Gastos sa Covid-19

0 12
Avatar for Mhean
Written by
4 years ago

Aminado ako nung una na hindi ako basta naniwala na malaki ang magagastos sa covid-19 pero ganun pa man, ako naman ay nag-iingat para sa sarili ko. Hanggang sa nitong nakaraang araw ay mayroon ulit nagkaroon ng covid sa aming barangay at dinala ito sa private hospital. May nagkwento sa mother ko na umabot na sa pagbebenta ng lupa ang kaanak ng pasyente ng covid-19 at nakonpirmang totoo talaga ito dahil kaibigan pala ng mother ko ang bumili nito. Napaisip lang ako na paano kung walang lupa o ari-arian ang tamaan nito? Mas lalo siguro mahihirapan kaya huwag na nating antayin na sa atin ito mangyari dahil hindi lang pagkapahiya, mahirap na karamdaman na maaari pa nating ikamatay at pagkakaroon ng malaking gastos sa pagpapagamot nito bagkus ay magdoble ingat na lang tayo at maging maarte sa panahon ngayon dahil hindi ito biro. Isa isangtabi muna natin ang kagustuhang gumala at magkaroon ng kumpulan sa panahon ngayon. Kung kinakailangan namang lumabas dahil sa trabaho ay magdoble ingat din sa nakakasama sa trabaho dahil marami ngayon na sa katrabaho nahahawa. Huwag kalimutan ang mga paalala sa atin upang hindi tayo makadagdag pa sa bilang ng kaso ng covid-19. Manalangin din tayo sa Diyos at humingi ng kapatawaran kung tayo man ay may pagkakasala o nakakalimot na sa kanya. Hilingin natin na sana ay matapos na ito upang makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay.

1
$ 0.00

Comments