Laundry Day Araw na naman ng lunes! Araw ng paglalaba ko. Maaga kong isinalang sa washing, gaya ng makikita sa first picture, 7:09 am pa lang 25 minutes na lang matatapos na iyan. Kaya maisasampay ko agad at eksakto maganda ang sikat ng araw ngayon. Ang second picture iyang lunch namin ng daughter ko pero hanggang hapunan na iyan. He-he! Nag-prito ako ng malalaking tilapia nilagyan ko ng ini-slice na kamatis, onion at kaunting paminta. Ang sarap ng amoy habang ipiniprito ko. Ang last picture ay ang breakfast ko kanina, habang umiikot ang Washing. Let's eat our lunch, dear friends and noisers! Pagkatapos, mag-noise muna tayo habang nagpapahinga. Haha! See you later!
32 comments
Spotted leche flan! 🤤 Pengeeee...
Heto,mate! Abutin mo oh.. Haha! Good afternoon!
Ay lunes ang laundry day mo missG sarap naman ng leche hahahaha
Oo, miss Pi! Every Monday. As of this time nagpapahinga muna habang nagno-noise. Hehe! Maya-maya. Aalisin ko na ang mga iyon sa sampayan at itutupi. Musta ka ngayon?
Ok naman na ako missG gudluck sa laundry
Buti pa jan maganda sikat ng araw sis.. Dito waleyy.. Naka tago yun mga nilalabhan ko yesterday..
Gano'n ba? Halos tuyo na lahat ng nilabhan ko pero mamaya ko na isisilong. Pahinga muna ako habang nagrereply dito. Haha!
Dito wla eh.Makulimlim talaga.
Taga- saan ka, mate?
Mindanao mate.
Ang bilis ng oras kaya hindi mo namamalayan mamaua hapon na sa ngyon kaninan na ng lunch
Oo nga,.mate! Bilis talaga ng oras. Kung mapipigilan ko lang hehe. Dami ko pa kasing gagawin eh. Magandang hapon!
Sana oll sisy may washing machine..parang hindi masyadong ma pagod...
Oo nga, kaya bili ka na, mate, para di ka gaanong mahirapan.
Ako sis 3am ako nglaba dahil di ako makatulog..
Ang aga mo namang nagising. Dahil ba don sa kuwento mo sa hubby mo na nalasing at nawala ang cp? Di ka na talaga makakafulog kapag ganon. Sana makaidlip ka ngayon.
Labahin lang talaga Ang Hindi natin Kayang tignan Ako araw araw kahit kunti Lang laba agad mas bet ko Ang laba kesa plantsa. Yummy lunch Sis sarap Ang pritong isda.
Oo nga, mate! Nakakapagod maglaba lalo na kapag manu-mano. Mag-wash ka na lang para di ka gaanong pagod.
After anomang meal masarap may panghimagas Type ko yung leche flan mo. Ikaw ba gumawa nyan ?
Hindi po madam. Pamangkin ko iyong gumagawa! Business niya iyan kaya sinuportahan ko rin. At masarap siyang gumawa at magluto. Gandang hapon po!
Laundry day din ako sis kayo Wala araw hahaha makulimlim
Saan ang place niyo, mate! Dito. Matindi ang sikat ng araw. Inalis ko na ang mga sinampay ko. Pinapalamig ko muna bago ko itupi.
Sobrang init sis sandali makakatuyo kapo nyan
Natuyo na lahat, friend. Maya-maya itutupi ko na lahat. Gandang halon, mate!
Bigla ako napa crave sa leche flan sis.Ngayon kasi hindi na ko nagawa niyan.Grabe kasi mag ama ko niyan saglit lang sa kanila yan.
Di bali washing machine naman di kana mapapagod pa
Enjoy your lunch mate
Ako po mamaya po siguro ako maglalaba para malabhan na din po yung org tshirt namin hihi ingat po
kakatapos lang din mag lunch sis.. sana makatuyo ka agad ng labada mo sis :)
Sarap ng lunch mo sis Enjoy sis😊 BusyMonday den dito :)
Enjoy your busy day, friend!
Busy po talaga pag monday at sarap ng tilapia may palaman