan man hinding hindi malulubog sa kanilang mga alaala.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments

Same as in the story of lost atlantis? Amazingggg.

$ 0.00
4 years ago