Funny pregnancy cravings - CongTV

0 35

Date: 01-09-22

Pregnancy, one stage of a women's life that can be weird in so many ways. I am calling out moms or pregnant women who got a chance to pass through this article to share your experience about cravings when you were pregnant.

Flakes ko muna nag mga sponsors kooooooo, thanks so much!

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Intro lang yung English HAHAHAAHHHHAA!

So ayun na nga, gusto ko lang sana makabasa or makarinig ng mga pregnancy craving stories kasi napanuod ko yung vlog ni CongTV. Buntis na kasi ulit ang jowa nyang si Viy Cortez at naglilihi. Natawa ako nung napanuod ko yung clip na pinapahanap nyang pagkain kay Cong.

Pero bago yan, share ko lang din sa inyo na boring yung cravings ko nung buntis ako. Siguro dahil nakisama na din si Lil B habang nasa tyan ko pa sya. Nasa province ang asawa ko nun and nagwwork pa ang tatay ko kaya madalas wala siya sa bahay. Kasama ko naman ang nanay at bunso naming kapatid kaso hindi nila alam kung saan bibili kung sakaling maghanap ako ng kung anong pagkain.

2 pagkain lang naman ang pinaglihian ko. Una, mais any form of mais or kahit yung white. Dahil wala akong tagabili kapag hapon at buti na lang may naglalako na ng binatog nun. Kaso nung una, naiinis ako kasi di naririnig o nahahabol ng nanay ko yung magbibinatog kaya naiinis na lang ako ng palihim. Pero buti na lang naabutan namin sya at kapag bumibili kami sinasabihan ng nanay ko na daan sya tuwing hapon kasi naglilihi ako sa mais. Pero di naman din masyado nagtagal yun, mga ilang linggo or buwan lang.

Sumunod naman yung strawberry. Di ko alam kasi kahit pandemic at buntis ako, ako dn ang naggrocery kaya pag may nakita akong gusto ko nasasama ko agad sa bili. Madalas walang strawberry sa grocery kaya sad ako minsan. I remember one time, lumuwas yung jowa ng friend ko na taga baguio. Nagpaparanig nako nun na kapag lumuwas sya, strawberry naman hahaha. Tapos malamanlaman ko lumuwas na pala sya, tinanong ko kung may strawberry sya uwi... sad pero wala huhu. Ts nagusap kami ng bespren ko one time, sabi ko lagi ako naghahanap ng strawberry kasi wala na sa Puregold. Saka nya lang na realize na naglilihi ako sa strawberry at nagsorry pa sya hahahhaa.

Ayun lang, boring noh hAHHAHAA.

Going back..

Natawa kasi ako sa pinaglilihian ni Viy Cortez. Eto konting screenshot.

Eto paaaaa....

Teka there's more...

meron paaaa, type ko na lang.

Macaroni salad na gawa ng nanay ng kapitbahay na itinago sa bisita.

Ewan ko, tawang tawa ako jan. Tapos may nabasa pa ko na comment na nung naglilihi daw si ate gorl, gusto nya ng pagkain na kinagatan ng katrabaho nya. Ts tuwing uuwi sya from work, papakagatan nya daw muna yung ibang biskwit or pagkain nya sa kawork nya para may baon sya pauwi HAHAHHAHAHAHA!

NAKAKAKALOKAAAAAA! HAHAHAHHAA

Di ko alam pero tawang tawa pa din ako.

Parang nainggit ako, sana may mga funny cravings din ako noon. Pero malay mo sa susunod na pregnancy ko meron na HAHAHAHHAHA.

SHARE NYO NAMAN YUNG SA INYO MGA MAMSHIII!!! Nagoodvibes lang talaga ako. hihi.

3
$ 0.53
$ 0.53 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments