"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?" Yan ang laging tanong ni ma'am sayo kapag nahuhuli ka sa klase. Subalit pagkatapos bigkasin ng mga tanong na yan ay naglalaro na sa isipan ni ma'am kung bakit ka nga ba na-late. Pagkatapos ng klase ay tinawag ka nya upang malaman ang tunay na dahilan. Sa maraming pagkakataon, marami ring mga rason. Nariyang naglakad ka lang sapagkat malayo ang bahay nyo, walang pamasahe, walang naghatid, traffic, o tinanghali lang talaga ng gising.
Isa lamang ito sa mga sitwasyong palagi na lang naoobserbahan sa paaralan.
Ngunit sa likod ng mga katagang "late ka na naman" "saan ka galing? Bakit wala ka sa klase kanina?" "bakit absent ka kahapon?" "nag-over da bakod ka na naman" "bakit nakipag away ka?" "break na ba kayo?" "amoy alak ka, halika, usap tayo" "kahit anong nguya mo sa bubble gum, naaamoy ko pa rin yung sigarilyo mo" "napano ka? May bangas ka na naman".......na waring pakikialam sa personal mong buhay o tila ba sermon o galit ang namumutawi sa mga labi ni ma'am......subalit ang laman ng puso nya ay nagsasabing "pangarap kong maituwid ang landas mo" "maging kasangkapan ako upang lubos kang maging tao" "parang anak na ang turing ko sayo" "ang tagumpay mo ay tagumpay ko na rin" "masaya ako na mataas ang mga grado mo" "dalangin ko na marami kang matutunan sakin" "friends tayo, hindi ako terror".
Mahal ka ni ma'am... Ayaw nyang mababalitaan na nag-asawa ka na pala after ng high school. Malulungkot sya. Sapagkat pangarap nyang makapagtapos ka ng pag-aaral at makatulong ka sa iyong mga magulang o sa mga taong nagbigay ng suporta sayo.
Grabe ang kabog ng dibdib ni ma'am nung nabalitaan nyang may nangyaring di maganda sayo, naaksidente ka dahil sa mabilis mong patakbo sa motor mo, nakainom ka kasi. Pinangunahan ni maam ang paglikom ng salapi o paghingi ng tulong mula sa kapwa nya mga guro upang may maitulong sa mga gastusin mo sa iyong pagpapagaling.
Ang sakit ng ulo ni maam nung nakipag away ka at sya ang pinatawag sa principal's office upang magpaliwanag.
Ito na ngayon, tapos na ng isang taong pagsasama-sama sa loob at labas ng classroom. Ngayon ay mag-isa na naman si ma'am. Pilit sumisiksik sa isip nya ang masasayang alaala na iniwan nyo sa classroom. Yung mga kakulitan nyo. Yung mga asaran nyo. Yung kantahan nyo tuwing vacant time na ginawang drums yung broombox at gitara yung walis. Yung mga biruan. Yung iyakan kapag touching ang lesson o nakarelate kayo sa topic. Yung walang sikretohan. Mga bagay na namimiss ni maam😢
Nagba-backread sya sa mga convo nyo sa gc kasi namimiss nya kayo. Yung mga unending na chikahan.
Lagi nya naaalala yung mga sweet surprises nyo sa kanya. May pa-flowers at pa-cake pa kayo nung Teacher's Day with matching spoken poetry about giving thanks to your class adviser. Maamsie kung tawagin nyo. So sweet❤️
Nung malapit na ang closing ng school year, another surprise na talaga namang ikinatuwa ng puso ni maam. With personal messages pa at video presentation pa.
Namimiss na kayo ni ma'am 😭😭😭 Sana kayo na lang ulit😭 Kayo na lang ulit ang estudyante nya sa susunod na taon. Pero hindi pwede😭 Kailangan nyang tanggapin na aalis na kayo at tatahakin nyo ang panibagong yugto ng buhay.
Kapag nakikita ka ni ma'am sa labas ng paaralan, masayang masaya sya, kulang na lang ay yakapin ka nya sa tuwang nagkita kayong muli.
At paaalalahanan ka na "mag-aral kang mabuti, soar high, hit the mark" kasi bukod sa iyong mga magulang ay sya lang ang tanging taong magiging proud sa pagtatagumpay mo.
Ngayon, sino ka nga ba sa buhay ni ma'am?
Estudyante ka nya. Subalit anak ang turing nya sayo. Kaibigan syang malalapitan mo. Maraming taon man ang lilipas, hindi magbabago ang turing nya sayo. Darating ang panahon na isa ka nang pulis, sundalo, engineer, doctor, nurse, architect, businessman, o guro, o ano pa mang propesyon na mas mataas kaysa sa kanya subalit mananatili syang nanay mo o kaibigan mo at walang magbabago dun.
Yes you're right maya. Teacher's love never hide for their students. Teachers guide them or give way to claim the key of success of their students.