Palabok

2 25

PANCIT PALABOK

Mga Sangkap:

1 kilo Bihon na pang-palabok

1/2 kilo Pork Giniling

10 slices Loaf Bread (himayin o hiwain ng maliliit at ibabad sa tubig))

1/2 cup Cornstarch

300 grams Tinapa (himayin at alisin ang tinik)

1 pack Chicharon Baboy (durugin)

4 pcs. Knorr Shrimp Cubes

10 pcs. Hard Boiled Eggs

1/2 cup Achuete Oil

1/2 cup Chopped Kinchay

2 heads Minced Garlic

2 pcs. Large Onion (chopped)

1/2 cup Cooking Oil

1 tsp. ground Black Pepper

Patis to taste

Salt to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Ibabad ang bihon sa tubig bago ilubog sa kumukulong tubig.

2. Sa isang kawali i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa matusta ng bahagya.

3. Sa isang talyasi o malaking kawali, I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa pumula. Hanguin sqa isang lalagyan.

4. Isunod na ang sibuyas para magisa. Ilagay na din ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.

5. Ilagay na ang kalhati ng tinustang tinapa at kalhati ng dinurog na pork chicharon. Ilagay na din ang binabad sa tubig na hinimay na loaf bread, shrimp cubes at achuete oil. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch. Timplaha na din ng patis. Halu-haluin.

6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

7. Magpakulo ng tubig sa isang kaserola at kapag kumulo na, ilagay na ang binabad na bihon o rice noodles. Hayaang maluto at saka i-drain.

8. Ihalo ang nilutong rice noodles sa ginawang palabok sauce. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.

9. Hanguin sa isang bilao na may dahon ng saging o sa isang lalagyan.

10. Ibudbod sa ibabaw ang natira pang tinapa at chicharong baboy. Ilagay din ang hiniwang nilagang itlog, chopped na kinchay at ang piniritong bawang.

hope you Like it 😊

1
$ 0.00

Comments

Wonderful

$ 0.00
User's avatar Win
4 years ago

Thanks po sa pagshare ng recipe.

$ 0.00
4 years ago