"Babe, Buntis Ako!" (Short story)

1 38

"Babe may sasabihin ako sayo"

"Ano yun?"- sya.

"Wag kang mabibigla ha"

"Ano nga yun?"- sya.

"Babe kasi----- buntis ako! Papanagutan mo naman ako di ba? Sabi mo mahal mo ako."

"Im sorry"- sya (sabay alis)

Ako naiwang lulumuha at basag! Bakit? Bakit mo ako tinalikuran? Mahal mo ako sabi mo pero bakit?! Bakit di mo kayang panagutan ung ginawa natin? Ginusto natin to pareho eh pero bat ako lang mag-isa ang haharap? Ang sakit!

May kasintahan ako, 5years na kami together. Masaya kami sobra. Lagi kaming magkasama, hatid sundo nya ako mula school hanggang bahay. Kapag weekend lumalabas kami para mamasyal. Sa limang taon na un ndi sya nagbago, since day one mula ngayon ganon pa rin sya. Lagi nyang pinaparamdam sakin na mahal nya ako, na prinsesa nya ako. Na ako ang buhay nya. Sobrang saya ko kasi nahanap ko na ang the one para sakin. Wala na yata akong hihilingin pang iba kundi sya, ang swerte ko.

Isang gabi nagkayayahan silang magtrotropa. Sinama nya ako gaya ng lagi nyang ginagawa. Chill lang! Inuman kantahan at kwentuhan lang naman. Matitino sila un ang masasabi ko. Ung iba kasama rin mga girlfriend nila kaya may nakakausap naman ako.

Maghahating gabi na at sobra na silang lasing. Hindi kasi ako umiinom, ayaw nya eh! Nagkayayaan ng umuwi kaya umuwi na rin kami. Hindi na nya kayang magdrive masyado kaya sa condo nalang nya kami umuwi at ndi na ako hinatid tutal malapit naman un sa venue.

Hindi naman to ung unang beses na magkatabi kami matulog pero eto ung unang beses na lasing sya.

Pagkapasok palang namin hinalikan nya ako agad. Nagulat ako kasi sobrang aggresive nya pero kalaunan nakabawi na ako. Nadala na rin ako dahil sa paraan nya ng paghalik. Bumigay ako! May nangyari samin at eto ang unang beses. Opo! Sa tinagal namin ngayon lang may nangyari kasi lagi nyang sinasabi na gusto nya gawin namin un pag kinasal na kami. Pero nangyari na nga ngayon! Wala akong pinagsisisihan dahil mahal na mahal ko sya at lahat gagawin ko para sa kanya.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa iyak nya. Hindi ko alam kung bakit kaya tinanong ko sya.

"Babe bakit ka umiiyak?"

"Im sorry babe, sorry nadala ako. Di ko sinasadya, lasing ako eh"- sya.

Nasaktan ako kasi parang nagsisisi sya sa nangyari.

"Okay lang babe. Ginusto ko rin naman un eh. Iloveyou"

"Iloveyoutoo"- sya sabay halik sa noo ko

Lumipas ang dalawang buwan pero walang nagbago sa samahan namin. Hindi na rin naulit ung nangyari samin.

Pero ako kinakabahan ng sobra kasi delay ako, 2 buwan na. Natatakot ako na baka nagbunga ung nangyari samin at ndi nya tanggapin. Natatakot ako na baka iwan nya ako. Sobra sobra na akong naprapraning, lagi nalang akong balisa kaya napagdesisyonan kong bumili ng pregtancy test para maliwanagan ako kasi baka delay lang ako at wala lang to pero alam ko sa sarili ko na nakakaramdam ako ng mga sintomas.

Kinahapunan bumili ako ng pt! Pagkauwi ko sa bahay diretso agad sa banyo. Ginawa ko lahat ng sinabi sa procedure. Nanginginig ako habang hinihintay ko ang resulta. Lumipas ang limang minuto at nakita ko na! Tuluyan akong nawalan ng lakas, dalawang guhit. Positive! Mababaliw ako, ndi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano sasabihin kaya napagdesisyonan ko ng itago muna. Sasabihin ko nalang pag halata na sya!

Lumipas ang mga araw lagi akong nakakaramdam ng morning sickness, nahahalata na ako nila mama. Kaya sinabi ko sa kanila ang totoo, nung una nagalit sila pero kalaunan tinanggap nila kasi apo nila un. Tinanong nila ako kung alam na ba ni James (pangalan ni bf) ang sabi ko ndi pa. Sasabihin ko sa kanya mamaya dugtong ko pa.

Tinext ko si James na magkita kami sa madalas namin tambayan dahil miss ko na sya. Madalang nalang kaming magkita dahil busy kami pareho sa studies. Mataas kasi pangarap nun eh kaya seryoso masyado.

So eto na nga! Kinakabahan ako ndi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nya, kung matutuwa ba sya o ano pero wala ng atrasan to. Dapat nyang malaman dahil karapatan nya un!

Sinabi ko sa kanya at tinalikuran nya ako! Tinalikuran nya kami ng anak nya dahil sa pangarap nya. Masakit! Sobrang sakit. Parang gumuho ang mundo ko sa ginawa nya. Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit na wala na sya pero nandito ang anak ko dapat un ang isipin ko. Aalagaan ko sya, gagawin ko lahat para maitaguyod sya. Kakayanin namin kahit kami lang dalawa dahil tinalikuran kami ng kanyang ama! Duwag sya!

The end.

Ps. Mga lalaking walang balls di nyo deserved maging ama. Gagawa ng bata tapos tatakbuhan. Mali un!

❗jhoy❗

1
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

Kawawa namn ang babae pagganun dpat kong makbuntis ay hnda na at matutu mahalin ung nabuntis niya para namn hndi mabigat sa loob dahil ginusto yan ei

$ 0.00
4 years ago