Written by McJulez
June 7, 2021
Today, I will write about entrepreneurs but this will be written in Filipino language. This part and the last part are the only parts written in English. But to those who can't understand the Filipino language but eager to read the main content, you may do so by clicking the small globe icon above so that it will be translated to the language you want.
Atin munang bigyang kahulugan ang salitang "Entrepreneurs."
Ang mga tinatawag na Entrepreneurs ay madalas na nakikita bilang innovators, o 'yung mga mahilig gumawa ng mga bagong ideya, mga produkto, mga serbisyo, at maging mga proseso. Sila ay nagsisimula ng negosyo. Karamihan sa mga risks at karamihan din sa mga returns ay sa kanil napupunta.
Sa madaling salita, anf Entrepreneurship ay tumutukoy sa isang gawain o aktibidad kung saan ang mga tinatawag na Entrepreneurs nagsisimula ng negosyo batay sa mga panibagong ideya na may layuning magkaroon ng mas mataas na kita sa kabila ng mga tinatawag nating risks.
Pero ang tanong, magkapareho ba ang entrepreneur at businessman o businesswoman? Iyan ay masasagot sa susunod na talata.
Bagama't magkapareho ang dalawang terminolohiyang ito sa ilang mga bagay-bagay, sila ay mayroon pa ring pagkakaiba. Mahalagang malaman na ang isang entrepreneur ay isang tao na nagdudulot ng makabago at natatanging mga ideya para sa isang negosyo. Samantalang ang businessman o businesswoman naman ay isang indibidwal na nagsisimula ng negosyo sa isang lumang ideya o konsepto.
Ang mga Entrepreneurs ay Mahalaga sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Isang Bansa.
Ang mga tinatawag na mag entrepreneurs ay mga indibidwal na kung saan ay itinuturing silang mga key players sa pag-unlad ng isang bansa. Ang kanilang mga kasanayan at talento at kanilang pagsusumikap upang maibigay ang mga kinakailangang bagay o produkto at serbisyo ng mga mamamayan. Lumilikha sila ng mga bagong ideya at mga negosyo. Dahil dito, nakakalikha sila ng mga trabaho, nadagdagan ang kumpetisyon, at mas napapabuti pa ang pagiging produktibo sa pamamagitan ng mga pagbabagong teknolohikal.
Bilang resulta, makikita natin ang mga epekto ng kakayahan ng bawat isa at lalo na ang bawat negosyante sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Ang kanilang ambag sa ekonomiya ay mahalaga at hindi maaaring palitan para sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Kung wala sila, saan tayo kukuha ng ilan sa mga produktong ine-enjoy natin ngayon?
Ano ang iba pang mga paraan kung saan nakapag-aambag ang mga Entrepreneurs sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
Kung hindi mo pa nalalaman ito, nag-iinvest ang mga entrepreneurs sa kung ano ang kailangan ng ekonomiya. Ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakasalalay rin sa kanilang kontribusyon depende sa kung anong uri ng mga produkto o serbisyo ang kinakailangan ng mga mamimili.
Ayon sa kaugalian, ang mga entrepreneurs ay lumilikha ng mga bagong negosyo batay sa mga pangangailangan at mga pumapatok at hinihingi sa merkado. Ang paglulunsad ng mga bagong produkto bilang tugon sa pangangailangan sa merkado ay isang pangunahing kadahilanan sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Bilang mga mamimili, malaki rin ang papel na ginagampanan natin. Ngunit isipin mo na lang kung wala sila, na nagbibigay ng mga serbisyo at produkto. Ang mga bagay na karaniwang tinatamasa natin ay maaaring hindi umiral. Naiisip mo ba kung ano ang mangyayari sa mundo kung walang mga entrepreneurs?
Write it in the comment section below. That is all for now guys. I hope you are entertained well. See you again tomorrow.
Special Notes:
All Other Images without watermark in this article are Copyright Free Images fromĀ Pixabay.
An original content
I thought entrepreneur and businessman are the same haha, good thing is you provide this.