December, last month sa Ber months and last month of the year. We are just not waiting for Christmas but we are also waiting to start another year. Who's excited for 2022? Honestly, I didn't get excited for 2021 due to the pandemic but everyone is looking forward for a new beginning every after year.
Tagalog/taglish blogging muna tayo. Di ako nakapagpost for a couple of days, mejo nagbawi tayo ng sleep. I am trying to make up for some days that I wasn't able to finish or post an article. So eto tayo ngayon maghahabol chaaaaar!
Bukos sa Christmas shopping ano pa ba pwedeng gawin ngayong December?
Tutal nauuso ngayon yung mga planners every end of the year at nabanggit ng ate ko ang planners, yun muna tayo hahaha.
Sa mga coffee and Starbucks lovers jan, andito yung mga stickers to collect para sa planners. I wasn't a fan of SB because I find it luxurious. (Hey! There's nothing wrong with that, it's your money so do what you want hihi) Aside from the reason that I don't drink coffee (kasi nagpapalpitate ako) I just don't like hanging out in places or coffee shops. Pero ayun na nga going back to the topic, yearly madaming nagaantay ng planners. Naalala ko yung joke ng mga kapatid ko, feeling daw nila kelangan nila magplanner para maplano nila ang buhay nila. *Not exact words but same thought* HAHHAHA. Pero who knows kung ano talaga mangyayari.
Bukod sa Starbucks planner, a few years ago nakita ng kapatid ko yung planner ng Mercury drug. Maganda daw nung nakita nya kaso wala syang Mercury Suki card. So a year after that, tinitignan nya din yung planner ng Mercury Drug. By the way, di naman sya collector ng planner at di naman sya mahilig din magSB gusto nya lang siguro yung mga magagandang designs ng planner at isa dun yung planner ng mercury drug.
Let me search ang itsura ng planners ng SB and Mercury Drug to compare. :)
Uy in fair, may yellow hihi. My favorite color. hahahha pero wala din naman ako ilalagay sa planners so I just find it cute. :)
Sa mga mahilig magkape jan at kukuha ng planner ng SB, ako ang kinakabahan para sa kanila hahahhaha. charot! Dahan dahan sa pagkakape mga mars!!! Pero may nakita ako one time na binigay yung sticker sa kasunod na nagiipon, minsan yung cashier na mismo nagtatanong if gusto ibigay sa kasunod. Nakakatuwa lang din hihi pasko feels ganun. :)
Uy! Cutie nga! Pinaguusapan namin kanina if pwede bilin yung sa mercury drug, pero mukang suki points lang sya pwede maclaim. I'm not sure ha, pero may nakita akong mga shopee stores na nagbebenta. If may suki card ka ng mercury drug store, you can claim it for 40pts according sa website nila.
Ikaw? Handa ka na bang iplano ang 2022 mo?
Ako hindi, pero handa akong itake ang mga challenges. :)
Lead image from unsplash
Pictures posted grabbed from Google.
Nagcocollect din ako ng stickers ng SB nuon hehe. Ngayon tipid muna ako, but you are right nothing's wrong if you really like something. :) Sana masaya pasko natin sis hehe!