Sa isang relasyon ndi naman maiiwasan ang away at bangayan. Normal naman un sa magpartner.
Biggest problem namin ngayon ng partner ko is ung away namin ngayon. I dont know why pero ndi kami nagkakaintindihan or ako lang ung ayaw umintindi. Lately nagiging bossy ako sa kanya. Lagi akong nagtatampo.
Aminado ako nasa akin ang problema this time pero di ko alam bakit ndi ko kayang ibaba ung pride ko para maging okay kami.
Kwento ko lang sa inyo. Ndi kami magkasama ng partner ko ngayon. Nandito ako sa side ng papa ko at sya naman sa side ng mama nya. Nagwowork sya ngayon pero every sunday day off nya. Ang gusto ko lang naman umuwi sya samin para naman makasama namin sya pero lagi syang busy even sunday. Malapit lang naman sya samin, 1hr to travel.
Eto po dahilan kung bakit. Gusto nyang kami ang umuwi doon sa kanila pero ayoko. May tampo ako sa parents nya especially sa papa nya dahil nung time na buntis palang ako chinat nya sa partner ko na "marami pa namang ibang babae jan" and nabasa ko un. Sobra akong nasaktan na hanggang ngayon nandito pa rin. Never ko pa nameet papa nya!
Anyways balik tayo! Kinausap din nya mama ko to explain his side pero sarado utak ko, wala akong explanation na tatanggapin kundi ung sakin lang. Good thing sobrang bait nya, pilit nyang iniintindi ung side ko.
Ngayon medyo okay na ako, kinakausap ko na sya through chat lang dahil ayoko magvideo call. Siguro sobrang stress ko lang talaga at nung panahong pinapapunta ko sya dahil kailangan ko sya eh wala sya kaya napunta sa kanya lahat.
In a relationship wag puro pride dahil nakakasira ng relasyon and wag sabayan ang init ng ulo ang partner para ndi kayo parehas sumabog.
โjhoyโ
Ika nga nila ang pride Parang underwear lang yan kung di mo ibababa walang nangyayari๐