Akala ng iba biro lang. Akala ng iba kadramahan lang pero di nila alam kami'y nasasaktan.
Nanganak ako noong February. 5months na this month ang baby ko. Actually I really dont know that post-partum depression hanggang sa mabasa ko sa facebook. Mga sintomas neto na nararamdaman ko simula ng manganak ako. Akala ko normal lang un, akala ko ganon talaga since first time nga pero ndi pala biro mga nararamdaman ko.
Mga sintomas ng post-partum depression.
1. Labis na kalungkutan at kawalan ng pagasa na akala mo pasan mo ang buong mundo dahil feeling mo helpless ka.
2. Madalas na pagiyak kahit sa walang maliwanag na dahilan.
3. Labis na pag-aalala o pagkabalisa.
4. Madalas na magagalitin o ndi mapakali na kahit kasama mo sa bahay ay napagbubuntunan mo ng galit.
5. Sobra sa tulog o kulang sa tulog at palaging pagod.
6. Problema sa konsentrasyon, pagalala ng mga detalye at pagdedesisyon.
7. Pagkawala ng interes sa mga aktibidad na karaniwang kasiya siya.
8. Nakakaranas ng mga pisikal na pananakit kabilang ang madalas na pananakit ng ulo, tyan at sakit ng kalamnan.
9. Kumakain ng kaunti (loss appetite) o sobra (over eating).
10. Pagiwas sa mga kaibigan o kapamilya at pakiramdam na parang mag-isa ka sa buhay at parang wala kang katuwang dahil hindi sapat at wala kang kwentang tao sa paningin ng iba, kaya ganon na rin ang tingin mo sa sarili mo at walang nakakaintindi sa pinagdaraanan at nararamdaman mo.
11. Pagkakaroon ng problema sa pakikipag bonding sa anak na parang wala kang ganang alagaan ang iyong anak o mabilis uminit ang ulo mo sa kanya.
12. Patuloy na pagdududa ng kanyang kakayahan na alagaan ang anak na minsan ay humahantong sa pagiisip tungkol sa pananakit ng kanyang sarili o sa kanyang sanggol.
Sa lahat ng nabanggit dalawa lang ang ndi ko nararanasan (11/12). Nabasa ko dati na tumatagal daw ito ng isang taon.
Sobrang hirap po talaga sobrang down na down po ako ngayon. Hindi po ako makapagisip ng tama:(
Ndi po ito biro! May nagsuicide na dahil sa post partum depression.
❗jhoy❗
Just pray ate kaya mo yan,Hindi man magiging madali pero kaya mo yan!!patting!!✊✊