Sino ba ang hindi pa nakakakain sa atin ng siling berde na nilagyan ng palaman sa loob na kung tawagin ay dynamite? Marahil halos lahat sa ating mga pinoy ay nakakain na nito. Ngunit ang iba naman ay ayaw nito dahil sa taglay niyang anghang. Pero ako,paborito ko talaga ito kahit pa maanghang, masarap siya lalo at isawsaw sa sauce. Pwede namang mabawasan ang anghang kung ito ay ibababad sa tubig na may sin. Kanina lang ay nakakain ako nito dahil mayroon kaming kapitbahay na nagbebenta. Mukang ok din ang tubo nya dahil sa halagang sampung piso bawat isa. Ok din pala talaga siya ibenta ngayon habang mayroong pandemic,pwede din siyang ibenta online. Nakagawa na ako nito dati at simple lang naman ang mga gagawin, hiwain ang sili sa gitna at alisin ang mga buto pagkatapos ay ibabad sa tubig na may asin, sa palaman naman, pwede din ang giniling na baboy at igigisa mo lang o kaya ay ham na may cheese, nasayo naman kung ano ang iyong ipapalaman tsaka mo lalagyan ng pambalot ng lumpia.
0
77
Written by
Mhean
Mhean
4 years ago
Hindi naman po kasi lahat ng tao ay mahilig sa maanghang. Dahil hindi lang talaga nila tangap ng kanilang sikmura or dila