Life Full of 'What Ifs' - Day 11

24 77

07.03.22

I know that this topic would be very lovely to read in English. Pero syempre I hindi ko hahayaan na lumipas ang isang linggo na di ako nakakapagpost ng Tagalog.

Iilang rason lang naman kung bakit feeling ko kelangan ko magpost ng Tagalog.

  • Mas madaling magisip, hindi mo na kelangan magproofread (na hindi ko naman talaga ginagawa)

  • Mas mabilis makatapos ng article, time savvy ba ganun.

  • Mas madaling maishare yung feelings or ideas mo sa isang topic.

  • Wala naman ako masyadong foreign subscribers, at konti lang naman sila for now.

  • Nakakarefresh ng utak, at sa mga araw na pagod, antok at hirap na ang utak ko, mas madaling magtagalog.

LELS!

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Di ko nakakalimutang pasalamatan ang mga sponsors ko. Love ko kayo!

Anyway, I am already on my 11th day (ay putek english) ng 30-day writing challenge. Di ko talaga sya kayang araw-arawin, nakakadrain hahaha.

Pero let me share a little bit of my 'WHAT IFs' in life or in my current situation. I know na some of you may relate or may experience yung better version. As promised on my goal for this month, I'll try to write about something na would bring happiness pa din sa ibang tao. *Mejo mahirap kung What ifs ang topic noh?* Susubukan pa din natin. Ito ang challenge satin ngayon.

Ay eto na lang, lagyan natin ng konting eklat. What Ifs sa past and What if na pwedeng mangyari in the future? Bet? G! Tara

What IFs na nakalipas na....

What if.....

  • Naging lalaki ako?

    - if naging lalaki ako, baka isa akong playboy. Char! De joke lang. Baka lang mas close kami ng tatay ko and baka ako ang favorite charot! Pero seryoso kung naging lalaki ako, baka mas maagaan buhay ko kasi hindi ako makakaranas ng dymenorrhea buwan buwan at hindi ako mahhirapan umihi kung san saan.

  • Hindi ako nakapagtapos ng pagaaral?

    - Realtalk? Baka wala na ako sa mundo or baka napariwara na ako.

  • Hindi ako bumalik sa amin nung naglayas ako?

    - yes mga friends, nakapaglayas ako noon pero syempre dahil sa mga kapatid ko bumalik ako. Kung di ako bumalik, baka mas tahimik ang buhay ko ngayon or baka mas naghihirap ako.

  • Jumowa ako ng babae?

    - Nabanggit ko minsan sa ibang posts ko din na lagi akong pinagkakamalang tibo o bi, siguro sa likot ko, pormahan ko, at wala akong arte gaano sa katawan. Ang mga bespren ko since highschool eh LGBTQ+++++, ako lang ang straight sa amin at sumagi talaga sa isip ko isang beses na itry ko jumowa ng kauri ko. Di ko kaya, loyal talaga ako sa hakdog. Pero kung kinaya ko bka siguro maging bi lang ako para seasonal char!

  • Hindi muna ako nag-asawa?

    - Isasagot ko sana, 'baka pinasok ko na ang online business at may pera nako ngayon', pero wala pala akong puhunan HHAHAHAHA. If hindi muna ako nagasawa, baka lunod ako sa trabaho, sa bisyo, sa alak, sa pagdadalamhati sa gulo ng feelings ko o baka nagpapakagood time ako sa kama ng ibang tao. Char!

What if in the future....

  • Manalo ako sa lotto?

Edi sagot na lahat ng problema namin financially. Pproblemahin na lang namin pano palalaguin yung napanalunan ko dibaaa.

  • Magkaroon kami ng business?

Magiging busy ako nun at nakakatakot ako maapektuhan ang oras ko sa anak namin. Pero kung malaki naman na si bb namin, mas makakatulong pa dn syempre ang magkabusiness para sa future nya. Ang tanong lang is kung anong magandang gawing business na kaya kong imanage. Hm....

  • Magkaroon kami ng kambal na anak?

Di ko alam bakit ko pinangarap talaga to. Sabi ko noon, gusto ko kambal para isahang hirap nalang pag nanganak, pero mas mahirap kapag kambal ang lumabaaaaaaas. Isa pa nga lang mahirap na, pano kung dalawa pa. Baka mabaliw na talaga ako nun.

  • Maging kapitbahay ko mga kaibigan ko?

Isa to sa mga pangarap naming magkakaibigan. Kahit alam naming impossible, gusto namin na naghihingian kami ng ulam kung magiging magkapitbahay man kami.

  • Mawala na lang ako bigla?

Wag naman sana. Parang noon mas gusto ko mawala bigla para walang hirap, pero nung naging nanay nako syempre bawat araw, oras, minuto, segundo gusto mo lubusin makita at makasama mo lang pamilya mo.

Ikaw, anong mga kwentong What Ifs mo?

