Mas mainam pa rin kung kapwa pinoy ang makakaalam o makakabasa ng mga ideya mo. Mas maiintindihan kasi nila yung saloobin mo, yung gusto mo iparating sa mambabasa mo. Mas nakaka-relate sila sa kung anong experience ang ibabahagi mo. Bakit ko nasabi? Subukan mong basahin yung short article ko na may pamagat na "children" at basahin mo ang mga comment. Mawiwindang ka rin sa mga comments nila. Kasi siguro may iba silang experiences na hindi maganda o may nakita silang experiences ng iba na hindi kaparehas ng inilahad ko sa article na yun.
Ang nais ko lang naman ay ilahad ang mga karanasan at ideya ko tungkol sa pagkakaroon ng mga anak. Diba napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng isang anak? Alam na alam natin yan mga momshies. Kahit na napakahirap maging isang ina. Ang mga anak natin ang inspirasyon natin para patuloy na lumaban at mabuhay.
Pero naintindihan ko kung bakit iba iba rin ang mga komento doon. Yun marahil ay namulat sila sa kakaibang kultura na iba kesa satin. Ang sarap maging Pilipino. Salamat sa inyo. Ngayon, mas naunawaan ko na iba rin talaga ang kultura sa ibang bansa.