Chismosa Sa Barangay!

1 41

Sa aming barangay kay daming chismosa. Daig pa nila cctv kung kumalap ng balita. Lahat nalang chinichismis nila. Yung iba pa nga wala ng katotohanan, dinadagdagan pa nila istorya at ung mga kapwa naman nila chismosa naniniwala.

Chismosa samin sobra kung makapuna at makakalat ng balita. Parang ngayon lang nangyari pero kalat nasa buong barangay dahil sa kanila. Marami pa silang side comments na ndi naman kailangan kasi mas pinapalala nila sitwasyon.

Dito samin ung mga chismosa laging may napapansin. Kesyo ang aga nag-asawa ni ganito, bat ang bata pero buntis na agad, bat sya nagdadala ng lalaki sa kanila pero di nila alam lahat ng sinasabi nila nangyayari rin sa kanila mas malala pa.

Pasa pasa ng balita. Kada pasa may dagdag hanggang sa nagmumukha ng masama ung biktima nila.

Wag naman po sanang ganon. Wala ba kayong ginagawa sa buhay at may oras pa kayo para makichismis. Mas binibigyan nyo pa ng pansin kesa sa mga gawain nyo sa bahay. Gusto nyo lang maging bida-bida ung iba naman mali mali binabalita.

Oo! Alam ko nature na ng tao ang makibalita pero kung napapaaway kana dahil dito, aba! Eh tigilan na. Pwede makichismis pero wag sobrahan na tipong maghapon kana lang nakikipagchismisan sa kumare mo. Ung iba imbento nalang may matopic lang.

Wala namang masama makibalita kasi syempre gusto rin naman natin updated tayo sa nangyayari sa paligid natin pero sana sa tamang way. Paano ba ang tamang way? Ganito un! Makibalita ka pero wag kana magbigay ng side comments or wag kana magsabi ng ndi maganda sa ichinichismis at wag mo na rin ungkatin ung nakaraang nagawa nya kung meron man para ndi naman kawawa ung tao. Tao lang din un masasaktan at masasaktan.

Magsibago na tayo guys! 2020 na pero chismosa ka pa rin. Opssss, natatamaan ka ba? Pwesss magbago kana. Unahin mo sarili at pamilya mo kesa chismis dahil wala kang mapapala jan.

❗Jhoy❗

1
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

Hahahaha wag mo pansinin mga ganyang sismosa May kalalagyan din yan bsta Happy kalang sa sarili mo kong anu gingwa mo sa buhay meron talagang ganung tao mapanghusga kapwa tao basta happy kalang wag pasinin akala nila uunlad sila sa ginagawa nila hindi naman diba May kalalagyan din yang mga ganyan na tao

$ 0.00
4 years ago