read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

THROWBACK TUESDAY Goshen Resort Day Tour Gaya nang sinabi ko last week ngayong Tuesday ibabahagi ko ang pamamasyal namin sa Goshen Resort sa Tarlac. Mula sa parking area ng Van na sinakyan namin, merong naka-park na doon na mga sasakyan na di ko matandaan kung anong tawag. Ginagamit talaga doon para makapasok sa loob. Ipo-post ko sana kaya lang 5 pictures lang ang pwede dito. Itong unang picture dito ay isa sa tatlong swimming pool dito sa resort. Hindi ka mag-aalangang mag-swimming kahit kainitan ng araw, dahil nakapalibot ang mga ito sa malalaking puno. Pwedeng sumilong agad. Itong 2nd at 3rd picture ay ang napakalawak na park at nag-enjoy ang 4 na kids na kasama namin sa paglalaro at nagtakbuhan dito at umaatikabong picture taking naman ang mga dalagitang kasama namin at di rin naman kami nagpahuli kaming mga young ones (hehe once pala ha-ha..) sa paga--aura-aura! haha.. Itong 4th picture dito nasa pagitan ako ng 2 guwardiya sibil kaya naman ang dalawang tiger sa harap ko ay naging maamo dahil sa takot sa 2 kong guwardiya na nakatayo at tila handang ipahulagpos ang matatalim na sibat na hawak nila. Ha-ha.. Ang last picture ay ang unang tumambad sa amin pagpasok namin dito sa Goshen resort. Ito ay ang “Dambana ni Yahweh” na siyang pangunahing atraksyon dito. Ang hitsura nito ay kahawig ng gusali ng Amphitheatrum Flavium sa Rome, Italy. Ang istraktura nito ay nakakaakit sa mga bisita. Maganda at romantic ang lugar, perfect sa mga lovers, mag-asawa at pamilya at napakagandang mag-picture taking doon kaya lang halos group pictures kami at di ko mai-post dito. Sa susunod try kong i-share ang isang napakagandang lugar na pinagpahingahan lang namin bago kami tumuloy sa isa pang resort sa Tarlac. It's your turn naman mga noise friends para mag-share ng inyong mga happy and memorable moments. Luv u all! @georgia0817

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.