Lead image edited from Canva

8
$ 1.19
$ 1.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @keeneek
$ 0.02 from @Lhes
+ 4
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Ako sis madami din akong what if. Pero ang pinaka what if ko talaga ay yung. What if hindi ako nakunan? Ano kaya daloy ng buhay ko ngayon? Same ba na ganito o iba. Parang ganun. 😊

$ 0.01
2 years ago

I am sorry to hear that sis. Sorry din kasi di ko alam bakit marked as spam yung comment mo. Pero syempre if hindi nangyari yun, iba talaga ang buhay mo ngayon. Kahit masakit at mahirap, minsan talaga marerealize mo na the glass is half full. Sister ko din nakunan last year and iniisip n alang namin na baka di pa talaga kaya ni baby, if kayanin man nya hanggang makalabas sya sa mundo baka mas mahirapan sya sa complications or baka may ibang condition sya na di nya din kakayanin. 🤗🤗🤗

$ 0.00
2 years ago

Ganda ng mga tanungan sis. hehe. Pahiram po. Actually, kung naging lalaki ako, siguro nagseaman ako o kaya engineer. Hmm, dun naman sa kung magkakajowa ako ng girl, parang malabo hehe. Pero yung BFF ko secretly she likes me pala kaya naging awkward. Pero ngayong ok naman na kami.

$ 0.01
2 years ago

Go lang sis! Di dn pala kaya ng mind and body mo. Ako sis gusto ko talaga nun, halos magtry nako and yung bespren ko naman nagpapakilala sa bi-circle niya kaso walabg spark talaga.

$ 0.00
2 years ago

Mas maganda magsulat ng tagalog.. Unti lang kailangan mo na idea pero mahaba ang sentence.. Hahaha

$ 0.01
2 years ago

Actually ngayon ko lang dn naisip yan. Andami mo dn kasi pwede masabi kasi free flow na dn ang ideas sa maliit na idea pa lang. 😁😁

$ 0.00
2 years ago

Ako sis nahinirapan magsulat ng tagalog😂 Parang ang haba kasi sabihin😂😂.

Kung ako lalaki? Baka pasaway ako, kasi mga kapatid ko lalaki pasaway eh😆

$ 0.01
2 years ago

Ay hahaha oo true yan. Minsan mas maiksi kapag english.

Kung lalaki ka baka ikaw pa ang pasimuno ng kalokohan chars 🤣🤣

$ 0.00
2 years ago

Marami din akong what ifs sa buhay ate. Isa na doon yung what if nagkajowa ako ng girl? Haha. I used to feel attracted to someone in my gender, pero isang babae lang naman. Astig kasi siya, tapos na-curious ako kung bi ba ako or what.

$ 0.01
2 years ago

Minsan talaga kasi nasa appeal talaga ng tao, mas maappeal pa nga dn sakin minsan ang mga babae o baka gusto ko lang dn maging ganun hahahhaa. Pero if relationship and s3ggsual ang paguusapan, sa hakdog pa dn talaga ako hahaha

$ 0.00
2 years ago

I was amused reading this article talagang napapa "if I were a boy" din ako haha, ang laking problema din talaga ng monthly period magastos na masait pa haha.

$ 0.01
2 years ago

Dibaaaaaa. Nung nabuntis at nanganak ako, sarap ng walang period for 1 yr hahahahaha. Walang sumasakit, walang gastos. Pero sis sabi nila maganda ang menstrual cup

$ 0.01
2 years ago

Parang nakakatakot naman po yung gamitin haha pero nababasa ko rin po sa mga reviews nila sa mga social media and nakakatipid din dun e

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda kapag kambal dahil isahan lang ang pagbabantay yun nga lang hindi madala manganak. Ayaw kong maging kapitbahay ang mga friends ko narealize ko nung naging roommates kami ng college na better off kami pag hindi minu minuto nagkikita

$ 0.01
2 years ago

Kelangan talaga ng extra assistance kapag kambaaaaaal para di nakakaloka magalaga. Yung mga best friends ko naman kasi, tumira na dn ako doon nung naglayas ako. Tska tuwing magkikita kami halos di na namin namamalayan ang oras. Magkakaibang brgy lang naman kami dito pero kapag kunyari may luto yung isa magpapadala pa.

$ 0.00
2 years ago

Mahirap nga pag kambal sis, hindi lang sa pagluwal, pati na din sa pag alaga nila pag baby pa. Sa akin noon, kapag May lakad ako, bitbit ko yung dalawa.. what if manalo sa lotto? Ang saya pag nangyari yun, solve na ang bayarin, hehehe.

$ 0.01
2 years ago

Nasa lahi nyo ba ang kambal sis? Susubukan ko nga patayain sa lotto asawa ko, lagi nabubunot yun sa raffle eh

$ 0.00
2 years ago

Sa partner ko sis. May lahi sila, girl and boy din yung kambal sa antie niya.. Try niyo sis, baka sakaling swertehin

$ 0.00
2 years ago

Nako juskoooo parang ayaw ko, mayayari yung likod ko. Baka mas delikado. Hhuehue

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, mahirap nga talaga pag babies pa sis lalo na pag kinakarga. Sasakit talaga likod mo pero pag malaki na, nakakatuwa silang tingnan, hehehe

$ 0.00
2 years ago

Ako din sis mas gusto ko sana mag tagalog minsan sa article ko kasi nakakpagod sa utak kaso sa isip ko baka lalong mag absent si rusty sa akin dahil di nya ako maintindihan😅

$ 0.01
2 years ago

Ay sis, hindi naman ganun si rr. Wag ka magalala kahit taglish pa article mo mabibisita nya pa dn yaaaaan

$ 0.00
2 years ago

Dami talagang what ifs sa buhay. Yan talaga nagpapaoverthink saatin eh. Pero natry ko once na makipagjowa ng babae, try lang pero di nagclick. and isa kong best friend, Lesbian. Then ibang close friends ko mga LGBTQIA+ rin.

$ 0.01
2 years ago

Naging bi-curious lang hahaha baka sakaling yun ang kapalaran pero hindi pala. Nhahahah

$ 0.00
2 years ago