Anong silbi ko dito sa mundo, kung sakit sa damdamin lang ang matatamo ko

3 19
Avatar for Meraki
Written by
3 years ago
Topics: Personal, Rant, Reality, Feeling, Self, ...

Hello po. Ngayon lang ulit napadalaw dito sa readcash. Na busy kasi sa ibang pinagkakakitaan. Kaya hindi makapag sulat.

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, parang hindi ko na talaga kakayanin ito. Bibigay na yung puso't isipan ko pati na ang katawan ko.

Akala ng lahat ayos lang ako, kasi nakakangiti ako sa kanila ng maayos kahit may problema ako. Kahit family ko akala nila ayos lang ako, akala nila mapera ako. Kasi di naman ako dumadaing sa kanila o humihiram ng pera pag walang wala kami.

Akala nila masayang masaya ako sa buhay ko ngayon. Pero lahat kabaliktaran.

May asawa nga ako o matatawag na live in partner kasi hindi kami kasal pero hindi ko alam kung hanggang saan itong relasyon namin.

Away bati nalang palagi. Madalas hindi magka intindihan, dahil ba yun sa magka iba kami ng interest sa buhay?

Mula nang nagsama kami wala talaga ako kaalam alam sa buhay, walang experience sa pagtatrabaho dahil hindi ako pinapayagan noon ng mga magulang ko.

At walang cellphone din ako noon. Nung 2016 lang kami nagkaroon ng cp, at dun ko na nakita yung mga naglalabasan na mga online business. Sinubukan ko yung 250 ang registration fee, dahil nakaka engganyo din dahil malaki ang kita nila.

Ginawa ko lahat para makaipon, tinutukan ko talaga yun hanggang sa kumita ako. Pero nung nakakakuha na ako ng pera, bakit ganun parang ako pa masama. Kahit dun ko kinuha ang panimula para maitayo ang munti naming kubo. Pero lahat yun di manlang nila masabi na meron ako ambag dun.

Sa totoo lang nasasaktan ako kasi parang balewala lang lahat ng ginagawa ko. Ako pa minsan ang nagiging masama. Nung naging scam yun tumigil ako saglit, pero ito inaaway na naman ako kasi wala daw akong silbi dahil nasa bahay lang ako. Walang maibigay kahit piso dahil wala naman akong trabaho, sinabi ko sa partner ko na siya mag alaga sa anak namin tapos ako ang magtatrabaho pero ayaw niya kasi baka daw makahanap ako ng iba. Tama ba yun?

Pumasok din ako sa pag direct selling para kumita ako at mabili ko ang gusto ko, damit, panty, short or kung ano ano pa para sa sarili ko pati na din sa mga anak ko kasi hindi manlang sila maibili ng ama nila. Kahit nga 80 pesos lang noon na inorder ko online pinagalitan pa ako kasi humingi lang ako sa kanya. Doon ko pinursige na kelangan maghanap ako ng paraan para kumita kahit nasa bahay lang ako kasi hindi pwedeng umasa lang ako sa kanya.

Buwan buwan na akong meron nawiwithdraw sa atm, dahil sa pag direct selling. Pero alam niyo ba pag kontinlang nakukuha kung sahod ako pa ang pinagagalitan. Saklap talaga ng buhay ko, at lahay yun hindi ko sinasabi sa magulang ko kahit mamamatay na ako sa sama ng loob at stressed. Ako pa nga napapasama pag sinasagot ko siya. Mahal na mahal niya daw ako pero hindi ko maramdaman, dahil lahat ng ginagawa ko wala siyang konting suporta manlang. Ginawa ko na din ang pag online selling pero hindi din ako nagtagal dahil palagi akong pinagagalitan lalo na pag sumasakay ako sa motor niya na kasama siya sa pagdedeliver ng items. Iwan ko kung bakit ako nagtitiis sa kanya, simula palang puro nalang hirap. Ako kahit magkano lang ibigay niya sa akin na kita niya ayos lang sa akin, hindi ako nagrereklamo kasi ang importante meron lang kami pagkain, na hindi lang kami magugutom ng mga anak ko.

Lately nga lahat ng kita niya dala dala niya, binibilhan lang kami ng pagkain maghapon tapos bibigyan ako ng 20 or 50 pesos pang snack. Pero wala siyang narinig sa akin, ayos lang sa akin yun.

Ilang beses na gusto ko na siyang iwan, pero kawawa naman yung mga anak ko.

Ngayon nag away kami dahil nagalit ako, kasi yung kaibigan niya nagdala ng babae dito sa bahay kanina, akala ko asawa yung kasama, yun pala ibang babae. Parang naawa ako sa asawa ng kaibigan niya. Kawawa naman, kasi naghihintay siya sa bahay tapos yung asawa pala niya meron kasamang ibang babae.

Kaya pinagalitan ko yung asawa ko at sinabihan ko na maghanap sya ng trabaho, at sinabi ko sa kanya na hindi na ako mag cash out ng pera, bahala siyang maghanap buhay para sa pagkain namin at wag nang sumama sa kaibigan niya, dahil baka di ko mamalayan may ibang babae na din siya. Ayun nagalit sa akin at di na down ko daw siya porke't ako daw mayroon kita ngayon.

Nagmamalaki na daw ako kasi ako yung meron kita at ako bumibili ng pagkain. Mali na ako sa sinabi ko?

Ang masaklap pa noon, naririnig siya ng magulang niya. At alam ko baka masamain na naman nila yun. Pero bahala sila, alam naman nila ugali ng anak nila. Araw araw na nga lang akong umiiyak dahil sa sama ng loob sa kanilang anak.

Kung wala lang kaming anak, talagang umuwi na ako sa bahay namin sa magulang ko. Mahirap lang din mga magulang ko kaya ayokong maging pabigat sa kanila. Ako na nga tumutulong, ako pa ang masama. Insecure kasi siya dahil wala siyang trabaho ngayon at d nya tanggap na umaasa nalang siya sakin ngayon. Wala naman akong balak na sabihin yun sa kanya kung hindi lang dahil sa kaibigan nya, baka mahawa pa sa kalukuhan.

Kung ano ano nalang tawag sa akin, hindi daw ako mabuting ina, hindi mabuting asawa. Kaya feeling ko wala akong silbi dito sa mundo.

Umiiyak nalang ako at tinatanong sa panginoon kung anong purpose ko na mabuhay pa kung wala akong kwenta. Sa totoo lang hirap na hirap na ako. Wala kasi akong mapagsabihan lahat ng hinanakit ko sa buhay.

Alam ko na meron pang mas malala ang dinaranas sa buhay kesa sa akin. Pero mabuti pa sila matatag. Ako kasi hindi, akala nila masaya ako sa buhay ko, pero hindi😭

Gusto kung magkwento sa nanay ko pero nahihiya ako, at malayo sila akin. Hindi din ako makauwi ng basta basta kasi kelangan pa approval ng partner ko.

Haiistt hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. Tuwing may problema ako gusto ko nalang mawala sa mundo para matapos na ang problema ko.

Parusa na ba ito saakin kasi hindi ako noon nakinig sa mga magulang ko?

😭😭😭😭😭

Pasensya na po kung dito ko sinulat, kasi kahit meron makabasa nitong rant ko sa buhay, ayos lang kasi hindi naman ako personal na kilala. Hindi ako pwede magpost sa fb at noise. Dahil andun kapatid ko at pinsan ng partner ko. Ayoko din magpost sa fb dahil makakabasa lahat ng kamag anak niya pati pamilya ko. Dito nalang yung naisip ko para mabawasan naman lahat ng bigat sa dibdib ko. Sinusulat ko to habang umiiyak, dahil gusto ko ibuhos lahat dito ang hinanakit ko lahat ng sakit sa dibdib ko🤧

Naiinggit ako tuwing meron akong makikita na masaya. Wish ko na sana maging ganun din ako. Hindi yung fake na kasiyahan na nakikita ng mga tao sa akin.

3
$ 0.05
$ 0.05 from @Ling01
Sponsors of Meraki
empty
empty
empty
Avatar for Meraki
Written by
3 years ago
Topics: Personal, Rant, Reality, Feeling, Self, ...

Comments

Sis kung di mo nalang man din love partner mo mabuti pa't magpakalayo-layo ka na sa kanya. Kung iniisip mo yung anak mo, hindi rin naman masaya kahit buo kayo e, araw-araw ka pa rin naman winawasak. Basta tandaan mo Sis worth it ka, di ka deserve ng partner mo. Dapat nga sya bumubuhay o tumulong sayo pero hindi e. I pray for you Sis, isipin mo sarili mo at anak mo, di kayo magiging tunay na masaya pag ganyan. Hugs! GOD Bless!

$ 0.01
3 years ago

Thanks sissy sa advice. Minsan lang talaga kami magkasundo, hindi ko na din kaya pero love ko pa naman siya sis. 😰 Iniisip ko lahat ng magiging resulta kung maghihiwalay kami, kasi naawa ako sa mga anak ko. At bandang huli ako ang masisira sa lahat, salamat sis❤️ Ngayon pa lang pinagsasalitaan na ako ng d maganda, kaya dw gusto ko na makipag hiwalay kasi kaya ko nang buhayin sarili ko.. Ang hirap😰

$ 0.00
3 years ago

basta Sis, focus ka lang sa sarili mo at sa anak mo, hayaan mo yan sila. Let your success make some noise for you. Salute to you Sis, ang tapang mo din para matiis to. Pray lang tayo always. GOD Bless!

You're welcome :)

$ 0.00
3 years ago