Smile, you're on candid camera

0 8

Dec. 3 na! Bago magpasko, ilang kembot pa simbang gabi na. Unti untiin natin yung mga dadaan na ganap bago magpasko, bago matapos ang taon. Pero eto muna tayo, magbblog para bumalik si @TheRandomRewarder hahahha char!

This is just a super random post, while gising si baby and I am doing my laundry. Standing typing muna tayo sabi nila maganda daw to sa katawan, hindi kelangan lagi nakaupo.

Let's go to the topic na!

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Some of you may remember this line sa isang palabas sa TV. (If hindi familiar sayo, either you're born in 2000s or hindi lang talaga familiar sayo). If I am not mistaken, 'Smile! You're on candid camera!' na line is from one candid US TV show. Wait let me search to be sure.

OKAY! Tama pa din ang memory ko, though masyado pa kong bata noon and naging laro laro lang namin ng mga ate ko yung line na yun. It was a reality practical joke show in the US, parang WOW Mali ganern.

Anyway, I just remembered while I browsed my Fb Albums ulit the other day. I also checked my profile pictures since I created my FB account in 2009. Wala akong matinong picture!! Kung hindi candid shots na kinuhaan ng kung sino man eh puro kalokohan shots meron ako. hahhaha!

Well, yun nga ang sabi. Smile you're on candid camera, but I don't know how to smile on camera. Hindi ko talaga alam kung pano ako magmumukang maganda sa picture sa video. So one day sinukuan ko na, wag natin ipilit kung di talaga tayo maganda. So I always pose as weird or as silly as I can.

Let me share you some pictures and tell you something about it. By the way, that's the beauty of pictures. It captures specific time and memory and when you look at it, it brings back to that moment, kahit happy or sad.

check it out!

This was taken sa Bicol. Nagpupunta kami doon every year for Holy Week and noong bata pa kami wala pang poso dun. Nagiigib kami sa balon na may malamig na malamig na tubig.

Picture ko noong working student pako. Nagttraining kami and during lunch break nagkulitan muna kami ng mga kawork ko.

I made this as a profile picture sa FB. My buddies and I went out on a dinner date na biglaan sa Cubao dun banda sa may banchetto area sa Gateway. Tawang tawa kasi kami sa filter na to nung time na yun.

This is me during my sister's wedding in Feb 2020. Pagkatapos ng mga pang photoalbum na pose syempre wacky naman! I remember na my titas and titos notice me kapag mga wacky pose na.

Deadshot. Hahahaha, actually pasimuno nito yung ate ko din. Sa office nila madami syang deadshots sa refrigerator ng office nila hahha. So nung nasa Bicol kami ng around 2010 siguro to, I sabi ko padeadshot naman sa hagdan. hahahha

Ayan di na lagi wacky, isa to sa mga maayos na picture ko. Layo-genic at talikod-genic kasi ako hahahha tignan nyo.

DIBA!!! Dalawa pa likod ko noon, kaya lagi silang nacoconfuse. Minsan bastos pa daw ako kasi kinakausap nila ko tapos tinatalikuran ko sila HAHAHAHA!

Nagenjoy ba kayo sa post ko na to?

Namiss ko lang yung magaaan kong katawan. Hindi yung payat kong katawan ha. Di lang talaga ako sanay na mabigat na katawan kasi sa gaan ko noon maliksi, malikot at maharot ako.

Pinangarap ko dn magkaroon ng malaking dibdib noon pero ngayong medyo nagkaroon na, naiinis ako. Tatakbo lng ako may aalog pa, lalo na sa tricyle. MASAKIT.

Pero kahit anong porma, hubog, itsura, laki, or liit, it doesn't mean na pangit. Lahat ng bagay may kanya kanyang ganda, depende kung pano mo na lang titignan. Basta lagi dapat masaya, kasi nga....

SMILE YOU'RE ON CANDID CAMERA!

Lead image and pictures posted are mine.

2
$ 0.80
$ 0.80 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments