Pancit Canton in a Cup

0 12

My midnight snack for today!

Lahat naman ng pinoy alam ang pagkain na to dahil bukod sa masarap ay madali pa lutuin kaya naman ito ang naisipan kong kainin sa ngayon dahil nagutom din ako sa mga oras na ito. Actually, this is my all time favorite at hindi talaga ako nagsasawa dito, hindi mawawala sa isang linggo na hindi ako makakain nito. Hindi lang din dahil pampalipas gutom pero dahil nagcracrave din talaga ako dito kaya naman nagstock na ako para hindi na bumili pa sa tindahan at good news dahil meron na din silang pancit canton sa cup na kung saan ay mas madali na kainin dahil lagyan mo lang ng mainit na tubig at pag lumambot na ang noodles ay pwede na lagyan ng seasoning then ready to eat. Mabibili siya sa mga grocery kasi sa ibang tindahan hindi sila nagbebenta nyan siguro dahil mas mahal ng konti. Pwedeng-pwede talaga to sa mga nagwowork na laging nagmamadali umalis at pwede ding baunin kahit saan na hindi na kailangang iluto pa. Kaya kung bet nyo, try nyo na din😉

1
$ 0.00

Comments

Salamat sa pag publish sa akin community

$ 0.00
User's avatar Nap
3 years ago

Welcome po☺

$ 0.00
3 years ago