Ang Pagiging Isang Ina!

1 19

Sabi ng karamihan nasusukat ang pagiging isang babae kapag ikaw ay INA na. Naniniwala ako! Sa pagiging ina marami tayong pagdadaanan, lahat ay hindi madali.

Una nating talakayin ang paglilihi. Paglilihi palang sobrang hirap na. Marami tayong ayaw kainin, pag sobrang selan kailangan nakahiga parati kasi baka makunan. Pag may nagustuhang pagkain dapat makain, pag may naamoy na di gusto ng ilong nasusuka. Isusuka hanggang sa wala ng maisuka!

Susunod ang paglelabor. Dito talaga tayo pinakanagdudusa. Dito natin mararanasan ang sobrang sakit na hindi maipaliwanag. Masakit balakang, sasabay pa ang hilab ng tiyan! Hindi mo na alam kung alin na ba ang masakit. Swerte mo nalang kung isang oras o dalawang oras mo lang mararanasan ang kakaibang sakit ng paglelabor! Ung iba inaabot pa ng ilang araw bago makaraos.

Pangatlo ang panganganak. Dito! Dito natin masusubukan kung marunong ba tayong umire. Dito rin natin mararanasan na mapunitan sa pwerta, karamihan abot pa hanggang pwet ang punit. Dito rin natin mararanasan ang matahi ng walang pampamanhid, tiis ganda kumbaga pero sobrang saya kapag nasilayan mo na ang iyong munting anghel.

Akala ng karamihan pag nanganak kana tapos na ang hirap? Masasabi kong HINDI! Maguumpisa palang ang totoong hirap.

Maguumpisa sa pagpapasuso. Sobrang sakit neto lalo na pag tumitigas na, tipong tutulo na kasi hindi na kaya. Meron pa yung nasusugatan ang nipple ng suso dahil sa sobrang pagsipsip ng anak natin.

Laging puyat. Walang halos tulog dahil ayaw magpalapag ni baby o iyak ng iyak. Magdamag mong sinasayaw, ibaba mo lang saglit iyak na naman. Matataranta ka kasi hindi mo naman alam kung anong gusto nya at kung bakit sya umiiyak na kahit ikaw maiiyak na rin sa sobrang antok at pagod. Kakatulog mo palang pero magigising ka ulit kasi umiiyak na naman. Pagod at puyat ang kalaban!

Sabi ng karamihan mas mahihirapan daw pag lumalaki na dahil sobrang pasaway na nila. Yang yugto na yan ang ilolook forward ko dahil maliit palang naman ang baby ko.

Sa lahat ng inang katulad ko. SALUDO PO AKO SA INYO, nakaya nyo lahat ng hirap ng isang pagiging ina.

Sa mga ina at magulang na nagsakripisyo para maitaguyod ang kanilang anak. MARAMING SALAMAT sa inyong lahat, ngayong kami naman ang dumaranas ng mga naranasan nyo noon nawa'y aming malampasan din ang hirap na ito.

SALAMAT SA LAHAT!

❗Jhoy❗

2
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

True dapat sila minamahal ng sobra, di biro pinagdaanan nila simula nung pinagbubuntis pa lang tayo.

$ 0.00
4 years ago