Hello I am Merry Joy. 21years old and i am a mother of 5months old baby girl and her name is chloe nicole.
Nakatira ako sa poder ng lola ko sa mother side since elementary ako. Ngayong may anak na ako nasa poder pa rin nya ako.
Sa hinaba haba ng panahong un marami akong masasamang karanasan mula sa kanya. Sinulat ko to ndi para siraan sya! Sinulat ko to kasi sobrang bigat na at mas bibigat pa kapag ndi ko nailabas at alam ko dito ko lang mailalabas to with out judging by others.
Lahat ng mura nasabi na sa akin. Kunting mali may mura na agad na kasunod. Kapag pinakuha ka nya ng isang bagay at ndi mo nakita sisigawan kana agad at may kasama pang "bobo" " tanga" at marami pang ndi magagandang salita. Sinisiraan din ako sa ibang tao kahit ndi totoo maging bida lang sya!
Ngayong may baby na ako lagi nyang sinasabi sakin "WALA AKONG KWENTANG INA" " HINDI KO BAGAY MAGKAROON NG PAMILYA/ANAK" " WALA AKONG MALASAKIT SA ANAK KO" "AKO RAW ANG PAPATAY SA ANAK KO" "BINIBIGYAN KO NG SAKIT ANG ANAK KO"! Lahat yan araw araw naririnig ko.
May halak ang baby ko dahil nga kasalanan daw namin kasi nageelectric fan kami. Kapag dumarating asawa ko after pagalis magsasabi na naman sya ng pagnandito asawa mo lagi nalang nagkakasakit yang anak mo blahblahblah. Hindi sya matigil!
Kahapon pinacheck up ko baby ko para matahimik na sya. Okay naman result kasi normal lang ang halak sa baby, binigyan sya ng gamot at vitamins. Pagdating namin kwento na naman sya sa iba kahit nakaharap ako na kesyo pabaya akong ina etch.
Lahat ng mga naririnig ko mula sa kanya iniinda ko para sa anak ko pero sagad na sagad na rin ako. Day by day parang palala ng palala na kundi lang sa anak ko baka nakagawa na ako ng ndi maganda pero pag nagpatuloy baka magawa ko na nga.
Ung depression ko bumabalik dahil sa lahat ng un. Tumatatak eh! Kahit anong gawin kong limot talagang nasa isip ko na!
Humuhugot nalang ako ng lakas ng loob sa anak ko pero ang totoo nauupos na ako.
HINDI PO AKO NANINIRA! GUSTO KO LANG MAGLABAS NG SAMA NG LOOB. DONT JUDGE ME 😪
❗Jhoy❗
Grabe nman.. Nakakalungkot din minsan kapag ganyan. Nawawalan ka ng gana...