Lucky Me Pancit Canton Soy Sauce

3 20
Avatar for Mhean
Written by
3 years ago

Sino-sino ba dito yung nakanood ng video ng pansit canton soy sauce na nagtrending yung merong bubog daw sa loob ng toyo. Well, sabihin ko po sa inyo ang totoo. Yung video po na yun ay naishare ko din sa aking mga friend at kamag-anak dahil sa pag-aakalang totoo nga yung nasa video pero nung naipasa ko siya sa pinsan ko, ang sabi ng pinsan ko ay asin daw yung parang bubog sa toyo ng pancit canton kaya ang ginawa ko tiningnan ko yung plastic na pinaglalagyan ng toyo at nakalagay pala dun na minsan ay nagbubuo-buo pala talaga ang toyo dahil meron siya asin dulot ng paiba-ibang panahon. Muntik na sana ako hindi kumain ng pansit canton dahil sa napanood ko na video pero buti at sinabi ng pinsan ko na asin lang pala yun kaya wag magpapaniwala agad-agad sa pinapakita sa video, basahin muna ang nakasulat sa pagkain bago manghusga. Sana malaman din nung mga nagvideo na mali pala ang pagkaintindi nila dito. Mahilig pa naman ako kumain ng pansit canton dahil bukod sa madali lutuin ay masarap ang lasa na hahanap-hanapin mo pero wag din lagi kumain nito dahil masama din naman sa kalusugan kung dadalasan mo.

3
$ 0.00

Comments

Tama po kayo lalo na iyong original flavor..

$ 0.00
3 years ago

Nakaranas na ba kayo na magbuo-buo yung toyo nya?

$ 0.00
3 years ago

Hindi pa ata...

$ 0.00
3 years ago