Iba Ako, Ako ay Hindi Ikaw

1 32
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

This article was written on Filipino language. Yes, ito ang unang article na isusulat ko sa aking sariling wika. Kahit na Hindi ako dalubhasa sa paggamit ng wikang ito, mas confident ako na gamitin ito sa artikulong ito para mas damang dama nyo Yung gigil at pinaglaban ko sa buhay hehe. Bilang isa na ring pagpupugay sa Buwan Ng Wika.

_______________________

"Iba Ako, Ako ay Hindi Ikaw"

Ito ang mga katagang nais Kong sambitin sa tuwing may mga kamag-anak o tao na mahilig akong ikumpara sa iba. Nakakasawa, nakakapagod. Yung tipong Wala ka namang ginagawang masama pero sa tingin nila para kang isang musmos na Wala pang alam. Sa tuwing ipagtatanggol mo ang iyong sarili ay para bang tingin nila ay nawawalan ka na Ng respeto sa kanila. Mali ba ako? Mali ba ako na piliin ang bagay na magpapasaya sa akin? Mali ba ako na ibahin ang landas na gusto Kong tahakin? O sadyang sila lang yung makikitid ang utak na Hindi alam ang kahulugan Ng pagkakaiba-iba.

Lumaki ako sa pamilyang mataas ang expectations at napapalibutan Ng pressure. Hindi ang aking mga magulang ang tinutukoy ko kundi ang aking mga kamag-anak na sobrang taas Ng tingin sa sarili nila. Akala siguro Nila na sa kanila lang umiikot ang mundo. Hindi ko itatanggi na kilala ang angkan nina Mama sa aming lugar kaya ganun na lang yung pressure na maging isa sa kanila. Simula bata pa lang ako, kaakibat ng apelyido Nila ay ang bigat na dala-dala ko upang maging katulad nila. Tuwing makikita Nila ang aking panggitnang pangalan ay

" Gayahin mo si ano, doctor na".

" Buti pa si ano , mataas ang grado".

" Eto dapat ang kunin mo "

"Eto dapat gawin mo".

Kung siguro nakakamatay lang yung mga katagang Yan, siguradong double dead o baka triple kill na ako. Sa totoo lang immune na ako sa mga salitang yan. Alam mo yung pakiramdam na para kang isang anino na kailangang sundan ang mga yapak nila. Para akong manlalakbay na kailangan pang ituro ang direksyon na kailangang landasin. Kaya simula nung nag-aral ako, walang oras na hindi ko naisip na dapat ibigay ko Yung best ko. Masaya na natupad ko Naman Yun, naging consistent honor student ako hanggang ngayong college pero parang may kulang? Parang may bagay na kailangan ko pa.

Naalala ko pa noong huling family reunion namin, lumapit sa akin ang Tito ko at tinanong niya kung anong course kinuha ko sa college. Sinagot ko siya Ng " BSBA Major in Financial Management po". Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Tapos sinabe niya na " Bakit Yan ang kinuha mo? Bakit hindi Medicine o kaya Engineering tulad Ng mga pinsan mo. Sayang lang talino mo". Gusto kong sagutin siya sa puntong Yun pero ayaw Kong isipin niya na Wala akong respeto o baka idamay niya pa Ang aking mga magulang. Nakakalungkot na sa tingin nila dapat umayon kami sa kung anong gusto nila. Pagiging Engineer o Doctor lang ba ang sukatan Ng pagiging successful sa kanila? Kailangang bang lagi kaming naka-angkla sa mga bagay na ginagawa Nila? Ang sakit . Nakakapagod. Ang sakit Kase kung gaano kataas ang tingin sayo Ng iba ay ganun naman kababa ang tingin sayo ng iyong pamilya. Para akong hangin na saka lang Nila makikita kapag kailangan na Nila. Para akong size 24 na pantalon na pinagsisiksikan at pinagkakasya sa size 28 na bewang.

"Iba Ako, Ako ay Hindi Ikaw. Ako ay Hindi Sila". Gusto Kong sabihin sa kanila yang mga salitang yan. Gusto Kong patunayan na kaya ko ring iangat ang pangalan ko sa larangang gusto ko. Pero sa isang banda, natatakot ako. Natatakot ako Kase ako ang unang bumali sa nakasanay nila. Kahit pa sinabi Ng mga magulang ko na gawin ko ang gusto ko, natatakot ako Kase alam ko na kapag nabigo Ako Hindi lang ako ang kaaawaan kundi pati na rin sila. Pero heto ako, gustong gusto Kong baliin Yung stigma at pag-iisip nila. Hindi porket na nag-iba ako ng landas ay ibig sabihin ay magiging talunan na ako. Gusto ko imulat sila sa realidad na maraming bagay ang pwedeng gawin upang matawag na successful.Gusto ko sabihin sa kanila na " Iba Ako, at itong Ibang Ito ang magpapatunay na kaya ko ring maging katulad nila, Hindi man sa larangang tulad Ng sa kanila ngunit sa larangang kung saan ako masaya". Pero naisip ko rin na mas maganda na wag na lang sila patulan gamit ang mga salitang maaaring ibato rin Nila . Mas maganda kung ang gagawin ko na lang ang mga bagay na gusto ko at hayaang sila ang makapansin Ng tagumpay ko.

_______________________

Final Thought

Gusto ko lang sabahin na huwag kang matakot na sumubok na sa mga bagay na kakaiba. Huwag kang matakot na baliin ang nakasanayan lalo na kung alam mong para Ito sa ikabubuti at ikakasaya mo. As long as Wala kang tinatapakan na tao, valid yun. At kung dumating man sa punto na sa pinili mo ay Ikaw ay nabigo, huwag kang matakot sumubok ulit. Walang taong successful ang hindi nakaranas Ng failures. Huwag mong hayaan na makulong ka sa mga bagay na Hindi mo Naman gusto. Bigyan mo ang sarili ng respeto at mga bagay na alam mong deserve mo. Hindi natin kayang i-please Ang lahat na sumang-ayon sa mga gusto natin pero kaya nating patunayan na tama ang landas na pinili mong tahakin. Oras na para bitawan ang mga tanijalang Kay tagal mong dinala.

2
$ 0.47
$ 0.37 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @OfficialGamboaLikeUs
Sponsors of Mayiee
empty
empty
empty
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Comments

madami tayong kamaganak na mahilig mangumpara, wala tayong magagawa kasi ganyan talaga sila

$ 0.03
3 years ago