It's been a while since the last time I published a Filipino article so I will be posting one today. It was made before and I hope you will enjoy reading it. To my Filipino readers, feedback is highly appreciated.
Sa buhay, patuloy tayong nakakaranas ng mga bagong karanasan sa paglipas ng mga araw. At may mga karanasan tayong kay ganda at kay sarap balik-balikan. Ang mga ito ay nagbigy sa atin ng kakaibang pakiramdam ng kaligayahan, bukod sa iba pang mga bagay, na nagturo din sa atin ng mga aralin, pagpapahalaga, at mga bagong kaalaman na hanggang ngayon ay dinadala natin ng may pasasalamat sa puso.
Kaya ngayon, magbabahagi ako ng ilang mga karanasan na mayroon ako. Ang ilan ay maaaring maging relatable sa inyo. Kung nais mo ring gawin ito, huwag mag-atubiling isulat ang iyong mga saloobin patungo sa paksang ito.
Paalala lamang, mag-enjoy lang habang binabasa ito at subukang huwag tawanan ang ilan sa mga karanasan na isasama ko rito.
Paboritong tambayan noong hayskul
Dati, lagi akong sumasama sa aking mga kaibigan sa aming paboritong tambayan pagkatapos ng aming klase. Ang lugar na ito ay malapit lamang sa barangay high school na pinag-aaralan namin. Sa totoo lang, ilang bahay lamang ang layo nito mula sa aming paaralan. Maraming mga ibang mag-aaral ang lagi ring pumupunta doon, kaya talagang kailangan naming pumunta doon nang mas maaga kaysa sa iba para makahanap ng magandang pwesto
Sa kabuuan, mayroong tatlong spot, ngunit ang bawat isang spot ay maaaring magkaroon ng dalawa hanggang tatlong mga grupo. Isang spot lamang ang may mesa at mauupuan, ngunit may mga damo naman sa lupa, kaya't okay lang na umupo doon, at ito ay isang bagay na gusto din namin dahil nagdudulot ito ng ibang pakiramdam at saya.
Maraming magagandang karanasan doon. Naglalaro din kami minsan ng ilang mga laro tulad ng hide and seek ngunit ang taya ay nakapiring at kailangan lamang niya kaming hanapin. Kapag ang taya ay may nahawakang tao, kailangan nitong hulaan kung sino ang taong iyon.
Christmas Carols kasama ang mga kaibigan at kapatid tuwing Pasko
Sa pagdiriwang ng Pasko, naging tradisyon na sa amin na magpunta sa mga bahay-bahay at kumanta ng ilang mga kantang pampasko. Karaniwan, maraming mga indibidwal, bata man o matanda, kasama ang kanilang mga kaibigan ang namamasko. May dala-dalang ilang mga instrumentong pang-musika na maaaring binili o ginawa. Nakakapaos man minsan, ineenjoy pa rin dahil isa ito sa tunay na diwa ng pasko.
Ngayon ang mga bagay ay tila nagbago nang kaunti dahil sa naidulot sa atin ng pandemya. Gayunpaman, ang diwa ng Pasko ay nasa ating mga puso pa rin. Siyanga pala, mayroong isang kaganapan na nangyari noon at ito ay talagang nakakapagod at nakakatuwa. Tumatakbo kami sa oras na iyon hanggang sa bigla na lamang nahulog ang hawak kong cellphone (ang parehong cellphone na mababasa mo sa ibaba). Hindi ko alam kung maniniwala ka pero talagang nagpagulong-gulong ito na para bang isang bola sa loob ng ilang metro. Hindi ko alam kung paano nangyari pero salamat sa Diyos, hindi nasira ang aking cellphone. Nakakuha lamang ito ng maraming mga gasgas sa mga gilid, ngunit gumagana ito ng maayos. 'Yan ang MyPhone mura na, matibay pa.
Noong nakalimutan ko kung saan ko inilagay ang aking cellphone
Nangyari ito noong nasa Junior High School pa lamang ako. Grade 8 ako noon. Kasama ko ang aking mga kaibigan sa oras na iyon, at sa totoo lang, oras na upang umuwi, ngunit nanatili pa rin kami sandali sa aming silid. Papalabas na kami ng silid nang maalala ko ang aking cellphone.
Hindi ko kasi hawak sa oras na iyon at bigla na lang akong nagpanic. Sa totoo lang, ang tatak nito ay MyPhone, at sobrang mahalaga ito sa akin. Ang perang ginamit ko sa pagbili nito dati ay nagmula sa aking pagtitipid at kung ano ang naipon ko sa Pasko. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pumunta sa mga lugar na pinuntahan ko sa araw na iyon.
Pumunta ako sa aming silid aklatan, ngunit hindi ko ito makita doon. Pumunta ako sa canteen at tinanong ang ilang mga mag-aaral doon, at hindi ko ito nahanap. Bumalik ako sa aking mga kaibigan na halos maiiyak na dahil naisip kong baka nawala na ito hanggang sa tumawa ang isa sa aking mga kaibigan. Pagkatapos ay napagtanto kong hiniram niya ito dahil naglilipat siya ng ilang mga app. Napa-facepalm na lang ako dahil sa kaunting kahihiyan at sa pagod na rin sa paghanap ng bagay na hindi naman talaga pala nawala.
Marami pang iba!
O kay ganda talagang aalahanin ang mga masasaya at nakakatawang karanasan. Sumasang-ayon ka ba? Kung oo, pwede ka bang mag-share?
Be part of my journey here and in noise.cash too!
noise.cash:
McJulez
My Latest Articles:
NCIII Bookkeeping
All I want for my Birthday is....
1.14 BCH from writing: A Dream Come True
The Tree is Shaking: Will you still hold?
Overcoming writer's block by doing these things
The Greatest and Most Caring Man I've Ever Known.
Eighty Articles in 3 Months + 1.2 BCH: How I did it?
Quality matters: Earn Huge while Writing Good Articles
I Keep on Telling about this platform even in our School Activities
Special Notes:
All Other Images that are used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay.
This is original content.
Nakakatuwa po talaga alalalahanin yung mga bagay na nangyari sayo lalo na pag may special na pangyayari ng araw na iyon di mo talaga makakalimutan. Nag enjoy po ako basahin yung article nyo lalo na tagalog hehe.