Pepsi Paloma Case (Tagalog)

0 32
Avatar for Michii
Written by
3 years ago
Topics: Case, Filipino, Stories

Isa ang kaso na ito sa pinaka naging kontrobersyal noong 80's na hanggang ngayon ay nananatili parin na kwestyunable dahil sa mga butas ng kaso na ito.

Delia Dueña Smith o kilala sa pangalang Pepsi Paloma, isang filipino-american dancer or mananayaw, isa ring kilalang aktres noong 80's. Isa sya sa miyembro ng sikat na Softdrink Beauties na ipinakilala sa masa noong 1980's. Ipinanganak siya noong March 11,1966 at namatay noong May 31, 1985 sa kadahilanan ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti.

Tara't ikekwento ko sa iyo ang mga pangyayari bago siya natagpuang patay.

Sa edad na 14 anyos, si Pepsi Paloma ay lumalabas na sa mga pelikula, karamihan sa kanyang mga proyekto ay mga daring o seksi hanggang sa naging miyembro siya ng tinatawag noong Softdrink Beauties noong 1980's na kinabibilangan din ng dalawang teen stars noon na sina Sarsi Emmanuelle at Coca Nicolas. 

Noong 1982, napabilang si Pepsi sa isang comedy show na kung saan makakasama nya ang mga kilalang komedyante noon na sina Vic Sotto, Joey De Leon at Ricardo Reyes.

Matapos umano ang taping nila, kasama ni Pepsi ang isang aktres na si Guada Guarin nang di umanoy pinatikim sila ng mga ito ng droga sa isang bar noon at pagkatapos ay dinala sila sa isang silid sa Sulo Hotel na matatagpuan sa Quezon City. At doon na nangyari mga alegasyon sa tatlong komedyante sa panghahalay umano sa aktres.

Matapos umano ang pangyayaring ito, ipinaalam ni Pepsi ang malagim na nangyari sa kanya sa kanyang ina, Inireport ito ng kanyang ina sa pulisya na sya namang pagsabog ng isyu na ito sa masa at naging laman ng headlines.

Nanghingi ng tulong umano noon si Pepsi sa Defense Secretary na si Juan Ponce Enrile na sya namang nirekomenda nito kay Rene Cayetano upang ipagpatuloy ang kaso laban sa tatlo. Ngunit sa parehong taon inaya umano ni Vic Sotto o ni Tito Sotto na makipag usap ng pribado kay Pepsi upang maayos umano ang problema na sya namang pinaunlakan ni Pepsi. Ngunit nang makarating sila sa lugar tinutukan umano sya ng baril ni Tito Sotto para pirmahan ang isang sulat na magpapawalang sala sa tatlo, dahil sa ayaw umano itong pirmahan ni Pepsi ang kanyang ina nalang ang pumirma rito sa takot na may mangyaring masama sa kanila.

Habang inilalakad noon ang kaso itinatanggi lamang ito ng tatlong naaakusahan at sinabing "gimik" lamang ang mga ito.

Ito ang ilan sa pahayag nila,

"The story looked sensational, no wonder the press picked it up". - Tito Sotto.

Dagdag naman ni Joey De Leon,"The press should stop writing about the story...".

Matapos ang ilang buwan naglabas ng Public Apology ang tatlo.

"We... ask you to find in your heart to pardon us for the wrong which we have done against you".

Noong May 1985, natangpuang patay si Pepsi Paloma sa kanyang silid sa apartment na kanyang tinutuluyan. Labing siyam na taon lamang sya nang mapagdesisyunan nyang ibigti ang kanyang sarili sa loob ng kanyang kabinet.

Ngunit nakita ng mga pulisya na maaaring mayroon itong foul play, dahil sa mga nakitang sulat umano ng aktres bago ito magpatiwakal. Ang diary umano nyang naglalaman ng kanyang relasyon sa kanyang ina at kasintahan ngunit hindi ito kinikilalang buo na kung sa kanyang sulat kamay ang mga ito.

Kinikilala ng mga pulisya na isa ang rape case umano ni Pepsi sa dahilan ng pagpapatiwakal nito.

"This is a crazy planets". -Pepsi Paloma

Ang mga nabasa nyo ang pinagtagpi tagpi ko lamang sa mga artikulo ring mga nabasa ko. At hindi mairerekunsiderang 100% na katotohanan.

1
$ 0.00
Sponsors of Michii
empty
empty
empty
Avatar for Michii
Written by
3 years ago
Topics: Case, Filipino, Stories

Comments