Dati-rati madalas ako kumain ng fishball dahil madalas ako sa bayan ngunit nung nagkaroon ng pandemic bihira ko na ito makain dahil hindi na ako makapunta lagi sa bayan . Sa aming barangay ay walang nagtitinda nito kaya nakakamiss talaga ang pagkain nito. Sino nga ba naman ang hindi makakakain nito eh isa ito sa pangmasang pagkain ng pinoy dahil mura na, masarap pa, sa halagang sampung piso ay mabubusog ka na, lagyan mo pa ng sauce at kaunting suka na may sili ay talagang solve ka na. Tunay nga talagang hahanap-hanapin mo ang pagkain ng fishball. Mapabata man o matanda ay kumakain nito, isa sa street food ng pilipinas.
Pero bakit nga kaya sa tagal ng panahon ay 50 cents parin ang presyo ng fishball? Kahit dumaan ang panahon ay nananatiling mura parin ang fishball, siguro ito na lang ang hindi nagmamahal na pagkain sa ngayon. Sana ay hindi din magbago ang presyo nito para abot kaya ng lahat dahil isa din ito sa abot kayang presyong pangmeryenda ng mga tao. Isa din ito sa paborito ko, siguro ay bibili na lang ako sa palengke para iluto ko na lang dahil nagcracrave talaga ako dito,gagawa na lang ako ng masarap na suka na may sili😋😋😋
Masarap yan kung paminsan minsan lang kakainin..hehehe😁😁tsaka yan talaga ang pagkain na budgwt friendly..